Apple Pie woke up with a searing headache, constantly pounding her inside like a toddler demanding for something. She felt that she was laid down flat on her back but can't remember where or when she fell asleep.
Unti-unti niyang binuksan ang mga mata upang sana ay uminom ng gamot sa sakit ng ulo ngunit agad naman siyang nagitla sa nakita. The first thing that she saw was the blue sky dotted with heavenly clouds. That was when she started feeling the hot, rough ground beneath her.
Naguguluhan siyang napahawak sa likurang bahagi ng ulo niya at doon na niya napagtanto na doon nanggagaling ang pananakit ng ulo niya. Hindi niya alam ngunit agad na nagproseso sa utak niya na nahulog siya sa pangalawang palapag ng malaking bahay na nasa harapan niya.
Mas naguluhan siya nang may biglang dumungaw na dalawang lalake mula doon at sumigaw, "Binibining Christina! Huwag ka ng tumakas! Mahahabol at mahahabol ka pa rin namin kahit na anong mangyari!" She could literally hear the determination from that man's voice but what he said made her confused as hell.
Binibini? Bakit ako tinatawag nito na para bang nasa panahon sila ng mga Kastila? Heck! Kahit nga mga damit nito ay parang pang-Buwan ng Wika!
Christina? My name is freaking Apple Pie!
Alam niyang hindi siya ang Christina na sinasabi nito ngunit nang makita niya ang mga ito na tumalikod upang bumaba ng bahay ay agad siyang nakaramdam ng panic. Para bang may kung ano sa loob-loob niyang nagsasabing siya ang tinatawag ng mga ito at tumalon siya mula sa 2nd floor ng magarang bahay na iyon upang makatakas lamang.
Without a moment's hesitation, she quickly pulled herself up and that was when she noticed that she was wearing a Baro't Saya. Agad siyang nagulat dahil sa nalaman ngunit nang marinig ang papalapit na mga yabag sa pwesto niya ay agad naman siyang tumayo. She gathered up her skirt in a very unwomanly way and started running like a person being chased by a cheetah.
Wala na nga siyang pakialam na para bang naeeskandalo ang mga taong nakakasalubong niya habang tumatakbo. Aba't lower leg lang naman ang nakikita sa kaniya pero makaakto ang mga ito ay para bang sumali siya sa Oblation Run ng UP.
Ni hindi na nga rin niya naisip kung bakit ang lahat ng mga ito ay nakasuot ng mga damit na usually lamang niyang nakikita tuwing Buwan ng Wika. Basta ang mahalaga sa utak niya ay makalayo siya sa kung sino mang humahabol sa kaniya.
"Binibining Christina! Tumigil ka na!" Rinig na naman niya ang sigaw ng lalakeng humahabol sa kaniya. Napalingon siya sa kaniyang likuran at nakitang lima pala ang mga ito.
"Piste kaha ni sila!" mura niya habang mas binibilisan ang pagtakbo. She quickly took a turn upon seeing an opportunity to whisk them away from her trail. Nagulat siya nang ang nalikuan niya ay isang public market. Again, puro makaluma ang mga suot ng mga tao doon at nang makita siya ay para bang main cast siya ng isang sex tape.
Kahit na gustong pagsisigawan ang mga tang-ina dahil sa mga tingin ng mga ito sa kaniya ay hindi na siya nag-aksaya ng oras at tumakbong muli. She kept on bumping on a lot of people since the palengke was quite crowded today.
"Pigilan ang babaeng iyan!" Nang marinig na naman ang boses ng lalakeng iyon at makita na akma sana siyang hahawakan ng iilang tao roon ay hindi na niya napigilan ang sarili at napasigaw na lamang.
"Mga putang-ina! Tabi!" she screamed that made those people back away in fear. Dahil sa ginawa ay mas lumuwang ang daang tinatakbuhan niya kaya naman mas napabilis siya. She looked back to the five dude running after her and saw that they were still struggling with the crowd. Napatawa naman siya dahil doon ngunit natigil ang tawa niya nang may nabangga siya.
"Mierda!" rinig niyang sigaw ng kung sino mang nabangga niya. She glanced at the man and saw him holding a cup of coffee that has now been spilled all over his camisa de chino.
Kahit na nakakaramdam siya ng guilt dahil sa nagawa ay wala na siyang extra time para tulungan ito dahil nakita na naman niya sa kaniyang peripheral vision ang tumatakbong porma ng limang lalake.
