"Gwyneth!" panic na tawag ni Apple Pie sa kaibigan habang paulit-ulit na niyuyugyog ang braso nito. "Sineen niya lang yung "ok" na message ko! Nagalit ata!" Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at ninenerbyos na tiningnan ang cellphone. It showed that Yohan had already seen her reply, but 10 minutes had passed, and he hadn't replied to her yet.
Inis siyang nilingon ni Gwyneth, siguro dahil sa napakalaki niyang abala sa tinatapos nitong plates ngunit mabilis niya itong ginamitan ng puppy eyes niya. Malakas itong bumuntung-hininga bago diretso siyang pinaharap dito.
"Makinig ka ng mabuti sa akin, Apple Pie," seryoso nitong ani. "Guys would lose interest in you if you would run behind them like a lap dog or something. Kung nag-aalala ka talaga sa kung ano ang iniisip niya then go ahead and call him." Dahil sa sinabi nito ay agad niyang dinampot muli ang phone at akma na sanang tatawagan si Yohan ngunit mabilis siyang pinigilan nito. "You can call him pero babaan mo kung mag-hello na siya."
"Ha?" naguguluhan niyang tanong dito.
"Kapag tinawagan mo siya ay syempre mapapaisip siya kung bakit ka tumatawag eh kani-kanina lang para kang walang pakialam sa kaniya. That would make him hopeful na may gusto ka sa kaniya pero syempre we don't want him to act cocky just because you called him kaya ang gagawin natin ay bababaan natin siya ng tawag. That is enough to make him uncertain but still interested," mataas na paliwanag nito sa kaniya habang ang mukha ay punong-puno ng confidence. Mukhang ilang ulit na nitong nagamit ang technique na iyon sa naging karelasyon nito.
Siya naman na isang newbie sa pakikipagrelasyon ay manghang nakanganga lamang bago may respeto itong sinagot, "Opo, Sensei!"
"Alam mo Kuya, iyang pag-ibig mo parang pamasahe sa jeep," nanlolokong saad ni Xavier habang nakatingin sa kaniya. He only gave him a cold look. Wala siya sa mood makipagbiruan.
Mukhang napansin naman ni Joshua na wala siyang planong sakyan ang trip ng nakababatang kapatid kaya naman ito na mismo ang sumagot dito. "Bakit Xav?"
Xavier glanced at him before answering. "Nakalimutan kasing suklian." Matapos nitong sabihin iyon ay sabay na naghalakhakan ang dalawa at para bang tuwang-tuwa pa sa nangyayari sa kaniya ngayon. Nag-apiran pa nga ang mga ito. Times like this made him wonder if Xavier was his real brother or not. Mas nagkakasundo pa ito at si Joshua kaysa sa kaniya.
Dinampot niya ang kaniyang unan at akma na sanang ihahagis iyon sa dalawa nang biglang umalingawngaw ang ringtone ng cellphone niya. Sabay na natahimik ang mga ugok at nilibot-libot ang paningin sa paligid.
"Tawag ba yun?" takang tanong ni Joshua. "Cellphone mo ata, Captain. Baka tumatawag ang sinta mo." Dahil sa sinabi nito ay agad niyang nabitawan ang unan na ibabato sana sa dalawa at mabilis na napatayo mula sa pagkakahiga.
"Fuck! Where's my phone?!" panic niyang anas habang umiikot-ikot sa buong kwarto niya. He tried following the noise, but it only sounded like it came from everywhere.
"Bato kasi ng bato, ayan tuloy hindi makita. Joshua ano nga ulit sabi niya kanina? "I don't care about you" ba iyon?" nanloloko na pagpaparinig sa kaniya ni Xavier kaya naman sinamaan na naman niya ito ng tingin.
"Shut up," galit niyang ika bago lumuhod at tiningnan ang ilalim ng kaniyang kama. Every ring of the phone made him so nervous because Apple Pie might get angry with him. Rejected na nga siya tapos hindi pa siya papansinin nito next week, ano na lang mangyayari sa buhay niya.
He suddenly froze when he heard the ringing stop and Xavier saying, "Hello?" Mabilis siyang napatayo mula sa paghahanap sa ilalim ng kama at napatingin sa kapatid. Katulad ng naisip niya kanina ay hawak-hawak nito ang phone niya at mukhang sinagot nito ang tawag.
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Historical Fiction"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."