Chapter 9
Anthea’s POV
Maaga palang ay gising na ko. Lumabas ako ng unit at iniwang tulog sila Alie at Cess. Naglakad-lakad ako. Nakita ko ang mga staff na nililinis ang mga chaise. Lumapit ako at may mga bumati na staff sakin. Binati ko rin sila.
“Good morning po, Mam!” bati ng isa.
“Good morning din!”
“Hihiga po kayo, Mam?” tanong pa ng isa.
“Oo sana kaya lang nililinis nyo pa eh. Nakakahiya namang mahiga ako rito habang naglilinis kayo. Hahaha.”
Halatang namangha ang mga ito. Napadako ang tingin ko sa isang chaise na may nakapatong na towel at sunglasses.
“Kanino yun?” tanong ko.
Bago pa man din nila sagutin yun ay mukang tinawag sila ng manager kaya hindi na nila nasagot ang tanong ko at nagmadaling umalis. Nagkibit-balikat na lamang ako at humiga sa isang chaise.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa chaise. Kaya paggising ko ay halos manakit ang balat ko sa taas ng sikat ng araw. Dumilat ako at sumakit ang mga mata ko dahil sa sobrang sikat ng araw.
Pero nagulat ako ng may tao na humarang ‘don. Pumikit-pikit ang aking mga mata dahil medyo nandilim ang mga iyon. Nang makabawi ay napaatras ako sa pagkakahiga ko.
“W-what the hell are you doing here, E-eros?!” pataranta kong tanong.
Ang lapit ng mukha nito sakin. Suot nito ang sunglasses at may tuwalya na nasabit sa balikat nito. Basa rin ang katawan nito. And oh my gooooosssh! He’s topless!
Napanganga ako sa hulma ng katawan nito. Animo tinapay na putok ang mga abs nito. At ang kaniyang biceps, haaaaay.. ang sarap kainin.
Napakagat ako sa labi. Narinig ko itong humagikgik.
“You are looking at me like I am a delicious meal to eat. Hahaha. Hindi maganda yan sa isang doktor na gaya mo, Anthea.”
Inirapan ko ito at sabay tulak para lumayo sakin. Tumayo ako. At nagmartsa.
Ang kapal ng muka! Hello! As if naman na pinagnanasaan ko ang katawan nya!
Huminga ako ng malalim. Hindi ba? Eh grabe ka nga makatitig, Anthea! Makasalanan ka!
Nakasalubong ko sila Alie.
“Kanina ka pa namin hinahanap. Akala namin kasama mo si Eros.” Sabi ni Alie. Hindi ko alam kung concern ba talaga ang mga ‘to o nang-iinis lang.
“Magkasama kami.” Malakas na loob na sagot ni Eros. Liningon ko siya at binigyan ng masamang tingin.

BINABASA MO ANG
Still In Love
RomanceSiyam na taon ang nakalipas mula ng maghiwalay ang landas nina Eros Lavalle at Anthea Hudencial. Iisa ang kanilang pangarap noon ngunit tuluyan iyong nabago dahil tutol ang ama ni Eros sa pagdodoctor. Kaya ngayong nagkita ulit sina Eros at Anthea n...