Apple Pie bit her lower lip in an attempt to stop herself from crying. Pangarap niya lamang ito noon.
Noong naging sila ni Yohan ay pinagdasal niya na sila pa rin hanggang sa huli. God knows how much she prayed that they would end up as husband and wife. Kahit pa man alam niyang alikabok lamang siya kumpara kay Yohan ay nangarap pa rin siya na baka dadating ang panahon na maging kaniya na ang lalake ng buong-buo.
Yohan was the type of guy that any girl would kill for. Not just because of his looks or money but because of how understanding he is. Kahit ilang ulit niya itong singhalan ay hindi ito nagagalit. Kahit hindi niya sabihin ay alam na ng lalake kung ano ang dapat bilhin para sa kaniya. Laging sinasalo ni Yohan ang lahat ng mga problema niya. Dumating na nga sa point na hindi na siya natatakot sa kung anong maaaring ibato sa kaniya ng mundo dahil alam niyang nandiyan ang kaniyang boyfriend upang tulungan siya.
Just imagining this man to be legally binded to her was such a far-off thing but here he was, kneeling in front of her, looking up with all the hopefulness that he can muster. Para bang ang halaga-halaga ng magiging sagot niya para dito.
"Sigurado ka?" nanginginig niyang tanong habang pinipigilan pa rin ang sarili na mapaiyak. "Sigurado kang gusto mong matali sa akin?"
"Noon pa ako sigurado," confident na sagot nito. Tila ba hindi na kailangang pag-isipan ang tanong na iyon dahil sure na sure na ito.
"Sisinghalan lang kita araw-araw," paalala niya dito. Baka kasi nakakalimutan nito na may attitude problem siya.
"Wala naman akong problema kung ganuon ang ginagawa mo sa akin," he answered without hesitation.
"Pangit ako. Sayang lang lahi mo sa akin." She still refuse to believe that he meant what he was saying. Baka magback-out na lang ito kaagad dahil na-realize na mali ang desisyon nitong pakasalan siya.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Yohan at hindi makapaniwalang umiling-iling bago siya muling tiningala at nag-ika, "Langga, oo at hindi lang ang hinihintay ko sa iyo. Kung ayaw mo pa namang magpakasal at matali sa akin ay hindi kita pipilitin. May rason kung bakit dito kita inalok ng kasal at hindi sa mataong lugar. Ayaw kong makaramdam ka na pinipwersa kitang sumagot. Kung ayaw mo pa naman, handa naman akong maghintay hanggang sa maging handa ka na."
She started to panic upon seeing his discouraged face. Akala ata nito na ayaw niya talagang magpakasal dito kaya naman kung ano-ano ang sinagot niya kanina. Tatayo na sanang muli si Yohan ngunit agad niya itong pinigilan.
"Bakit ka tumatayo?! Hindi ba ako pwedeng mag-drama muna bago sumagot?" biro niya dito bago mabilis na hinawakan ang braso ng lalake. "Bago kita sagutin . . . may bagay rin na nais kong maitanong sa iyo."
"Ano iyon?"
"Handa ba ang isang perpektong ginoo na katulad mo na matali sa isang binibini na parang lalake umupo, parang sumisigaw kung magsalita at parang nireregla araw-araw dahil sa paiba-ibang kalagayan ng loob?" halos paiyak na niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ni Yohan. "Gusto ko lang matandaan mo na hinding-hindi ko makakayang maging mahinhin. Hindi ko kayang maging isang Maria Clara. Siga ako maglakad at para akong nasa palengke tuwing binubuka ko ang bibig ko. Sigurado ka bang handa kang matali sa isang katulad ko?" dagdag niyang ika bago mabilis na pinunasan ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.
Nakita niya ang gulat na rumehistro sa mukha ni Yohan bago ito unti-unting napalitan ng isang malaking ngiti. He slowly stood up and pulled her close before caging both her cheeks on his palms. "Matagal na akong handa. Ikaw na lang ang hinihintay ko. Mahal kita. Mahal na mahal. Matagal na akong sigurado na ikaw lamang ang nais kong makasama sa panghabang-buhay. Kaya binibini, maaari na bang malaman kung ano ang iyong sagot sa aking alok?"
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Historical Fiction"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."