Chapter 23: By Chance

117 3 0
                                    

A/N: Good evening guys! 2 - 3 chapters lang po ang Still In Love. Then as usual, happy ending na naman. Happy ending nga ba? Hahaha. Sana. Yun lang, magtatapos na po ang SIL.

 

Enjo reading!

 

Chapter 23

Eros' POV

 

"Good morning, Kuya!!" sigaw ni Euris. Hanggang ngayon ay hyper pa rin ito. Nagtataka lang ako kung bakit parang hindi man lang ito tinamaan ng hang over samantalang mas marami syang nainom kagabi kesa sakin.


Nasa kama ako nang guluhin ako ng babaeng ito. Patalon itong lumapit sakin.


"AAAAAAAAAAAWW!!" kunwari ay nabigatan ako, "Ang taba taba taba taba mo na!! Dabiana kaaa!" pang-aasar ko sakanya. Tumawa lang ito na ani hindi man lang naasar. Bagkus ay tumawa pa ito ng makahulugan.


Tumigil ako sa pang-aasar sakanya at tinignan sya ng seryoso. Nang mapansin nito ang ekspresyon ay tumigil na rin ito katatawa.


"Asarin mo pa ko, Kuya. Hindi mo malalaman kung nasaan si Ate Anthea. HA HA HA HA HA!" sabay tayo nito at lumabas ng aking kwarto.


Narinig ko palang ang pangalan niya ay nagrigodon na ang aking puso. Mabilis pa sa paggalaw ng oras ang pagbangon ko para habulin si Euris. Wag lang sana akong pinaglololoko ng kapatid kong ito kung hindi ay tatamaan sya sakin.


"What do you mean na alam mo kung nasaan sya?!" sigaw ko kay Euris na nasa sala na pala. Nandoon din sila daddy at mommy at halatang may pagtataka sa kanilang mga mukha. Pero hindi ako sinagot ni Euris. Ngumiti lang ito ng makahulugan.


Bumaba ako at nilapitan si Euris na prenteng nakaupo sa sofa.


"Hoy!!" sigaw ko.


"What? Haha." Tatawa-tawang sagot sakin. Tinignan ko ito ng masama.


"Sinasabi ko sayo, Euris. Huwag mo kong pinaglolol----


"She's here. Her brother renovated their old house in Bulacan last year. At ayon sa aking reliable source, nasa Bulacan sila ngayon kasama ang pamilya nya at doon nagbabakasyon."


There was a different feelings while she was giving those informations about Anthea's whereabouts. I felt like there's hope, a chance to see her. A chance to be with her...again..


"Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. But I'm gonna take this chances." Sabi ko kay Euris. Umupo si mommy sa tabi ni Euris. Napasapo ako sa noo. Nakalimutan ko na nandito nga pala ang mga magulang ko. Hindi ko na na-isip si daddy dahil sa sobrang galak ko sa pagkahanap kay Anthea.


"Kahit na anong mangyari, son, I will always support you." Nakangiting sambit ni mommy. Lalo akong nabuhayan ng lakas ng loob dahil sa sinabi nito. My mom never fails to support me. Kahit noong nasa stage ako ng paglelet-go kay Anthea at nahihirapan dahil wala sya, si mommy ang nasa tabi ko para umalalay sakin.


Nakaramdam ako ng pagpisil sa aking balikat. Nilingon ko kung sino iyon. It was my father who at the first place refused Anthea to be my girlfriend and be part of my family. Pero mukang naiba ang ihip ng hangin ngayon. Nakangiti si Daddy at may kakaiba sa mukha nito. Wala ring halong pagtutol sa mga mata nito.


"Kung kailangan ako mismo ang makipag-usap sakanya, gagawin ko. Makabawi man lang ako sa lahat ng naging kasalanan ko sakanya." may halong sinseridad na tugon nito. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil nagtatalo lahat ng emosyon ko. Because this is one the most unforgettable moments in my life, that is to have an acceptance from my father. Tanggap nya na si Anthea.


"Thank you, Dad. But for now, ako muna ang bahalang umayos nito. Tatawagin ko kayo kapag kelangan ko ng kapit-bisig ng pamilya Lavalle."


Natawa sila sa sinabi ko. Hindi ko na talaga maintindihan itong nararamdaman ko dahil grabe na ang pag-asa kong makausap sya. Titiisin ko lahat ng pagpapahirap nya sakin basta sa bandang huli ay maging akin siya muli.


"So, what's your plan?" tanong ni mommy. Ngumiti lamang ako sa na isip kong plano. Sana lang ay maging effective itong plano ko.


------

Anthea's POV

 

Pagkagising ko ay wala katao-tao sa buong kabahayan. Nagtataka naman ako dahil kahit ang mga pamangkin ko ay wala rin. Dumiretso ako sa kusina upang maghanap ng pagkain. May nakita ako at agad ko iyon nilantakan. Pagkatapos ay ganoon pa rin ang pagtataka ko dahil wala pa ring tao sa bahay.


Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas ng bahay. Nagbabakasalaking nandoon sila Kuya pero ni anino ng mga ito ay wala. Ngunit may narinig akong kakaiba sa likod ng bahay.


Nagpunta ako doon at nagkunot noo sa aking nakita. Sila Kuya pati na rin si Mama ay pinagkakaisahan ang lalaking nakatalikod mula sakin. Naglalaba ito. Halata naman dahil sa dalawang gabundok na mga damit na nasa harapan nito. Ang pamangkin ko ang unang nakapansin sa aking presensya.


"Daddy, Si Tita Anthea po oh." Sabay turo sakin ng pamangkin ko. Lahat sila ay napatingin sakin. At ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang lumingon ang lalaking kanina pa yata naglalaba dahil basang-basa ang kanyang likuran.



Napasinghap ako at napatakip sa aking bibig, "Eros" bulong ko sa aking sarili. 

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon