Chapter 43

431 48 12
                                    

Apple Pie suddenly jumped inside a big kariton that was connected to a horse. Naka-park lamang iyon sa may gilid ngunit napansin niyang may malaking tela na nakatakip sa laman ng kariton na iyon kaya naman nagdesisyon siyang sumuong sa loob. She carefully curled up next to different baskets of vegetables and fruits whilst listening intently for her pursuers. Dahil nasa ilalim siya ng tela ay hindi niya alam kung nasa malapit na ba ang humahabol sa kaniya o hindi.  Parang gusto niyang mahimatay sa takot nang may anino siyang nakita na papalapit sa pinagtataguan niya. Akma na sana nitong bubuksan ang takip sa kariton ngunit biglang may mga lalakeng lumapit dito.

"Ginoong Magbanua! Narito po pala kayo!" Tandang-tanda niya ang boses na iyon bilang boses na pagmamay-ari ng mga humahabol sa kaniya.

"Mga ginoo! Bakit tila pinagpapawisan kayo?" Rinig niya ang nagtatakang boses ng isang matanda. It was the person who was about to open the covers of the kariton earlier. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang aksidenteng matabig ng matanda ang kanang paa niya. Nakalawit pa pala iyon sa labas ngunit imbes na isumbong siya ay naramdaman niya ang pagtago ng matanda sa paa niya. The old man used his body to hide his feet.

"May hinahanap kaming isang kriminal na babae. Tinakbuhan niya kami kanina at huli naming nakita na lumiko siya sa daang ito. Malaking tulong sa amin kung maituturo mo kung saan siya dumaan, Ginoong Magbanua," paliwanag ng lalake sa matanda na nagpapikit sa mata niya.

Piste na ni! Bali nilang duula sa akoa!

Hindi niya alam kung ilang Santa Maria at Aba Ginoong Maria ang nadasal niya dahil para bang ang tagal mag-usap ng mga lalake. She just held her breath and prayed for the best while making sure that she wouldn't move even a single inch. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan ang mga lalake upang tignan ang loob ng kariton. Nagdasal rin siya na hindi siya isusumbong ng matanda na mukhang wala naman talagang planong ilaglag siya dahil ang sunod niyang narinig ay ang pamamaalam nito sa mga lalake.

The old man waited for a few seconds, maybe to make sure that the guys were already far enough before slowly lifting the cloth out of the kariton, revealing her disheveled self. Tiningnan siya nito ng iilang segundo bago maingat na kinarga ang mga pinamiling gulay. Pinatong nito iyon katabi niya bago unti-unting sinaradong muli ang takip ng kariton. Para bang umaakto ito na walang taong nakaluko sa loob niyon.

Nagtataka siyang naghintay sa susunod na gagawin ng matanda hanggang sa maramdaman niya ang pagsakay nito sa may unahan ng kariton. She heard him order the horses to move and that was when they started slowly going away from that place. Aaminin niyang natatakot rin siya na baka may gawing masama sa kaniya ang matandang lalake, ngunit sa totoo lamang ay hindi mukhang malakas ang matanda. Isang sipa nga lang ata niya dito ay matutumba na ito.

Dahil sa kaisipan na iyon ay malakas siyang napabuntung-hininga at ni-relax ang sarili sa loob ng kariton. Nananakit ang katawan niya at hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo niya. Maya-maya ay hindi na niya napansin na nakatulog na pala siya.

She didn't know how long did she sleep but she was suddenly woken up by someone. Naramdaman na lamang niya ang mahinang pagtapik-tapik ng isang kamay sa kaniyang pisngi habang nag-aalangang nagsabi, "Binibini? Binibini? Maayos lamang ba ang pakiramdam mo?"

She grumbled before slowly opening her eyes and seeing the old man's face again. Mabilis naman siyang napaupo nang mapagtanto na tumigil na pala sila. She started looking around like an idiot, taking in mind that they were in front of a decent-sized kubo. It wasn't fully made with bamboo because most of the foundations were concrete. Na-blend ng maayos ang dalawang materyales kaya naman masasabing maganda talaga ang bahay. Nilingon-lingon niya ang paligid at napansin na puro mangga lamang ang nakikita niya. Walang ibang kabahayan sa paligid at mukhang malayo sa ibang tao.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon