2 YEARS LATER
"Apple Pie!" sigaw na tawag sa kaniya ni Gwyneth habang winawagayway ang kamay sa harapan niya. Hindi niya napansin na kanina pa pala ito nagsasalita at mukhang may kinukwento sa kaniya. Nandito sila ngayon sa isang mall at nagkita dahil may raket daw itong ibibigay sa kaniya. Kailangan kasi niyang mag-ipon dahil plano niyang magtrabaho sa Dubai. Ni-refer siya ng boss niya sa isa sa mga kaibigan nito na manager ng isang restaurant doon kaya naman nag-iipon na talaga siya para pangpunta doon.
"Hmm . . .?" she absent-mindedly asked her friend. Kahit siya ay hindi makapaniwala na hanggang ngayon ay mag-bestfriend pa rin sila.
When everyone left, Gwyneth stayed. Kung wala siguro ang babae ay baka kung ano na ang nagawa niya sa sarili niya.
"Yung kaibigan ko ay may inoffer sa akin na raket pero as you know naman, hindi ko na pwedeng tanggapin. Masyadong protective si hubby," kinikilig nitong paliwanag. She can't help but smile because of her reaction. Kasama niya ito noon sa iisang apartment last year ngunit nag-propose na ang long-time boyfriend nito at ngayon nga'y doon na nakatira sa "hubby" daw nito. Idagdag pa na buntis na ito kaya naman hindi na ito pinapayagan ng boyfriend na magtrabaho. Sila kasi noong dalawa ang magkasama sa kahit na anong raket ngunit may pamilya na ito kaya naman siya ang naaambunan ng mga opportunities na nakukuha nito.
"Ano bang klaseng trabaho?" curious niyang tanong sabay inom sa coke na binili niya kanina. Alam naman ni Gwyneth na papatusin niya ang kahit na anong trabaho basta ba hindi siya mababastos o mapapahamak.
"Maglilinis lang daw ng condo pero 30k ang bayad! Take note, isang linggo lang daw iyon. Naku! Kung hindi lang talaga ako pinagbilinan ng hubby ko na huwag ng kumuha ng raket ay tatanggapin ko talaga iyon!" nasasayangang bulalas ng kaibigan.
"30k?!" hindi niya makapaniwalang tanong muli. Ang laking halaga na kaya iyon para sa isang linggong paglilinis. "Sigurado ka bang safe iyan? Baka kapag kinuha ko ang trabaho na iyan eh bigla akong i-gang rape doon," natatakot niyang sabi habang umiiling-iling upang ipakita ang pagtanggi. Hindi niya isasakripisyo ang sarili para lamang sa pera.
"Legit siya, Bes! Actually, yung kaibigan ko talaga ang originally na laging nagtratrabaho doon upang maglinis pero daw biglang inatake sa puso ang tatay nito at ngayon ay nasa ospital. Uuwi muna daw siya ng probinsya kaya naman walang makakapaglinis doon sa condo. At saka don't worry! Sabi ng kaibigan ko ayaw nung may-ari ng condo na may naglilinis kapag nandoon daw ito. In short, bawal ka doon kapag nandoon siya. Hindi kayo magkikita, bes!" Parang advertiser sa isang infomercial ang kaibigan habang sinasabi sa kaniya iyon. "At saka kapag natatakot ka pa rin eh pwede mo namang i-send sa akin yung pictures ng condo at kahit na anong information na makukuha mo. Kapag hindi ka nakauwi after a week ay magsusumbong kaagad ako sa pulis. Easy money rin iyon, bes. Need na need mo na 'diba kasi nagmamadali kang pumunta sa Dubai? Sa totoo lang kahit na magalit ang hubby ko ay plano ko sanang kunin yung trabaho pero naisip kita. Alam ko naman na pangarap mo talagang makapunta doon kaya naman sa iyo ko gustong ibigay yung raket."
Ramdam at rinig niya ang concern at love sa boses ni Gwyneth kaya naman unti-unti siyang napangiti. When she left Yohan, Kuya Zy told her to stay at a condo for a year. Everything was provided for her. Rent, food supplies and even monthly allowance. Pwede nga siyang magbuhay-reyna pero naghanap pa rin siya ng trabaho. Hindi na nga siya nagtaka nang makitang ang dali lamang niyang nakakuha ng trabaho matapos niyang iwan si Yohan.
She lived each day, waiting for a year to pass by. Gabi-gabi siyang nagdasal na bumilis ang kada araw. linggo at buwan upang lumipas na ang isang taon. But everything shattered when after a year, Kuya Zy still didn't contact her. She tried calling him but it was always unattended. She waited for one more month and wished that maybe he would be late but still, no one came back for her.
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Historische fictie"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."