Chapter 74

459 40 19
                                    

Apple Pie opened her mouth in shock and was about to say something but no sound came out of her lips. Natigalgal lamang siya at mukhang hinihintay lamang siya ng lahat na maka-recover dahil hindi rin nagsalita ang mga ito.

"I . . . I don't understand," mahinang ani niya habang palipat-lipat ang tingin sa mga seryosong mukha ng mga ito na nakatutok lamang sa kaniya. Ang tanging natatandaan lamang niya tungkol sa buhay ni Christina ay ang muntikan nitong pagpatay sa isang lalake at ang pagtakas nga nito sa galit na ama. Nag-assume siya noon na baka kapatid ni Christina ang muntikan na niyang mapatay at tatay niya ang nais magpapatay sa kaniya. Kung tama nga ang information ni Kuya Zy patungkol kay Christina, ibig sabihin lamang niyon ay hindi niya ama ang lalakeng nais magpapatay sa kaniya. Her real father was already dead. 

Kung ganuon, sino ang naglagay ng patong sa ulo niya?

Ang tanging alam niya ay Zaldua rin ang nais siyang mahanap at mamatay. Is it because of her title? Mahilig siya sa mga historical movies at books lalong-lalo na kapag European kaya naman alam niya ang mga hidwaang nangyayari sa pagitan ng pamilya dahil lang sa simpleng titulo. Pero alam rin niyang hindi siya eligible sa kahit anong "title". An illegitimate child let alone a woman will not hold any power to fight for a title. Hindi pabor sa kaniya ang sitwasyon kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit hina-hunting siya ng mga ito. 

"Apple Pie," tawag sa kaniya ni Kuya Zy kaya naman nagising siya sa malalim na pag-iisip. Lumingon siya dito at nakita ang pag-aalala sa mukha nito. "I know this is a lot to take in but it's true. Your father died last year because of a heart attack. His eldest son died three months after his death because of a fall from a horse. The second son died in his sleep five months after and just four months ago, your youngest brother died after a seizure attack. They all died in the span of two years. If my hunch is right, I'm pretty sure someone is behind all of this. Apple Pie, paniguradong may gusto ring pumatay sa iyo."

"I know," she whispered, shocking the three brothers. Alam niyang hindi siya naintindihan nina Elisa at Pedro kaya naman nagtatakang lumingon ang mga ito sa lalake. Agad naman niyang naramdaman ang paghila ni Yohan sa kaniya at ginabayan siya paharap dito.

"Anong ibig sabihin mo? Alam mong may nais pumatay sa iyo?" he angrily asked, his hold on her tightening but still not hurting her.

"O-Oo," amin niya.

"How, Apple Pie?" rinig niyang tanong ni Xav na nagpatanggal ng atensyon niya kay Yohan. Nilingon niya ang lalake at nakita na tumayo na rin pala ito at lumapit sa kaniya. Kita ang pag-aalala nito.

Malakas na lamang siyang napabuntung-hininga bago sinagot ang mga ito. "When I first entered Christina's body, I was being chased by a group of men. The only thing I know is that my name is Christina. Matapos iyon ay napanaginipan ko ang isang memorya niya. It was dark and she was crying . . . shivering. Then I saw my bloody handy and realized that I just bashed someone's head so hard that they were knocked cold on the floor. I tried helping him but he looked as pale as a corpse. Nagising na ako matapos iyon. Tuwing sinasamahan ako ni Xav sa labas ay nakikinig ako sa mga usap-usapan at nalaman ko nga na pinaghahanap si Christina at may patong ito sa ulo. The only weird thing is that the man who was looking for her refused to send out sketches of my face. It was as if he wanted this search to be secret."

"Secret, huh." Napalingon naman siya kay Kuya Zy na prente pa ring nakaupo sa may sofa ngunit kitang-kita ang malalim nitong pag-iisip. "It's clear as day, that person wanted to kill you," dagdag nitong ika bago siya hinarap. "Kilala mo ba kung sino ang naghahanap sa iyo?"

"Ang tanging alam ko lang ay Zaldua rin ang naghahanap sa akin."

Nagkatinginan ang tatlong lalake bago nagsalita si Xav, "Paano natin malalaman na hindi masama ang nagpakilalang Tiya mo raw? Baka isa siya sa nais pumatay sa iyo," ika nito sa kaniya bago tumingin sa mga kapatid nito. "We can't give Apple Pie to her aunt. Hindi pa tayo sigurado kung mapagkakatiwalaan ang babaeng iyon."

"We don't have any say on that, Xav. Sa panahong ito ay hindi dapat natin kilala si Apple Pie. We can't fight against her actual relatives. Kung nais ng Tiya nito na kunin siya ay wala tayong magagawa kundi ibigay siya," sabi ni Kuya Zy habang nakatitig sa kaniya. "But first thing first, we need to teach you everything," dagdag nitong ani na nagpakunot ng noo niya.

"Teach me? Anong ituturo niyo sa akin?" nagtataka niyang tanong.

"Everything, Apple Pie," mariing sagot ni Kuya Zy sa kaniya. "The way you talk, the way you walk, the way you eat . . . everything. You don't really resemble a binibini born with a golden spoon. Kailangan nating ayusin iyon bago ka kunin ng Tiya mo."

Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi dahil sa napagtanto. Nakalimutan nga pala niya ang patungkol doon. Life would have been so much easier for her if she was just a normal person. "Paano iyan? Anong gagawin natin?"

"Pinag-uusapan namin ang tungkol diyan kanina bago kayo dumating ni Yohan. Napagdesisyunan namin na mabuti muna kung dito ka tutuloy pansamantala kina Xav," imporma sa kaniya ni Kuya Zy ngunit agad naman niyang narinig ang pag-ayaw ni Yohan.

"No," mariin at seryoso nitong alma na nagpalingon kay Kuya Zy dito.

"May I remind you that you don't have any say on this? In the first place ay ikaw ang unang umayaw sa pananatili ni Apple Pie sa pamamahay mo. Now, we're taking her back and away from your care. Wala ka ng proproblemahin," nakakatakot na sabi ni Kuya Zy na nagpakaba naman sa kaniya. Kahit nga ang mga kasamahan niya sa silid na iyon ay halatang kinakabahan rin sa maaaring mangyari. 

Masamang nakatitig ang dalawang lalake sa isa't-isa at mukha ngang kayang suntukin ni Yohan ang nirerespetong kuya nito kaya naman agad siyang pumagitna sa dalawa. "Yohan," tawag niya sa lalake upang matanggal ang atensyon nito kay Kuya Zy. "Dito muna ako kina Xav, maaari mo naman akong bisitahin dito," katwiran niya na kinakunot-noo ng lalake.

"No. Ayaw ko. Hindi ako papayag. Sa bahay ka lang uuwi," matigas-ulo nitong paghindi sa suhestiyon niya. 

"Yohan - " mangangatwiran pa sana siya ngunit agad niyang narinig ang pagsalita ni Xav.

"Then stay here," he said calmly. Sabay silang napalingon ni Yohan sa kapatid nito. "Dito muna kayo sa bahay tumira. Makaasta kayo ay parang ang liit ng pamamahay ko." Napatingin sila muli ni Yohan sa isa't-isa at kahit pa man hindi sila magsalita ay tila ba nagkaroon ng pagkakaunawaan na payag sila sa suhestiyon ni Xav.

"That settles it then," pinal na ika ni Kuya Zy sabay tayo mula sa pagkakaupo sa sofa. "Kailangan ko pang umuwi. May manliligaw na naman sa bahay namin. Kailangan kong bantayan si Victoria." Matapos sabihin iyon ay walang paalam na naglakad si Kuya Zy papalabas ng silid. Halatang-halata na nagmamadali ito na makabalik kay Victoria. Nag-aalala siyang tumingin kay Pedro at nakita ang malungkot na pagsunod ng mga mata nito sa lalake.

Nag-aalala siya para dito. Being in a one-sided love is hard, but it's even harder when you knew to yourself that you both don't belong to each other.


A/N: I'll try to upload Chapter 70 - 73 again, para sa mga hindi mabasa at makabukas ng chapter na iyon.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon