Chapter 30

533 45 19
                                    

"Langga . . ." Yohan called Apple Pie and watched her excitedly look around the place. It was all trees and plain grassland. Ang tanging matatanaw na structure ay ang Kubo na tutuluyan nila at ang matandang mansyon na pagmamay-ari ng pamilya nila. Nasa bandang likuran pa iyon ngunit hindi sila pupunta doon. They were able to keep it despite the mansion being a 100-year old heritage. Kapalit niyon ay ang pagpapagamit ni Kuya Zy sa lokal na gobyerno ng San Juan sa kapirasong lupa kung saan nakatayo ang inaalagaang "gated historical town" ng San Juan.

Kakaalis lamang ni Manong na naghatid sa kanila dito gamit ang kalesa. Bukas na ang balik nito kapag maghahatid na ito ng food supplies nila. Napangiti na lamang siya habang pinapanood si Apple Pie na excited na nakatingin sa paligid. Halatang gusto nitong tumakbo sa may clear area kung saan may mga ligaw na bulaklak. 

The place was quite magical. There were no "modern" noises and it was all nature and vintage vibes. Idagdag pa doon na papalubog na ang araw kaya naman mas tumindi pa ang makalumang vibes ng paligid.

No electricity.

No phone or Internet.

Nothing can distract his girlfriend from him. 

"Langga, hanap ka ng malilim na pwesto. Maglatag ka. Dito tayo kakain ng hapunan," utos niya dito sabay abot dito ang basket na dala-dala. "Ihahatid ko muna sa Kubo ang mga gamit natin," dagdag niyang ika bago mabilis na hinalikan ang noo nito. 

He saw her smile widely before running towards the prairie, basket on one hand while the other hand was holding her saya up. Gusto niya itong pagsabihan na nakikita niya ang buko-buko nito ngunit hindi niya magawa dahil sa nakikitang kasiyahan sa mukha nito. Parang bata itong tumakbo sa kaparangan at naghanap ng magandang pwesto para maglatag.

 Parang bata itong tumakbo sa kaparangan at naghanap ng magandang pwesto para maglatag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Guide for your imagination)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Guide for your imagination)

Siya naman ay nakangiting napailing-iling na lamang at naglakad na papalapit sa Kubo. Ilalagay niya doon ang mga gamit nila at sisiguraduhin muna niyang maayos ang lahat para hindi na sila mahirapan mamayang gabi. Wala pa namang kuryente dito kaya mahirap gumalaw ng maayos mamayang gabi. 

Hindi na problema ang tubig dahil sa poso sila kukuha niyon. May kumot at unan rin naman sa loob ng kwarto at halatang nalinis na rin ang buong bahay kaya hindi na siya nagtagal doon. Inayos na lamang niya ang mga damit nila sa may aparador bago tuluyang lumabas upang puntahan si Apple Pie.

Upon arriving, he saw her whirling and then quickly sitting down so she can make a perfect circle using her saya. Natawa siya nang makita itong nag-pout dahil hindi perpektong bilog ang nagagawa nito. 

Para itong bata dahil sa ginagawa ngunit ang tanging nasa isip niya lamang ay ang ganda nitong tignan. The soft glow of the sunset illuminated her face while she was carelessly whirling around. The mestiza dress that she was wearing may be restrictive but it didn't stop her from playing like a child.

A small smile appeared on his lips upon remembering the reason why he took her here. Pinakiramdaman niya ang bulsa at natuwa nang mahawakan ang maliit na kahon na naglalaman ng binili niyang singsing. 

He already gave her a promise ring and now he was gonna give her an engagement ring. Kapag nakapag-ipon na siya ay wedding ring naman ang bibilhin niya.

He watched as his girl played on the fields like a carefree child. He watched as the afternoon sun touched her face and illuminated the beauty of it. He watched as she slowly smile before glancing in his direction. No wonder movies always portray this kind of scene in slow motion. It felt like the world stopped revolving just so he can witness the beauty in front of him better.

And that beauty is mine to keep.

"Tang-ina . . . ang ganda," he murmured to himself before noticing a lone tear trickle down his cheeks. Nagtataka niya iyong pinunasan at dumungo upang makita ang isang patak ng luha sa kaniyang daliri ngunit naramdaman na naman niya ang muling pagtulo ng isa pang luha hanggang sa nagsunuran na ang mga ito. 

"Yohan . . ." Rinig niya ang nag-aalalang pagtawag sa kaniya ni Apple Pie ngunit hindi niya ito magawang linungin. Natatakot siyang baka mas mapaiyak pa siya kung makita niya ito. Rinig niya ang nagmamadaling pagtakbo ng kaniyang girlfriend sa pwesto niya bago niya naramdaman ang isang kamay na humawak sa kaniyang braso. "Umiiyak ka ba? May problema ba?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya. Mabilis siyang umiling-iling at tinalikuran ito upang sana ay mapunasan ang basang mukha ngunit mabilis itong lumipat ng pwesto upang magkaharap sila. "Uy . . . anong nangyari sa iyo?"

Naramdaman niya ang pagyakap ng babae sa kaniya kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap rin ito pabalik. Tinago niya ang mukha sa may leegan nito at doon pilit na pinigilan ang mga luha. "Ang ganda mo kasi kaya napaiyak ako. Tapos akin ka pa, mas napaiyak tuloy ako," nahihiya niyang amin dito. 

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sabay ang marahang paghaplos sa kaniyang likod upang patahanin siya. "Anong nakain mo at parang ang babaw ng luha mo ngayon?" she jokingly asked but he quickly interjected her and held both of her cheeks on his palms.

"Bagay na bagay sa iyo ang suot mo ngayon. Sana makita kita na nakaganiyan araw-araw," saad niya bago tuluyang lumayo dito. Pinahiran muna niya ang mukha muli bago magalang na yumuko sa harapan nito. "Maaari ba kitang maisayaw, magandang binibini?" imbita niya dito habang ang kanang kamay ay nakalahad sa harapan nito.

Kita niya ang gulat at pagtataka na rumehistro sa mukha nito ngunit mabilis itong nakabawi at malawak na ngumiti. Akala niya ay magjo-joke ito o tatawanan siya ngunit magalang itong yumukod sa harapan niya habang hawak-hawak ang saya katulad ng nakikita niya sa mga pelikula.

"Isang karangalan na maisayaw mo, ginoo," she said with a smile. There and then, he promised to himself, he would fucking do anything for this woman.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon