Apple Pie's heart skipped a beat upon hearing what Kuya Zy just said. Marami silang napagdaanan ni Yohan upang matago lamang sa Dad nito ang tungkol sa kaniya. May mga pagkakataon na nakikitulog siya sa bahay nina Yohan at bigla na lamang uuwi ang Dad nito. Yohan needed to sneak her out early in the morning para lamang hindi sila makita ng tatay nito.
"I . . . I can talk to him personally, Kuya Zy. Kung nagalit siya dahil bigla-bigla kaming nagdesisyon ni Yohan na magpakasal ng hindi nagpapaalam sa kaniya ay magpapaliwanag ako," udyok niya sa lalake habang unti-unting binababa ang basong hawak-hawak. Tila hindi niya kayang gumalaw o magbuhat ng kung ano pa man.
She was hoping na kung makausap niya ang Dad nito ay maipakita niya dito na sigurado na talaga sila ni Yohan. Baka nagalit lamang ito dahil sa hindi sila nagpaalam sa relasyon nila.
Narinig niya ang malakas na pagbuntung-hininga ni Kuya Zy habang hilot-hilot ang sentido nito. "Apple Pie . . . Hindi iyan ang dahilan kung bakit gusto niyang itigil ang kasal."
"Then is it our age? I'm 22 already, 23 na rin si Yohan. In two weeks' time, graduate na rin ako. I believe we are already at a certain age where we can make our own decisions. Heck! 18 si Elisa at 20 si Xav nang magpakasal sila 'diba?! Xav told me that! Walang pagtutol ang Dad niyo nang gawin iyon ng kapatid mo!" Alam niyang sumisigaw na siya ngayon ngunit hindi niya kayang pigilan at pakalmahin ang kaniyang sarili. The thought of stopping the wedding made her so scared. Planado na nila ni Yohan ang lahat. Ultimong ilang anak ang gusto nila at anong ipapangalan ay naplano na rin nila. Pati na rin saang school nila iee-enroll ang mga ito ay napag-usapan na rin nila. Ganuon sila ka-excited ni Yohan sa magiging future nila.
Mukhang mas nahirapan si Kuya Zy na kausapin siya dahil sa sinabi niya. "You and Elisa . . . you're both different in many aspects and that is what my father doesn't like about you." Kung kanina ay naguguluhan pa siya sa dahilan ng pagtutol ng tatay nito sa kasal nila ni Yohan ngunit ngayon ay napagtanto na niyang hinding-hindi talaga siya magugustuhan ng tatay nito.
His father wanted a beautiful, rich and perfect woman for him. Those words can never ever describe her no matter what she does.
Maglagay man siya ng isang sakong makeup sa kaniyang mukha o magdamit ng mga luxurious brand o mag-aktong mahinhin na parang hindi makakabasag pinggan ay alam pa rin niya sa sarili niyang hindi siya babagay sa mundo ni Yohan. Lalabas at lalabas pa rin ang "unladylike" behaviour niya.
Gusto niyang umiyak ng malakas pero ayaw niyang magpakita ng kahinaan kay Kuya Zy kaya naman taas noo siyang tumingin ng diretso dito. "Kung ayaw niya then so be it. Bakit kailangan namin siyang pakinggan ni Yohan?! Siya ba may-ari ng buhay namin?! Kung ayaw niya sa akin then isaksak niya sa bulunbunan niya ang galit na iyon at sana magka-diarrhea siya! Ever since na bumukod kami ni Yohan ay hindi na kami umasa sa pera niyo! We're already standing on our own feet. We may not have that much money compared to before but both of us are doing our best to make ends meet."
"Make ends meet?" pagak na tawa ni Kuya Zy na para bang nakarinig ito ng nakakatawang joke ngunit ang mata nito ay galit na galit. Hindi sa kaniya ngunit sa tatay nito. "You wouldn't be able to eat three times a day once you anger our Dad. Kung papairalin mo ang tigas ng ulo mo ay gagawin ni Dad ang lahat para maghirap kayo ni Yohan. Alam kong mahal niyo ang isa't-isa ngunit aanhin niyo ang pagmamahal na iyon kung parehas na kumakalam ang tiyan niyo."
"We-We would find a way . . . Kuya Zy . . . ayaw kong sukuan si Yohan." Unti-unti ng pumapatak ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya kayang maisip ang buhay na wala si Yohan.
"I'm not asking you to leave him for good. I just need you to be away from him for a year. Iyon lang. I'm planning something but I can't do that if my father is constantly breathing behind my neck. Kailangan kitang ilayo upang makampante muna siya," pag-assure naman sa kaniya ni Kuya Zy ngunit hindi niya pa rin kayang gawin iyon. 1 year away from Yohan seemed so terrifying already.
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Historical Fiction"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."