Chapter 11: Obvious

148 8 0
                                    

Chapter 11

Anthea’s POV

 

Pagbaba ko nadatnan ko sila Jonas na nakikipag-usap sa dalawang madre at isang teenager na babae. Napansin nila ang presensya ko. Ngumiti ako sa mga matatanda at nagbigay galang.

“By the way, Mother Therese, this is Anthea Hudencial. She will be a big help for those children. She is a professional doctor of Pharmacy.” Pagpapakilala ni Anne sakin.

Nakangiting tumango ang nagngangalang Mother Therese. Kinuha nito ang kamay ko at pinisil.

“I’m so pleased to meet you, Doktora. Sana po ay pumayag  kayong sumama kela Jonas sa makalawa at makilala ang mga bata.”

Lumawak ang ngiti ko. Matagal ko na ring gusto tumulong sa mga bata. Hindi ko lamang magawa dahil karamihan sa mga nagiging pasyente ko ay matatanda at madalas na nangangailangan ng patient counseling.

“Sure, Mother Therese. Tutulong po ako sa abot ng aking makakaya.” Sagot ko. Laking pasasalamat ni Mother Therese sakin. Pinakilala niya rin ako sa dalawa nyang kasama. Si Sister Jade at Julia.

Hindi ako makapaniwala na makakatulong ako sa mga bata in a way na tuturuan ko sila sa tamang pangangalaga ng kalusugan. Excited na ko sa makalawa.

Madami pa kaming napag-usapan. Nababatid nila Alie na nasasabik ako sa mangyayari.

“Relax ka lang, Anthea. Hahahaha.” Natatawang sabi ni Cess.

Nilawakan ko pa ang aking ngiti. Tawang tawa naman sila. Napatingin ako kay Eros na mukang masaya na naman. Hindi ko alam kung dahil ba sa magaganap sa makalawa or dahil sa katabi nya si Sam. Who cares?

 

Pagka-alis nila Mother Therese, nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa magiging activities ng mga bata. Kahit sila Alexis ay excited rin sa mangyayari.

“Kaya medyo abala si Anne nitong mga nakaraang araw ay dahil sa pakikipag-communicate kela Mother Therese. Siya ang chief ng Brighter Haven Orphanage. Ngayon, tayo ang gagawa ng program at mga activities ng bata. Tiwala si Mother Therese sa’tin dahil nagawa na namin ni Anne ‘to two years ago.”

Namangha ako sa kwento ni Jonas. Sila ang magkasintahan na hindi lang sakanila umiikot ang mundo. Ineexplore talaga nila lahat ng bagay na pwede nilang gawing dalawa. That’s the good about their relationship.

Si Anne ang gagawa ng takbo ng program. Nag-suggest naman ako na  magtuturo sa mga bata. Sila Cess at Sam ang bahala sa pagkain ng mga bata. Sila Alexis at Alie naman sa mga souvenir. Sila Eros at Jadd ay sa ibang activities.

-----

Brighter Haven Orphanage.

 

Pagkaapak namin sa BHO ay daig ko pa ang pakawalang babae. Tuwang tuwa ako sa lugar. May kalakihan ito at ang daming puno. Ngumiti ako at pumikit. Ramdam ko ang bawat hangin na dumadampi sa aking balat.

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon