Chapter 90

395 41 9
                                    

She jumped and hugged Yohan without care. Hindi na nga siya nag-alala nang bahagyang napaatras ang lalake dahil sa impact ng ginawa niya. Basta ang alam niya ay miss na miss niya ang lalakeng ito at ilang linggo na rin siyang nangungulila sa presensya nito.

She heard him chuckle while wrapping his strong arms around her waist and slightly lifting her up in the air to spin her around whilst still hugging her. "God! I miss you so much!" he said before giving her face some tiny kisses.

"I miss you too," hikbi niya bago binaon ang mukha sa malapad nitong dibdib. She missed him so much. Hindi niya na-realize kung gaano siya katakot na mawalay muli kay Yohan. Maybe their two years separation made her like this, as well as him. Takot na silang maulit muli iyon dahil naramdaman na nila kung gaano kasakit na malayo sa isa't-isa. Two years were wasted and now they didn't want that to happen ever again. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa lalake ngunit kalaunan ay may naalala "Hoy! Bakit hindi ka sumasagot sa mga sulat ko?! Alam mo bang mas masakit pa iyon kaysa ma-seen sa Messenger?!" dada lang siya ng dada habang mahinang sinusuntok ang dibdib nito.

May pagka-OA rin si Yohan dahil umakto itong nasaktan sa ginagawa niya. Lumayo pa ito ng bahagya sa kaniya at hinawakan ang dibdib nitong "nasugatan" daw. "Ow! That really hurts," reklamo nito habang ginagaya yung mga soccer players na daig pa ang artista kung maka-acting sa tuwing "nai-injured" kuno.

"OA mo ah! 'Di naman malakas," ika niya ngunit concerned pa rin siyang lumapit muli dito at tinignan kung nasugatan ba talaga ito sa ginawa niya. Nang lumapit siya dito ay agad namang tumigil sa katangahan nito si Yohan at mabilis siyang niyakap muli. 

"I'm just joking, I just missed you langga," he said before hugging her so hard again. 

"Tang-ina ka," papaiyak niyang sabi pero sinuklian naman niya ang yakap nito. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," reklamo niya.

"About what?" nagtataka nitong tanong. "I received the letter that you asked Xav to give to me," he innocently added.

"Hindi yun!" frustrated niyang iling. "For the past few weeks ay nagpapadala ako ng sulat sa iyo. Ni isa doon ay wala kang sinagot tapos ang sabi nung batang inuutusan ko ay tinatapon mo lang daw kapag binibigay niya sa iyo." Pinunasan niya ang mga luhang nagsisimulang tumulo mula sa mga mata niya. Hindi niya alam pero ang emotional niya lately. "Ang sama-sama mo!" Tuluyan na siyang napaiyak at nagsimula na namang pagpapaluin ang dibdib ng lalake. 

"Hey. Hey." pigil sa kaniya ni Yohan. Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay at pinulupot iyon sa bewang ng lalake para mapayakap siyang muli dito. He then held both of her cheeks and directed her gaze to him. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Wala akong natatanggap na liham mula sa iyo pwera na lamang doon sa binigay ni Xav sa akin."

Her tears backtracked upon hearing what he said. She sniffed and then pouted like a little girl. Aaminin niyang gusto lang talaga niyang magpa-cute sa boyfriend kaya niya iyon ginagawa ngayon. "Is that true?" she asked.

"Yes," he immediately answered while drying her tear-filled face. Para tuloy siyang bata na pinapatahan ng nanay. "Sa tingin mo ba ay gagawin ko sa iyo yaon?"

"Hindi . . ." she replied. "Kaya hinintay kita," dagdag niyang ika.

"That's my girl," he proudly whispered before kissing her forehead as if wanting to show how happy he is, to finally see her learn how to listen and talk to him. 

Bahagya siyang napangiti dahil sa sinabi nito ngunit agad ring nawala iyon nang matandaan kung anong nangyari sa baba kanina. "Anong pinag-aawayan niyo kanina ni Tiya Lourdes? Hindi ko kayo maintindihan kasi nag-e-Espanyol ata kayo."

She worriedly watched as he sighed deeply as if he was in a deep problem. Maybe there was really a big problem. "She doesn't like me," buntong-hiningang ika nito.

"Clearly," komento naman niya. "But why?"

"Because I officially declared to Binibining Carmelita that I would stop my courtship to her. She was really accepting of it but the same thing doesn't apply to her family. Her father was so angry and her mother was crying when I talked to them. Word spread out and people started making up stories about me getting Carmelita pregnant and then running away from the responsibility. Mukhang narinig iyon ng tiya mo at nang ideklara ko nga sa kaniya na may plano akong ligawan ka ay agad siyang huminde," kwento nito sa kaniya.

"I can't blame her . . ." she whispered. "What you did doesn't really sound good at all."

"Pero kaya ko namang magpaliwanag sa kaniya. Ang problema nga lang ay ang putang-inang Cristobal na iyon! Binabakuran ka niya at binabantayan rin niya ang tiya mo para hindi ako makalapit! I bet he is the one behind your missing letters," galit na sabi ni Yohan. Dahil sa nakikita ay hinaplos-haplos na niya ang braso nito upang kahit papaano ay kumalma ito. 

"Shh . . . Huwag kang maingay, baka may makarinig sa iyo," paalala niya dito. Hindi nila alam na baka may katulong na nasa labas lamang at maaaring marinig ang outburst ng lalake.  Ito na nga lang ang time na makakasama niya si Yohan tapos masisira pa iyon kapag nalaman ng mga ito na nandito ang lalake. 

"I just can't help but get pissed by that guy," amin ni Yohan. Buti na lang at hininaan na nito ang boses. "Makaasta akala mo kung sino. Hindi pa siya panalo, tang-ina siya."

"Shh . . . kalma na," pag-aalo niya dito. Hinawakan niya ang pisngi nito upang matignan siya bago nag-ika, "Sa iyo lang naman ako."

His "aburido" face was quickly changed by his confident eyes and a triumphant grin. Hinila siya nito papalapit gamit ang kaniyang bewang at nagsabi, "Magyabang na siya hanggang sa gusto niya pero hindi naman niya alam na napunlaan na kita."

Napa-roll eyes siya sa sinabi nito bago nag-ika, "Yabang ah!"

"Anong mayabang doon? Totoo naman," painosenteng tanggol nito sa sarili. "Wala pa bang laman?" dagdag nitong tanong bago hinawakan ang tiyan niya at hinaplos-haplos iyon.

"Gago ka, Yohan! Wala!" namumula niyang iling bago nagtangkang lumayo dito. Hindi siya hinayaan ni Yohan na makalayo at mas hinapit pa siya papalapit.

He then whispered in her ear, "Tara, lagyan natin."


A/N: Tawang-tawa ako sa mga comment sa last chapter. Readers ko nga talaga kayo, alam niyo na kung anong nasa utak ko. Ahahhahahahha.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon