Chapter 51

467 55 24
                                    

Apple Pie felt so bored, it felt like she was losing it already. Naglalakbay na naman sila ni Yohan at ang gago ay ayaw siyang pasalitain. Mukhang highblood pa rin dahil sa final decision na doon muna siya sa pamamahay nito mananatili. To think na in the first place ay dinala siya nito sa mga kapatid upang mapaalis ngunit nag-end up na sa lalake pa rin ang bagsak niya. Kitang-kita naman ang pagkadisgusto nito sa kaniya dahil nakabusangot lamang ang mukha nito kahapon at ngayong umaga.

They met Elisa yesterday-  oh wait, no . . . sabi ni Kuya Zy ay hindi daw si Elisa iyon.  Nagluto siya ng maraming pagkain katulad ng sinabi ni Xav at ito naman ay kinuha ang asawa upang maihatid roon. Nang dumating naman ang mga ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na mag-fangirl sa babae.

Elisa was beautiful. Really, really beautiful. 

Ang beauty nito ay maihahalintulad sa older version ni Francine Diaz. Yung mga tipo ng mukha na kahit siguro budburan mo ng sangkatutak na dark makeup ay inosente pa ring tignan. Hindi rin naman siya nagkakamali dahil ang bait nito. Kahit nga siguro sampalin niya ito ng malakas ay ito pa ang magso-sorry. Ganuon ito kaanghel tingnan.

Xav introduced her to them and they had fun, but Kuya Zy said something that made her doubt Elisa. Naguguluhan siyang tumingin kay Yohan na kasalukuyang nakaupo sa may harapan niya. Pinauna kasi nito ng uwi ang kutchero kaya naman ito ngayon ang nagmamaneho ng kalesa nila. 

"Pst . . ." sutsot na tawag niya dito ngunit dinedma lang siya ng lalake kaya naman inulit niya ang pagsutsot na may kalakip pang pananapik ng likod nito. "Psstt! Ginoong pinaglihi sa sama ng loob! Mapapanisan ako ng laway dito kung hindi mo ako kakausapin."

Ilang ulit niya iyong ginawa hanggang si Yohan na ang mismong nag-give up at galit na nilingon siya sa likuran nito. "Mierda! Ano bang kailangan mo?!" Matinding nakakunot ang noo nito habang masamang nakatingin sa kaniya na para bang nais nitong sipain siya papahulog sa kalesa.

Ngumuso na lamang siya na para bang nagpapa-cute bago ito sinagot. "Tanda mo ba yung sinabi ni Kuya Zy tungkol kay Elisa kahapon? He said na hindi daw si Elisa yung babaeng pinakilala sa atin ni Xav."

"I don't fucking care," inis nitong saad bago siya muling tinalikuran at binalik ang atensyon sa daan.

"Hindi ka ba nag-aalala para kay Xav? Paano kung totoo ang sinasabi ni Kuya Zy? What if that woman isn't his wife?" giit pa rin niya dito. Ang kaniyang mga mata ay nakatutok lamang sa malapad nitong likuran.

Sarap yakapin, bes.

"It's not my problem. Malaki na si Xav, kaya na niya ang sarili niya," pagbabalewala ni Yohan sa kaniyang mga tanong na mas nagpanguso ng labi niya. She was about to retort but he said something again. "You should really stop meddling with my family's affair. You're not a part of us." Dahil doon ay tuluyan siyang napatahimik.

"Oh . . ." tipid niyang bulong bago tinuon ang atensyon sa daan. Pinilit niyang pigilan ang mga luhang nagbabantang pumatak mula sa kaniyang mga mata.

She was hurt. Considering na si Yohan at mga kapatid na nito ang tinuring niyang pamilya noon ay talagang nasaktan siya sa sinabi nito. Para kasing sinasampal nito sa mukha niya ang katotohanang never siyang naging parte ng buhay nito. She forced herself to smile and not get affected by what he said. Ayaw niyang bigyan ito ng satisfaction na makitang nasaktan siya nito. 

Galit lang siya. Iintindihin ko na lang.

Dahil doon ay napili na lamang niyang manahimik sa buong durasyon ng biyahe. Mahirap na at baka may masabi na naman ang lalakeng ito na tuluyang magpaiyak sa kaniya. She then busied herself on toying the beautiful hems of her dress. Maganda kasi ang pagkakaburda niyon, halatang maganda at mahal ang quality. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon