Apple Pie fled to her room without a backward glance. Kung hindi nga lang siya nag-aalala na may makakita at makarinig sa kaniya kanina ay tiyak na full-sprint na ang ginawa niya papuntang kwarto. She didn't went to Yohan's room. Mas pinili niyang dumiretso sa sariling silid.
She gently closed the door upon entering her room before spreading her hands over her burning cheeks. Hindi niya alam kung anong nangyayari ngunit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi ni Heneral de Castro sa kaniya.
She could still feel his warm hand on her own, still remembers his musky scent, still remembers the way he looked at her so intensely. She was so afraid of this feeling because it was so damn familiar.
It was the same exact emotions that she felt when she first saw Yohan.
Yung feeling ng love at first sight. Yung tipong makakaramdam ka ng mga paru-paro sa loob ng tiyan mo. Yung tipong hindi mo maipaliwanag kung bakit bumibilis ang tibok ng puso mo kapag nariyan siya sa malapit.
"Baka kay Christina itong emosyon na nararamdaman ko?" naguguluhan niyang tanong sa sarili habang paikot-ikot lamang sa silid niya. Halos masunog na nga niya ang sahig dahil sa ginagawa. "Si Christina ang kinikilig kay Heneral de Castro at hindi ako," kumbinsi niya sa sarili habang sinasampal-sampal pa ang mukha.
She can't accept the infatuation that she was feeling right now. Hindi niya lubusang kilala ang heneral at hindi niya ito mapagkakatiwalaan. Besides, five months lang siya rito at babalik na rin siya sa hinaharap. Aksidente lamang ang pagkakapunta niya dito kaya naman tiyak siyang hindi na siya pababalikin ni Yohan.
Malakas siyang napabuntung-hininga habang kinakalma ang sarili bago lumapit sa kama. Akma na sana siyang hihiga ngunit bigla niyang narinig ang mga yabag ng paa sa may labas ng kwarto niya. Napahinto siya sa paggalaw at pinakinggan iyon. Nilagpasan ng naglalakad ang kaniyang kwarto at dumiretso sa may pinakadulo. Tiyak siyang si Yohan iyon, mukhang tapos na ang party nito. Napa-roll eyes siya dahil sa natandaang nakita kanina at tuluyan ng humiga sa kama niya. She was about to close her eyes, but she then heard the footsteps coming out of Yohan's room again and walking back to hers. Hindi na sana niya papansinin iyon kung hindi lang ito biglang kumatok sa pintuan niya.
Heto na naman ang gago sa pangangatok nito.
Pinikit na lamang niya ang mga mata at hindi ito pinansin. She can't let Yohan do this to her as if she was just here for his convenience. Kahit sabihing wala silang ginagawang malaswa tuwing magkatabi sila ay hindi pa rin tama ang ginagawa nila. May nililigawan na ito ngunit makaakto ito sa kaniya ay para bang hindi nito kaya kung malayo siya dito. She needed to set a line between them. Para na kasing pinapaasa lamang siya nito sa wala.
Pinilit niyang ipikit ang mga mata at balewalain ang mga katok ng lalake ngunit mas lumakas ang mga iyon at tila hindi titigil kung hindi niya ito pagbubuksan. Inis siyang napabangon at naglakad sa may pintuan bago padabog iyong binuksan.
"Bakit ba?" inis niyang tanong kay Yohan nang madatnan ito sa labas.
"Bakit ka lumipat?" diretsong tanong nito na para bang iyon lamang ang iniisip nito sa magdamag. Mukhang hindi nagustuhan na hindi siya nito nadatnan sa higaan nito
"Sa gusto ko, ano bang problema?" pagmamaldita niya pa rin sa lalake.
"Bumalik ka sa kwarto ko," utos nito at tumalikod muli ngunit hindi niya ito sinundan. Sinirado niyang muli ang pintuan at hinayaan ang lalake na magmukhang tanga. Bahala ito sa buhay nito. Humiga siyang muli sa kama at akma na sanang matutulog muli ngunit narinig na naman niya ang pagkatok ni Yohan. Mukhang na-realize na hindi siya sumunod dito. Umirap muna siya bago muling tumayo at pinagbuksan ito.
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Historical Fiction"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."