Chapter 21

585 55 17
                                    

"Kuya Zy, what did you tell her?" nagtatakang tanong ni Yohan sa kuya nito habang sinasarado ang pintuan ng office. He looked at his brother while walking towards the seat in front of his desk. Umupo siya doon at muling tinawag ang kapatid. "Kuya?"

He saw Kuya Zy smirked but quickly hid it behind his cold facade. "You ask her, not me," tipid lamang nitong sagot bago prenteng sumandal sa office chair nito. "I like her."

Naging alerto naman ang kaniyang sistema at nagbabantang tiningnan ang kapatid. Wala na siyang pakialam kung mas matanda pa ito sa kaniya. He can't just declare that he likes his girlfriend and not expect him to react badly. 

Mukhang agad na napansin ni Kuya Zy ang pandidilim ng aura niya dahil tinama nito kaagad ang sinabi. "I like her for you, as a guardian. Stop being a kid who look like your favorite teddy bear would be snatched from you any minute. Remember Yohan, nasasakal ang mga babae sa ganiyang tipo ng lalake. Being possesive is different from being obsessive. Girls doesn't like being told what not to do and what to do. You're not his Dad so stop acting like one."

Agad naman siyang napaiwas ng tingin dito at bumulong, "I can't help it. She might leave me."

Narinig niya ang malakas na pagbuntung-hininga nito. "She won't if you just treat her right. Listen to her. Girls know other female intentions better than you do. If she says, don't talk to her, then you better not speak to that person. She felt threatened for a reason," dagdag nitong paalala sa kaniya.

"That's easy for me. I don't even talk to other girls," point out niya dito.

Napatango-tango lamang si Kuya Zy at bumalot ang katahimikan sa pagitan nila ng iilang minuto bago ito muling nagsalita. "Also . . . bago ka tumingin sa ibang babae. Tingnan mo muna kung ilang lalake ang nakatingin sa girlfriend mo. Discontentment usually is the reason why couples break up. Minsan hanap tayo ng hanap ng "mas" pa sa kung anong meron tayo, without knowing that other people are wishing to be in our shoes."

"Don't worry, Kuya. I would cherish her," seryosong sagot niya dito.

"Good. I'm not going to hold you back anymore since nakausap na rin naman kita about your relationship with her," he said while turning his attention back to the papers he was reading earlier. Hindi na niya kailangang pagsabihan upang malaman na pinapaalis na siya nito. 

He quietly stood up and was about to walk back to the door when Kuya Zynder suddenly called him again. "Yohan."

Nilingon niya itong muli at nakakunot-noong tinanong, "Why Kuya?"

"Bring her to the kubo. Spend a day with her in that place and see if she can quickly adapt to the lifestyle of the 19th century. If kaya niyang mabuhay na hindi palaging hinahanap ang phone niya o kahit na anong konektado sa teknolohiya then we would try hypnotizing her too. Mas mainam na malaman na niya ang tungkol sa sikreto natin kung magiging parte na siya ng pamilya natin," saad ni Kuya Zynder na talagang nagpagulat sa kaniya.

"Really Kuya?" nakangiti niyang tanong.

Taimtim siyang tiningnan nito bago sinagot. "I don't want a time to come where you would be forced to pick between her and Tatay."

Tatay was his dad in the past. Well, actually, Tatay Ado is Eduardo Magbanua's father. Si Eduardo Magbanua ang lalakeng sinasapian niya tuwing naglalakbay siya sa nakaraan. Aaminin niyang mas mahal pa niya si Tatay Ado kaysa sa tunay niyang ama. Tatay Ado taught him the different ways in businesses. Ito rin ang rason kung bakit Business Administration ang kinuha niyang kurso. Minsan nga'y nakakaramdam siya ng guilt dahil hindi alam ni Tatay na ibang tao na pala ang nasa laman ng anak nito. Tuwing nandito siya sa hinaharap ay bumabalik naman sa katawan nito si Eduardo. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon