Nakangiting namimitas si Apple Pie ng mga bulaklak sa may hardin ng mansyon na ito. Mag-iisang linggo na simula nang kunin siya ng tiya ni Christina. Sa una ay talagang natatakot siya lalong-lalo na dahil sa natuklasang planong pagpatay sa kaniya. She still doesn't know who wanted her dead but the presence of Heneral de Castro helped ease that fear away.
Aaminin niyang ang ginoo ang dahilan kung bakit nakayanan niyang tumagal ng isang linggo sa pamamahay na ito. Kung wala ito ay tiyak na nakakulong lamang siya sa loob ng kwarto at nagtatago dahil sa takot. He has been her knight-in-shining armour.
Ito ang palaging nagluluto ng pagkain para sa kaniya sapagkat inaayawan pa rin niya ang mga pagkaing inihahanda ng mga katulong sa kaniya. She doesn't trust them anymore. Wala namang problema ang heneral sa pagluluto para sa kaniya. In fact, he seems to enjoy it. Yaong tipo na masaya na ito dahil kailangan niya ito.
He would come to visit her really early in the morning, cook her breakfast, lunch, and dinner, spend time with her, and then go home late at night. Siya na nga ang nakakaramdam ng guilt dahil sa hassle na nangyayari dito pero mabilis naman siyang inassure ng lalake na ginusto nito iyon.
Ngayong araw ay wala daw ang heneral ika ng tiya niya. May mga dapat daw itong asikasuhin kaya naman naalala niyang hindi lamang sa kaniya umiikot ang buhay nito. He was a busy man after all and she understood that.
Despite the fear of another assassination attempt, she still pushed herself to go outside her room and do something productive. Walang mangyayari kung magmumukmok lang siya sa loob ng kwarto.
Kaya ngayon ay nandito siya sa hardin at nangongolekta ng mga bulaklak. Magpa-practice siya sana ng flower arranging. Sabi ni Elisa sa kaniya noon ay isa iyon sa mga pinag-aralan nito noong nagdadalaga pa ito. She might as well learn it too.
It felt so peaceful picking flowers in the early morning when the sky was still a little bit dark with a touch of orange hue and the atmosphere has the cold night air circling around it. Hindi niya tuloy naiwasan na mapapikit at payapang damhin ang malamig na hangin na mahinang dumadampi sa balat niya.
She was enjoying the cold, morning air when a familiar voice suddenly spoke near her left ear. "Magandang umaga, binibini."
Bahagya siyang napatalon dahil sa gulat at agad na nilingon ang lalake. "Heneral!" gulat niyang bulalas dahil ang nakangiting mukha ni Heneral Cristobal de Castro ang bumungad sa kaniya. "Akala ko po ba na wala kayo ngayong araw?" dagdag niyang tanong sapagkat ang aga-aga pa rin nitong dumating dito sa bahay.
"Mamaya na lamang ako aalis sapagkat nais kong dalhin itong niluto ko sa iyo. May pagkain na rito para sa umagahan hanggang hapunan mo. Tiyak kasing hindi ako makakabalik kaagad kaya naman nagluto na ako kaagad." Matapos sabihin iyon ay napatingin siya sa malaking sisidlan na hawak-hawak nito. Mukhang mabigat at maraming nakalagay. Agad naman siyang nakaramdam ng guilt dahil nag-abala pa ito.
"Naku po! Hindi ka na sana po nag-abala. Maaari naman po akong magluto para sa sarili ko. Nakakahiya na po sa iyo. Ako na lang po ang magdadala niyan at baka pagod ka pa po," nahihiya niyang ika at akma na sanang kukunin ang basket na dala nito. Kahit iyon man lamang ay maitulong niya dito.
Kaysa ibigay sa kaniya ang sisidlan ay agad namang nilayo sa kaniya ng heneral iyon. "Kaya ko na itong dalhin." Hindi nito pinayagan na siya ang magdala ng mabigat na lalagyan. Pati nga ang basket na hawak-hawak niya na naglalaman ng mga bulaklak na pinitas niya ay kinuha na rin nito. "Ako na ang magdadala nito," deklara ng lalake at nagsimula ng maglakad papunta sa mansyon. Wala na tuloy siyang choice kundi sumunod na lamang dito.
"Ginoo. . ." magproprotesta pa sana siya at mag-i-insist na ibigay nito ang isang basket sa kaniya ngunit agad naman siyang napahinto dahil nilingon siya ng lalake. Without warning, he plucked a flower from the basket and carefully placed it behind her ear, slightly brushing her loose hair.
The gesture was unexpected yet sweet nonetheless.
"Ang ganda," bulong nito habang nakatingin sa kaniya. His gaze was so intense that she couldn't handle it anymore. You know the lyrics from Dandelions by Ruth B, "I see forever in your eyes"? Parang ganuon kasi ang pinapahiwatig sa kaniya ng heneral. Naiilang siya dahil hindi niya kayang suklian ang "forever" na gusto nito.
Awkward siyang napatawa bago sinalba ang sitwasyon gamit ang isang biro, "Ng umaga? Oo nga po, ang ganda ng umaga. Hindi maulan kaya masarap maglakad-lakad."
Gusto na niyang lamunin ng lupa dahil sa awkwardness sa pagitan nila kaya naman nagmamadali siyang naglakad papunta sa main door ng mansyon. Bago pa siya makalayo ay narinig niya ang malakas na sigaw ni Heneral Cristobal at ang biglaang paghablot ng kung sino sa kaniya.
Before she knew it, she was thrown off to the floor. Heneral Cristobal was on top of her, shielding her from something. Impit pa siyang napasigaw nang makita ang paghulog ng kung ano sa likuran ng heneral. Walang nahulog sa kaniya dahil takip na takip siya ng lalake.
"Oh my God! Ayos ka lang po ba?!" hindi niya naiwasang mag-Ingles dahil na rin sa pagkabigla. Nagmamadali niyang ginabayan ang lalake papaalis sa pagkakadagan sa kaniya at tinignan kung ano ba ang nahulog na iyon.
It was a clay pot, the exact thing that she saw the maids use inside the kitchen. Basag-basag na iyon dahil na rin sa malakas na impact sa pagkakabagsak sa likuran ng heneral. Nag-aalala niyang tinignan ang lalake at nakitang mukhang okay naman ito. He was holding his back in pain so she felt that it would be better to call a doctor just to be sure.
Sinalo nito ang pot na inuhulog sa may ulo niya. Hindi pa kasi sila nakakapasok ng bahay at tanging nakatayo pa lamang sa may entrada. They were right beneath the many windows of the second and third floor. Dahil sa kaisipang iyon ay agad siyang tumingala at napakunot ang noo.
A shadow quickly stepping away from a window caught her attention. Hindi niya nakita ang mukha nito at kahit nga ang pangangatawan nito. Malaking tulong na sana kung malalaman niya ang kasarian ng kaaway niya dito sa mansyon.
Gusto niyang tumayo at takbuhin ang pangalawang palapag upang sana mahuli ang misteryosong anino na iyon ngunit alam niyang wala na ito pagdating niya roon.
"Who the fuck are you?" she mumbled to herself.
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Tiểu thuyết Lịch sử"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."