"Sorry!" she said as an apology and gathered up her skirt again to continue running. Nagmamadali siyang tumakbo kaya naman hindi niya napansin ang gulat na pagtingin sa kaniya ng lalake. He only saw her back while she was frantically running away.
"Ginoong Eduardo, pagpasensyahan niyo na po ngunit hindi po talaga namin alam kung paano sosolusyunan ang problema ng bentahan doon sa Cavite." Napakunot ang noo ni Yohan bago pinikit ang mga mata sa naririnig na kabobohan ng mga tauhan niya.
"Todos sois jodidamente estúpidos?! Tengo que hacer todo por ti?! Aba't bakit kailangan ko pa kayong swelduhan kung ako rin naman ang aayos ng problema doon?!" galit niyang sigaw sa mga ito. Wala na siyang pakialam na nasa labas sila at pinagtitinginan ng lahat.
("Are you all fucking stupid?! Do I need to do everything for you?!")
"Mga putang-inang bobo! Estúpido! Hijo de puta! Gusto niyo bang pagbubuksan ko mga bungo niyo para mahanap natin mga utak niyo?!" galit niyang sigaw muli habang pinipigilan ang sarili na pagpapaluin ang mga ulo nito. "Mga putang-ina, magsilayas kayo sa harapan ko at hanapan niyo ng solusyon ang problema doon sa Cavite!" He shouted that made all of them scurry away.
Ang rami-rami na niyang pinoproblema ngayon ngunit pati problema sa kalakalan sa ibang lalawigan ay pinapasa sa kaniya. Ano pang silbi ng pagpapasweldo sa mga ito kung siya rin naman ang aayos niyon.
"Luisito!" inis niyang sigaw dahil hanggang ngayon ay nanginginig parin siya sa galit.
"A-Ano po ang kailangan niyo, Ginoong Eduardo?" Halatang-halata na natatakot rin sa kaniya ang kaniyang assistant habang lumalapit ito sa kaniya. Luisito was a thin, frail-looking man that was constantly being looked down upon. That was the reason why he took him in to serve him as a right hand.
"Kape," utos niya dito. Alam na nito na hinding-hindi niya gustong pinapataas pa ang sasabihin.
"Gi-Ginoong Eduardo . . . sigurado po ba kayong nais niyong magkape ngayon? Baka po kasi mas tumindi pa po ang yamot niyo ngayon," nag-aalangan nitong tanong ngunit sinamaan lamang niya ito ng tingin.
"Binabayaran ba kita para magtanong?" he sarcastically asked that made Luisito stop from his questions.
He watched as Luisito hurriedly went back inside the establishment that serves as his business' headquarters in the area. His job was more of a middle man between the farmers and the marketplace. Siya ang bumibili ng mga ani ng iba't-ibang magsasaka at inaangkat niya iyon sa iba't-ibang lugar upang ibenta. There was recently a problem in the food exchange in Cavite because of the tension from the onging war between the Spaniards and the Filipinos that opposes the Spanish Rule.
He sighed deeply, trying to control his emotions. He reminded himself to really work on his anger issues. Ang dali na niyang magalit. Dahil sa nararamdaman ay agad-agad niyang kinuha mula sa kaniyang bulsa ang isang sigarilyo at sinindihan iyon. One puff from the cigarette was enough to instantly calm his insides. This became his lifeline when his anger issues worsen.
Agad naman siyang napalingon nang bumalik si Luisito dala-dala ang kape niya. Tinanggap niya iyon at akma na sanang iinom ngunit may biglang bumunggo sa likuran niya. Iyon ang naging dahilan kung bakit natapon niya sa kaniyang camisa de chino ang kapeng iinumin sana.
"Mierda!" He can't help but curse upon feeling the burning sensation on his chest down to his stomach. Bagong init ang tubig na ginamit sa kape niya kaya naman ramdam na ramdam niya ang kaniyang paso.
Before he can shout at the stupid asshole that bumped him, he suddenly heard a woman's voice that said, "Sorry!"
It only took just one word, specifically an English word, to catch his attention. Agad siyang napalingon sa babaeng iyon ngunit huli na dahil ang likuran na lamang nito ang kaniyang nakita.
Who the fuck is that?
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Historical Fiction"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."