Chapter 45

432 44 21
                                    

"What the fuck are you doing here?!" Mabilis na napakunot ang noo ni Apple Pie dahil sa pagsigaw ng lalake na nasa hapagkainan. Kakagulat lang kasi kakapasok pa lamang niya mula sa kusina at agad na siyang nasigawan. Wala naman siyang ginagawa dito.

"Excuse me?! Kilala ba kita, aber?!" pagmamaldita niya. Ni hindi man lamang niya napansin na nag-i-English ang lalake. Ang tanging nasa utak niya ay naiinis siya sa paninigaw nito.

Gigil na nilapitan siya nito at akma na sanang hihilahin palabas ngunit bigla itong pinigilan ni Tatay Ado. "Nak! Hindi ganiyan ang tamang pagtrato sa isang binibini! Hindi kita pinalaking ganiyan!" Pinagalitan ni Tatay ang lalakeng galit na galit na nakatingin sa kaniya. Para bang may kasalanan ang kanunununuan pa niya dito.

"Tay, kailangan ko siyang kausapin. Hindi siya maaari dito!" the guy explained with gritted teeth. Para itong aso na gustong manlapa ng magnanakaw.

Akma na sanang hihindi si Tatay Ado ngunit mabilis niya itong pinigilan. "Tay Ado, huwag po kayong mag-alala sa akin, kaya ko po ang sarili ko. At saka mukhang kailangan kong makausap ang lalakeng ito. Baka alam niya kung ano ang nangyayari sa akin ngayon." She assured the old man that she really needed to talk to his son. Ngayon lang nag-process sa utak niya na nag-English pala ito kanina, kaya naman baka alam nito ang tungkol sa pagkakapunta niya dito.

Hihindi pa sana si Tay Ado ngunit nginitian niya lamang ito at nagsimulang maglakad papalabas ng bahay. She took her time because of her long skirt but she eventually stopped at the terrace where she waited for the strange man. 

Nakatingin siya sa nakaparadang kalesa sa harapan ng bahay na tiyak siya ay kinasasakyan ng lalakeng iyon. She may be here for a week now but she still can't fully adjust to the idea of old, ancient stuff. Ang hirap sanayin ang sarili sa mga bagay na hindi na ginagamit sa panahon niya. Kahit saan siya lumingon ay wala siyang makitang bahid ng "technology".

Nang marinig niya ang mabibigat na hakbang papalapit sa kaniya ay agad siyang lumingon sa pinanggalingan niyon. Whoever this man is, he definitely knew something.

She watched as the man whom she estimated as 6'1 tall trudged toward her, his fist clenched and his jaw tense.  Ewan niya lang pero parang ang laki ng galit nito sa kaniya. Her eyes trailed towards his unkempt hair, bushy eyebrows, piercing eyes, down to the scowl on his lips. Ayaw man niyang aminin pero alam niyang talagang napakagwapo ng lalakeng ito. Idagdag pa na may kalakihan rin ang pangangatawan nito. Bigla na lamang niyang natandaan si Kuya Zy dahil halos magkaparehos ng aura ang dalawang lalake.

Ano kayang Tagalog ng sugar daddy?

Ewan niya ba pero iyan kaagad pumasok sa isipan niya habang nakatingin sa lalake. Naputol lamang ang malalim na pag-iisip niya tungkol sa asukal na ama nang biglang hablutin ng lalake ang kanang braso niya at pagalit na tinanong siya. "Why are you here?!"

Lahat ng papuri na iniisip niya para sa lalake ay biglang nawala at agad namang umasim ang mukha niya dahil sa ginawa nito. "Pwede ba, huwag mo akong hawakan ng ganiyan! Masakit kaya!" pagrereklamo niya sabay bawi sa braso niyang hawak-hawak nito. Pa-feeling close naman ang lalakeng ito. Kung makahawak sa kaniya ay parang matagal na silang magkakilala. Strikto siyang nameywang bago nag-ika, "Hoy po! Hindi kita kilala kaya huwag kang pa-feeling close diyan!"

Pagak na napatawa ang lalake habang hinihilot ang sentido na para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. "And you have the audacity to forget about me. Sabagay naman, ikaw nga pala ang nang-iwan."

Dahil sa sinabi nito ay biglang napatikom ang bibig niya. Just the word "iniwan" already conjured up a single name in her brain.

"Yohan . . ." hindi makapaniwala niyang bulong sa sarili ngunit mukhang narinig pa rin ito ng lalake dahil nanglalait itong tumingin sa kaniya.

He mockingly smirked at her before insulting her, "Bakit ka nandito? Naubos na ba pera ng lalake mo kaya ako na naman ang hinahabol mo?"

"A-Ano?" naguguluhan niyang tanong habang tila may patalim na tumuturok sa kaniyang puso. It has been more than 2 years since they last saw each other. Kahit pa man sabihin na ibang katawan at mukha ang gamit-gamit nila ngayon ay hindi pa rin niya napigilan ang sariling mag-reminisce sa nakaraan nila. 

A lot changed. Kitang-kita iyon sa masasamang tingin ni Yohan sa kaniya. The eyes that used to look at her like a pathetic idiot in love were now gone. All that was left were eyes that burned with hatred and disgust. Para bang makita lamang siya ay nakakasuka na para dito.

Before she can utter a single word, Yohan immediately cut her off and said, "Pack your things. Dadalhin kita kay Kuya." Matapos sabihin iyon ay pagalit na tumalikod ang lalake at naglakad pabalik sa loob. Next thing she knew, Yohan angrily threw all the food on the table out of the house, plates, bowls and all. Not even minding if it broke or not.

Doon na niya na-realize, Yohan thought she left him because of their financial problems. And now, he harbors great hatred for her.

Everything about her despises him.

Gone was the lovesick fool who wouldn't care if she yell or hit him multiple times. Ang lalakeng walang pakialam kung magmukhang tanga sa harapan niya. Ang lalakeng kayang ibigay ang lahat para sa kaniya.

Wala na ang dating Yohan. 





A/N: So so sorry!!! Maikli lang ito dahil na-busy ako lately. I got a job already!  <3 This series really did witness my college life journey until I enter the real world. T_T

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon