Chapter 22: Welcome Home

115 2 0
                                    

A/n: Hi guys! Keep reading and read before you vote rin po :)) God bless!!

Chapter 22

 

After two years...

 

Eros’ POV

 

“Congratulations, Kuya! I’m so proud of you!” bati sakin ni Euris. Kapapasok ko lang ng bahay pero ito agad ang bumungad sakin. Nandito rin sila Alexis, Jadd, Jonas, Anne at Samantha.

Niyakap ako ni Euris at ganoon din ako sakanya. Kinuha nya ang attache case ko at ito pa mismo ang nagpasok nun sa loob. Natawa na lamang ako sa pagiging oa na kapatid nito pero syempre, natutuwa ako dahil napaka-responsableng kapatid itong si Euris.

Unang lumapit sakin si Alexis, “You’re good, dude. Very good! Hindi biro ang pagiging CEO. Haha.”

Tumawa ako at hindi pinansin ang sinabi nito. Dalawang taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin ito nagbabago.

Sumunod na lumapit sakin sila Anne at katulad ni Alexis, binati lang ako ng mga ito.

“Gusto nyo lang makikain dito sa bahay e. hahaha.” Pabiro kong sabi. They all looked guilty.

“Tara na nga sa loob!” yaya ni Alexis na akala mo ay kanyang bahay.

Lumapit sakin si mommy at niyakap ako, “How’s the first day of being our new CEO?” masigla at nakangiti nitong tanong.

“All is well, mom. They are all nice to me except sa secretar ni Daddy na mukang mas stress pa sakin. Hahaha.” Biro ko.

Pinalo ako ng mahina ni mommy sa braso, “Don’t be so hard to her. Matagal na syang empleyado sa company natin. Haha.”

Tumatawa kami nila mommy nang nakita kong pababa ng hagdanan si Daddy. He uses walking cane because of poor mobility. That’s the reason why we hired a personal nurse for him.

“How’s your day, son?” mahinang tanong ni Daddy nang makababa na ito sa hagdanan.

Nagkibit balikat ako, “It’s fine.” Maikli kong sagot. Ngumiti si Daddy at nakatitig lamang sakin. Nag-iwas ako ng tingin.

It’s been two years pero sariwa pa rin sakin ang lahat. Umiling ako. Sa ganitong pagkakataon ay ayokong alalahanin lahat ng masasakit na nangyari sa loob ng dalawang taon.

Sabay-sabay kami kumain at pagkatapos kumain, nagpa-pool party si Euris. Nasa swimming pool kami. Sila Anne lang nagsi-swimming maliban samin ni Jadd na nakaupo lang sa gilid ng pool.

“Hindi ka pa rin ba nakaka-move on?”

Nilingon ko si Jadd pero hindi ito nakatingin sakin. “What do you mean?”

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon