Chapter 6: I hate travelling

211 8 0
                                    

Chapter 6

Anthea’s POV

 

“What?! Both of you are leaving?!” halos hindi ako makapaniwala dahil aalis sila Belle at Lei. Belle is going to abroad with her family. They’ll spend their vacation in Singapore. And Lei received an emergency call from her parents last night. Kung gayon, kaming tatlo na lamang nila Alie at Cess ang maiiwan dito sa Baguio.

Nakaimpake na silang dalawa at sabay pang aalis. Malungkot ang mga mukha nila dahil sa naudlot na pagbabakasyon kasama kami.

“S-sorry, Anthea ha.” Sabi pa ni Lei.

Ngumiti ako para hindi niya mahalata ang pagkadismaya ko, “It’s okay, Lei. May next time pa naman.”

Hinatid namin sila sa labas ng townhouse at doon ay may nag-aabang na sasakyan na pinadala ng daddy ni Lei.

“There’s always next time.” Sabi naman ni Alie. Tumango silang dalawa at nagyakapan kami bandang huli. Nakakalungkot dahil nabawasan kami ng dalawa. What I mean is, hindi ako sanay na kulang kami sa grupo. Lagi kaming lima, hindi apat at hindi ring tatlo. Lagi kaming lima ang magkasama noon.

Bumalik kami sa townhouse at matamlay na humiga sa malaking couch.

“Ang boring.” Sabi ko.

“Yeah.” Kahit si Alie na super bibo ay tinatamad na rin.

Tumayo si Cess at nakarehistro ang masayang ekspresyon sa mukha nito.

“Bakit hindi tayo sumama kela Alexis?” suhestyon nito.

Mabilis kong dinampot ang throw pillow at hinagis iyon kay Cess.

“Damn you!”

Tumayo rin si Alie at mukang sang-ayon sa suhestyon ni Cess.

“Please!” pagmamakaawa kuno ni Alie.

Umirap ako at nag-isip. Hindi pwede. Ayokong nasa paligid ko si Eros. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng kaluluwa kapag nakikita ko sya. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga kapag nagdidikit ang aming balat. Pakiramdam ko, sa tuwing tititigan nya ako ay malulusaw ako sa kinatatayuan ko.

------

“Ang tagal!” mariin kong bulong. Naiinip na ko kakahintay sa grupo nila. Bwiset kayo, Alie at Cess!

 

Hindi ko maintindihan kung paano nila ko napa-oo na sumama sa grupo ni Eros. Basta ang alam ko, nanaginip ako nang tanungin ako nila Cess kung pwede kaming sumama kela Eros. Hindi ko na matandaan kung ano ang sinagot. Ang alam ko lang ay kinaladkad ako nila Cess palabas ng townhouse para sumama kela Eros.

“Andyan na sila!” sigaw ni Alie. Kumaway-kaway pa sila Cess para makita kami. Patakbong lumapit samin sila Alexis maliban kay Eros na naglakad lang palapit samin.

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon