Is she avoiding me on purpose?
"Tsk." Yohan can't concentrate with whatever their class president was saying in front of the class, because all he can think of is the fact that Apple is avoiding her.
Kinain niya ng mag-isa ang chocolate truffles nito pagkauwi niya sa bahay. He hates chocolate but she made those truffles so he still ate them without complaints. Nilinis niya ang tupperware nito at nilagay kasama ng daang-daang pink piggy tupperware na bigay nito noon sa kaniya.
He confidently came back to the university the next week, thinking that she would be present to his soccer practice just like before, but she never showed up. That pissed him even more. Akala niya ay busy pa rin ito at matagal natapos sa paglilinis ng HRM laboratory, although that was such a rare occurence since she was usually done with her job in time for his soccer practice. Pumunta siyang muli doon dala-dala ang pekeng excuse na manghihingi ng tubig ngunit pagdating niya ay sarado na iyon at wala ng tao.
She went home without even going to his soccer practice.
"Uy Yohan!" Rinig niyang tawag sa kaniya ni Joshua. Nilingon niya ito at nakitang nakatayo na pala ang kaibigan at handa ng maglakad papalabas ng classroom. "Saan tayo kakain? You wanna try the new sushi restaurant that just opened yesterday? We can also go to the steak house if mas gusto mo mag-heavy meal."
"Steak house," tipid niyang sagot sabay tayo at kuha sa bag niya. Naglalakad na sila palabas ni Joshua nang marinig niya ang huling habilin ng class president nila na nakatayo pa pala sa harapan at binubura ang mga sinulat doon habang nagmi-meeting sila kanina.
"Guys! Don't forget na kung ayaw niyong mabigyan ng punishment ng university ay huwag na huwag kayong gagawa ng gulo!" she reminded them and he was about to turn his back again, but three letters that were written underneath the "PUNISHMENTS:" caught his attention.
Those three letters were "HRM".
Agad siyang napahinto at naglakad pabalik sa loob ng classroom. Mabilis niyang inagaw ang eraser na gamit ng class president nila at tiningnan kung ano ba ang kasunod na nakasulat doon. It was already erased so he looked at their class president and asked her, "What is the punishment that involves HRM?"
Mukhang nagulat ito sa inaakto niya lalong-lalo na dahil ang higpit ng hawak niya sa kamay nitong nakahawak sa eraser. Idagdag pa sa gulat nito ay ang pakikipag-usap niya dito. He doesn't like talking to girls. "Uhmm . . . Tutulong maglinis ng HRM laboratory," kinakabahan nitong sagot sa kaniya kaya naman binitawan na niya ito.
"How many days?"
Apple's duty in the HRM laboratory is for the whole week. Usually hanggang 5PM lang siya doon except for Fridays na umaabot ito hanggang 7PM. His soccer practice is also during Friday 8PM onwards.
"Whole week daw."
"What should I do again to be able to get that punishment?" tanong niya dito dahil sa totoo lamang ay hindi siya nakikinig kanina sa class meeting nila.
"Uhmm . . . kung gagawa ka daw ng gulo, makikipag-away sa iba . . . yung mga ganuon. Pero hindi mo naman need mag-alala kasi hindi ka naman palaaway Yohan. Besides, hindi lang naman itong sa HRM ang nasa punishments. May mga punishments rin na papatulungin ka sa recycling hub o pagpapalinisin sa kada office ng department," nakangiting ani ng class president nila na mukhang inaakalang nag-aalala siyang mapatawan ng ganuong punishments.
Hindi na lamang niya ito pinansin bagkus ay tumalikod na at mabilis na naglakad papalabas. Agad niyang hinanap si Joshua at nang makitang wala na ito sa labas ng hallway ay kinuha niya ang phone sa bulsa at tinawagan ito. Nang sagutin na nito iyon ay hindi na niya ito pinagsalita. "Where are you?" agad niyang tanong.
"Nasa 1st floor. Pumunta akong vending machine dahil nauuhaw ako. Hihintayin na lang kita dito at mukhang seryoso pinag-uusapan niyo ni Ms. Pres," he said. Walang paalam niyang binaba ang tawag at mabilis na naglakad papuntang hagdanan.
Mas perfect ang lugar kung nasaan si Joshua ngayon dahil malapit sa vending machine ang mga office ng professors nila. Glass wall rin iyon kaya naman sigurado siyang kitang-kita sila ng mga ito mamaya.
Nang makarating sa 1st floor ay agad siyang lumapit kay Joshua na nakangiti pang kumakaway-kaway sa kaniya. "Pasuntok Joshua," ika niya na mukhang nagpagulo sa isipan nito.
"Ha?" inosente nitong tanong ngunit bago pa ito makabawi sa pagkalito ay agad itong natumba dahil sa malakas niyang suntok sa mukha nito. Napaupo ang kaibigan sa hallway at rinig niya ang malakas na tilian ng mga babaeng naglalakad rin doon. Marami-rami ring mga estudyante na pababa na rin ng building at nakita ang ginawa niya.
"The hell bro! Anong problema mo?" reklamo ni Joshua sa kaniya habang tinatayo ang sarili.
"Basta sumunod ka na lang," bulong niya dito habang pinapanood ang paglapit ng dalawang babaeng professor nila na tiyak nakita sila mula sa mga office nito.
"Yohan Renato! What do you think you are doing!" galit na tawag sa kaniya ng matanda at striktong teacher nila sa Ethics. Ang maganda at mas batang guro naman ay lumapit kay Joshua at tiningnan kung maayos lamang ba ito. Hindi naman nagpahuli ang kaniyang kaibigan dahil mukhang nakalimutan na nito ang suntok niya.
"Ma'am! Ang sakit po ng puso ko!" sumbong nito sa guro.
"Joshua, sa mukha ka natamaan," puna naman nito.
"Ms. Sienes, pakidala si Joshua sa infirmary," saad ng striktang professor nila bago siya naman ang nilingon. "At ikaw Mr. Renato ay sasama sa akin sa office."
Lumingon siya kay Joshua at makahulugan itong tiningnan na mukhang agad naman nitong naintindihan. Joshua obediently followed the younger teacher to the infirmary while he went to the office with the strict, old professor. Hindi na niya pinansin ang mga nangungusisang tingin ng ibang mga estudyante. Nang makarating sa office ay sinalubong siya ng mga disapproving looks ng mga teacher.
"Kaka-enforce pa nga lang natin ng bagong punishments para sa mga gumagawa ng gulo dito sa university tapos may away na kaagad na nangyari," reklamo ng isang guro.
"And to think na ikaw pa Yohan ang nanuntok. Kitang-kita namin ang lahat mula dito. You've always been the good student ever since you started studying here. Bakit kung kailan ka pa nag-4th year ay doon naman naging matigas ang ulo mo?" dagdag na komento naman ng isa pang teacher na nakapameywang sa gilid. Tikom lamang ang kaniyang bibig at nakadungo lamang ang kaniyang ulo habang pinapagalitan siya ng mga ito.
"This would be a good opportunity para maipakita sa mga students na seryoso tayo sa bagong patakaran natin. Noon wala lang sa kanila ang gawin ang bagay na ganito dahil pera lang naman ang punishments natin sa kanila. Now, they would see na hindi tayo nagbibiro. Papaglinisin natin sila para naman makaramdam naman ng takot ang mga spoiled na mga batang ito," wika naman ng dean na sinang-ayunan ng lahat.
"I'll take him," ika ni Mrs. Fortu na agad namang nagpalingon sa kaniya dito. Nagtama ang kanilang mga mata at may lihim na ngiti ito sa mga labi. "Doon sa HRM lab natin siya paglinisin at ng matuto," dagdag nitong sabi na agad namang nagpaliwanag sa mukha niya. Everyone agreed to Mrs. Fortu while he was forcing himself not to smile widely like an idiot.
"Bukas na bukas ay pumunta ka sa HRM lab. Kada linggo ay tuwing hapon ang duty mo doon. Tulungan mo si Apple Pie na maglinis," huli nitong habilin habang diretsong nakatutok sa kaniya. Pakiramdam niya ay may alam ito sa ginagawa niya ngunit hindi na niya iyon pinansin.
"Opo," nakangiti niyang sagot.
A/N: Pasensya na at may pagkasabaw ang update T_T
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Historical Fiction"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."