Chapter 15: Letting you go

136 6 0
                                    

Chapter 15

Anthea’s POV

 

She’s yours for now..

 

Boses iyon ni Jadd. Nagising ako dahil sa boses nila Eros at Jadd. Alam kong sila ang nag-uusap pero hindi ko alam kung ano pa ang mga napag-usapan nila.

She’s yours for now..

 

Hindi ko alam pero dapat ay maging malungkot ako dahil tanggap nya na pero may parte pa rin ng puso ko ang nalulungkot dahil aalis na siya at babalik na sa trabaho nya.

“Nagising ka ba namin?” tanong ni Eros. Kinusot ang aking mga mata.

Tumikhim ako, “Di naman masyado.” Nang makabawi ay dumilat ako. Wala na pala si Jadd. Inabot sakin ni Eros ang mga damit ko.

“Labas lang ako. Pagkatapos mo magbihis ay paki-gising sila Alie at Alexis. May malapit na restaurant dito na pwedeng kainan.” Sabi nito at tuluyan ng lumabas. Tinakpan ko ang aking katawan sa pamamagitan ng malaking twalya. Nagpunta ako sa isang maliit na kwarto kung saan nandoon ang bihisan.

Pagkatapos magbihis ay ginising ko sila Alexis at hinintay  makapagbihis para sabay sabay na kaming lalabas. Nadatnan naming nag-uusap sila Eros at Jadd. Mukang okay na sila pero ewan ko lang kung okay ba kami ni Jadd.

“Lets go.” Nakangiting yaya ni Eros sakin sabay hapit sa aking bewang. Lihim akong napangiti. Mukang kelangan ko ulit sanayin ang sarili ko sa mga ginagawa sakin ngayon ni Eros.

Naalala ko noong college students palang kami ni Eros. Madalas ay hinahapit nya ang aking bewang. Tinanong ko sya kung bakit nya laging ginagawa iyon. Hindi naman sa naiilang ako o naiinis pero kinikilig kasi ako sa tuwing gagawin nya yun. Ang tanging sagot nya lang ay, “Because I want to show to everyone that you are mine.. all mine, Anthea.”

Pero ngayon, iba na. Mas kinikilig na ko ngayon. Hindi ko muna inisip yung mga bagay na alam kong magpapabago sa estado ng relasyon namin ni Eros. Basta ang siguradong alam ko ay mahal nya pa rin ako at ganoon rin ako.

“Ano gusto mong kainin?” tanong nya.

“Kung ano gusto mo. Haha” sabi ko.

Natawa si Eros, “Come one, babe. You need to choose.”

Ngumiti ako, “I choose you.” Banat ko na kinapula ng mga pisngi ni Eros. Pumikit pa ito at sinubsob ang mukha sa aking leeg. Parang bolta boltaheng kuryente ang nagpanginig sa aking katawan sa ginawa nya. Hinawakan ko ang muka nya at ang init ng mga pisngi nya. Ramdam ko pa rin ang pagkakilig nya sa mga sinabi ko.

“Hey you, two! Stop that! You are in public place!” saway ni Anne samin. Umayos kami ng umupo ni Eros at palihim na tumawa. Masaya kaming kumain ni Eros. Wala si Jadd dahil nasa kabilang lamesa kasama sila Sam. Para ngang double date ito kung tutuusin dahil kasama namin sina Anne at Jonas.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami sa resthouse. Nasa sala kaming lahat ng madatnan namin si Jadd na bumababa, dala ang kanyang maleta. Nang makarating sya sa sala ay nginitian nya lang kami pero ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatingin sakin.

Napalunok ako.

“Kelangan nyong mag-usap.” Bulong ni Eros. Nilingon ko ito at nakangiting tumango sakin. Hindi na ko nagsalita pa at naunang lumabas. Ramdam ko ang pagsunod ni Jadd sakin. Sa may swimming pool kami dinala ng aming mga paa.

Umupo kami sa gilid ng swimming pool. Dala pa rin ni Jadd ang kanyang maleta.

“Sorry.” Nagkatinginan kaming pareho dahil halos saba pa namin sinambit ang salitang ‘yon.

“Sorry.” Ulit ko. Nag-iwas ito ng tingin pero nakangiti pa rin sa kawalan.

“I’m sorry too.”

“F-for what?”

“For letting you go so easy.”

Nagulat ako sa sinagot nya at ako naman ngayon ang nag-iwas tingin. Minsan katangahan na rin kung bakit nagtanong pa ko samantalang obvious naman ang sagot.

“But..” putol nya. Dumiretso ako ng upo at lumunok ng isang galong laway.

Brace yourself!

 

“Letting you go doesn’t mean I’m giving up on you. Letting you go doesn’t mean I don’t care about you anymore. I’m letting you go because ..” putol nya muli. Kinuha nya ang aking muka at hinarap iyon sakanya.

Ngumiti ito. Ngiti na para bang hindi pa sya tapos magmahal. Ngiti na parang hindi sya susuko sa kahit na anong laban. Ngiti na kahit na sino ay mahuhumaling.

“I know that one day... you will pick me instead of him.” Napatulala ako sa mga binitawan nyang salita. Nilapit nya ang muka nya sakin at nagulat ako sa mainit na labi na dumampi sakin. Smack lang iyon pero para bang nanatili pa rin ang kanyang labi sa aking labi.

Madali itong tumayo at kinuha ang maleta at naglakad. Sinundan ko lang sya ng tingin. Huminto pa ito at muli ay hinarap ako.

“I’m going to protect you no matter what happen.” Yun lang at umalis na ito.

Naiwan ako sa gilid ng swimming pool na hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi ko alam kung iku-kwento ko ba kela Cess ito o kay Eros. Natatakot ako.

Pumikit ako ng mariin at nag-isip.

Padalos dalos ba ko sa naging desisyon ko or tama lang na inamin ko kay Eros ang nararamdaman ko? 

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon