Chapter 67

599 53 16
                                    

"Yohan!" gulat na ani ni Apple Pie habang nakatingin sa bagong gising na lalake. He was standing at the top of the stairs with his disheveled hair and morning voice. Mukhang kagigising lang at lumabas ng kwarto dahil wala siya sa tabi nito. Hinanap ata siya.

"Kanino galing iyan?" he asked again while intensely staring at the basket that she was holding. Alam niyang ang bulaklak ang kitang-kita doon dahil iyon ang nasa pinakaibabaw. She tried to hide the basket behind her but she knew that all of her efforts were in vain. Malaki ang sisidlan na iyon sapagkat maraming binibigay sa kaniya si Heneral de Castro. Mostly mga pagkain dahil napansin ata nito na iyon ang kinawiwilihan niya tuwing nag-uusap silang dalawa. Pinagpapasalamat na lamang niya na usually nitong nilalagay sa pinakailalim ang maiikling liham na binibigay nito sa kaniya.

"Uhmm . . . kay . . . kay Xav!" She immediately conjured up an alibi and the first person to come into her mind was Xavier.

"Why would Xav give you flowers?" kunot-noong tanong nito as kaniya. Hindi niya alam kung nagseselos ito o naghihinala pero sigurado siyang hindi maganda ang posisyon niya ngayon. 

Agad siyang humulukay ng excuse sa kaniyang isipan. "Ahh . . . Ano kasi . . . Nagpabili ako sa kaniya."

Akala niya ay tatanggapin na ni Yohan ang sinabi niya ngunit mukhang mas nagtaka pa ito. "You do realize that anthuriums are flowers for courting, right? Bakit ka bibigyan ni Xav ng ganiyan? He knew that people might misinterpret his actions towards you."

Natampal niya ang noo sa kaniyang isipan at nais na niyang kainin na lamang ng lupa dahil sa sunod-sunod na mga tanong ng lalake. Kaysa panghinaan ng loob ay mas ginalingan pa niya ang pagsisinungaling. "Ipangdi-design ko sana sa bahay kaya ako nangulit kay Xav na bilhan ako. Hindi ko naman alam na may ibig sabihin pala ang bulaklak na ito . . ." paliwanag niya dito habang pigil-pigil ang hininga. 

Nakatitig lamang siya sa seryosong mukha ni Yohan na masamang nakatingin sa hawak-hawak niyang basket. Akala niya ay may itatanong pa ito sa kaniya ngunit salamat sa diyos dahil mukhang na-satisfied na ito sa sagot niya. "Mag-ayos ka na. Aalis na tayo maya-maya," tipid nitong ika habang diretsong nakatitig sa kaniya.

Siya naman ay nagdidiwang sa loob ng isipan niya habang naglalakad papunta sa hagdanan. Nilagpasan niya si Yohan na nakasunod pa rin ang mga tingin sa kaniya ngunit hindi na niya iyon ininda. Bagkus ay mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa makaabot siya sa kaniyang kwarto.

Nang makapasok at ma-lock ang kwarto ay nagmamadali naman siyang naglakad sa may wardrobe niya at tinago ang basket doon. She took the flowers and then read the note first.

"Kilala ako bilang malakas ngunit hindi ko lubos akalain na ang pagpapaalam sa iyo ang magpapabagsak sa akin."

Iyon ang nakalagay sa maikling liham na binigay sa kaniya ng heneral. Hindi niya maintindihan ngunit unti-unti siyang napangiti dahil doon. Nakatitig lamang siya sa liham nito habang unti-unting hinahawakan ang necklace na binigay nito sa kaniya. Doon niya biglang natandaan ang necklace na nakita niya noong unang araw pa lamang niya bilang si Christina. Nakatago iyon sa loob ng saya ng babae na para bang pinakakaingatang kagamitan iyon. Nagmamadali siyang lumapit sa cabinet kung saan niya iyon tinago pansamantala at kinuha. Pinagtabi niya ang dalawang pendant at nakita na may pagkapare-parehas ang mga iyon. Ang pinagkaiba nga lang ay kaysa helmet ay kabayo ang nasa taas na bahagi ng pendant at ang apelyidong Zaldua ang nakatatak sa ibaba. Kasama ng pendant na iyon ay isang mukhang mamahaling bato.

So Christina has her own family mark too . . .

Akala niya noong una na ninakaw lamang iyon ng babae sa pamilyang iyon. Hindi niya lubos-akalain na sa babae pala iyon mismo. Mas nasemento sa isipan niya ang katotohanang Zaldua talaga siya. Christina came from a rich half-European, half-Filipino family and she was being hunted by her own relatives. Hindi niya pa alam kung anong dapat gawin o kung sasabihin ba niya kina Kuya Zy ang natuklasan niya. For the meantime, she wanted to keep all those information to herself.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon