"Aray naman! Ano bang problema mo?!" inis na sigaw ni Apple Pie habang hinahaplos ang pwetang nananakit. Natadyakan na naman siya ng gwapong gago na mukhang kagigising lamang dahil sa magulo nitong buhok at namumungay na mga mata. She was looking up at his glorious body because she was unceremoniously thrown out of the bed like a sack of rice.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ilang ulit ko na bang sasabihin sa iyo na huwag kang mag-sleepwalk papunta dito sa kwarto ko! Nakakaimbyernang magising at mukha mo ang agad na nakikita ko!" reklamong sigaw ni Yohan sa kaniya.
"Aba't ang lakas ng apog mo! Hindi ka naman nahiya diyan sa pinagsasasabi mo!" balik niyang sigaw sa antipatiko sabay tayo at nameywang sa harapan nito. "Hoy po! FYI ginoo! Gising ako kagabi nang dukutin mo ako sa kwarto ko! Aba't ako pa sisisihin mo eh ikaw naman kumukuha sa akin doon!"
Mukhang hindi inasahan ni Yohan ang sinabi niya dahil agad na namula ang mukha nito, sa galit o sa hiya ay hindi niya alam. He looked so flustered while trying to come up with an explanation. "I certainly did not do that!" tanggi nito sa akusasyon niya. "Why would I want to sleep next to you?! Bakit?! Asawa ba kita?! Huwag kang ilusyunada, hindi ka maganda!"
Napanganga siya dahil sa sinabi nito at tila ba hindi na niya kailangan ng kape upang magising. Nag-jump start na lang bigla ang kaniyang katawan at para bang sumisigaw ng papunta siyang giyera ngayon. "Hoy po! Makapagsalita ka diyan para bang nanaisin kong maging asawa mo! Sino ba namang matutuwa kung iyang apelyido mo ay kapangalan nung kontrabida sa "Ang Probinsyano"!
Mukhang na-offend naman ito sa sinabi niya dahil mas kumunot ang noo nito bago nagsalita, "Well at least I don't need to worry about you being the mother of my kids! Ako na lang maaawa sa mga bata kung ikaw ang magiging ina ng mga anak ko!"
"Aber bakit naman?!" reklamo niya.
"Wala kang dibdib!" he answered, snapping the last thread of self-control inside her mind. Napababa ang tingin niya sa kaniyang boobs at mas nainis nang mapagtanto na tama ang sinabi nito, flat siya.
Galit niyang binalik ang tingin sa lalake sabay dampot ng isang unan sa may gilid at binato iyon kay Yohan. "Piste kang yawaa ka! Makapagsalita ka diyan, parang nakalimutan mo na noon ay nagmamaktol ka kapag hindi mo nahahawakan ang dede ko tuwing matutulog tayo!" Naiwasan ng lalake ang unan na binato niya kaya naman dinampot niya ang isang libro na nakapatong sa may bedside table at iyon naman ang binato rito.
She was about to pick up a porcelain ornament, sitting peacefully on one of his display cabinets, but she was rudely interrupted by a light knock from the door. Sabay pa silang napalingon doon at naabutan ang naguguluhang mukha ni Xavier.
"Am I interrupting something?" nakakunot noong tanong nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng lalake. Yohan was half-naked since he doesn't like sleeping with his clothes on. Siya naman ay nakapang-daster na manipis para hindi siya mainitan tuwing gabi. "Did you two slept together?" dagdag na tanong ni Xavier na agad namang nagpatanto sa kaniya na ang compromising tignan ng sitwasyon nila ngayon. In this timeline, a man and a woman can't even be seen in one room without a chaperone, let alone sleep next to each other when they're not married.
"Hell no!" tila nangdidiring sigaw ni Yohan sabay tayo at mabilis na naglakad papalabas ng kwarto. Walang pakialam na nilagpasan lamang nito sa Xavier kaya naman sheepish na lamang siyang napangiti nang magkatinginan sila ng lalake.
"Anong problema niya?" naguguluhang tanong ni Xav ngunit kibit-balikat lamang ang binigay niyang sagot dito.
Nakatayo lamang sa may sala ng malaking mansyon si Fernando habang hinihintay si Ginoong Zaldua. Aaminin niyang kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito lalong-lalo na at walang ibang balita siyang maibibigay dito tungkol kay Binibining Christina. Hindi niya nais kunin ang trabahong ito sapagkat sa isip-isip niya ay aksaya lamang ng panahon niya ang paghahanap ng isang babaeng magnanakaw ngunit malaking salapi ang inalok ng matandang Zaldua. Mabilis naman siyang natigil sa iniisip at napalingon sa may magarang hagdanan nang marinig ang mga yabag ng ginoo.
"Anong balita?" Ni hindi man lamang siya binati ni Ginoong Zaldua at diretsong nagtanong patungkol sa pakay.
Mahina muna siyang umubo na para bang makakatulong iyon upang maibsan ang kaba sa kaniyang dibdib bago ito sinagot. "Muntikan na po namin siyang mahuli ngunit . . . nakatakas po siya, Ginoo."
Halos himatayin siya sa takot nang unti-unti itong tumitig sa kaniya gamit ang nanglilisik na mga mata nito. "Muntikan? Ibig sabihin ay may tiyansa sana kayong mahuli siya ngunit hindi niyo nagawa?" Hindi ito sumisigaw ngunit ang diin nito sa bawat salita ay sapat na upang malaman niya na galit ito.
"Bigla po siyang naglaho at hindi namin alam kung saan siya nagtago, ngunit huwag po kayong mag-alala Ginoong Zaldua sapagkat hindi tumitigil ang aking mga tauhan upang madakip na ang babaeng iyon," pagtitiyak niya dito ngunit mas kumunot lamang ang noo nito sa galit.
"Mierda! Gaano ba kahirap hanapin ang isang binibini na walang ibang kilala rito maliban sa kaniyang tiya?!" Mukhang sumabog na ang ginoo sapagkat sumisigaw na ito at sinabayan pa ng pagsuntok sa isang lamesa roon.
"Amin na pong naimbestigahan ang kaniyang Tiya Lourdes at napag-alaman po namin na hindi pa po siya pumupunta doon upang manghingi ng tulong. Pinapabantayan ko na po sa ilan kong mga tauhan ang pamamahay ng ginang upang malaman namin kaagad kung pumunta ito roon," pagpapaliwanag niya dito. "Sa ngayon ay iniisa-isa naming tignan ang mga posibleng trabaho na kinuha nito."
"Huwag lamang iyan ang pagtuunan niyo ng pansin," matigas na saad ng matandang ginoo.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" naguguluhan niyang tanong.
"Subukan niyo ring obserbahan ang mga ginoo rito sa ating lugar. Hindi natin alam kung nakakita ito ng lalake na maloloko upang tulungan ito," dagdag na ika ni Ginoong Zaldua.
"Ibig niyo po bang sabihin na baka nagpaka-puta si Binibining Christina upang tulungan siya ng isang ginoo?"
"Oo. Hindi na iyon nakakapagtaka sapagkat isang puta rin ang nanay nito." Kinumo ng ginoo ang kamao nito at para bang may nais suntukin. "Siguraduhin mo lang na may maibabalita ka na sa akin sa susunod na linggo. Hindi ko kayo binabayaran ng malaking salapi para lang umupo at hindi gumalaw," dagdag nitong banta bago tuluyang naglakad palabas ng sala.
Siya naman ay naiwan doon na nakatanaw sa ginoo habang iniisip kung gaano kadeterminado ang matanda upang mahanap ang binibining halos pumatay sa anak nito. Sa pagkakaalam niya ay nakaratay pa rin ito sa kama at hindi pa rin nagigising.
Dapat siyang maging alerto, isang magnanakaw at mamamatay tao ang hinahanap niya.
A/N: So sorry at natagalan! Thank you nga pala kay BeatriceGrandes dahil lagi siyang nagpapaalala na mag-update na ako. XD Hindi dapat ako magsusulat pero ang kyut mong mangulit ahahahha.
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Historical Fiction"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."