Chapter 16: Bakit, kelan, paano at Saan?

177 5 1
                                    

A/n: Another special chapter. :)) ciao! Vote and comment na rin po. Salamat!

-----

Chapter 16

Eros’s POV

 

Hindi ko binalak na alamin kung ano man ang napag-usapan nila Jadd at Anthea. Basta kuntento ako sa kung ano man kami ngayon ni Anthea. Aaminin ko na noong una ay gusto kong gantihan si Anthea dahil akala ko ay ginagamit nya si Jadd para lang makaganti sakin pero hindi. Ramdam ko na kahit anong gawin ni Jadd ay ako pa rin ang mahal ni Anthea.

I made my moves. Ayokong mapunta si Anthea sa kahit sino pa man, kahit kay Jadd pa na matalik kong kaibigan. Pero mukang seryoso si Jadd kay Anthea kaya kahit hindi pa napapanahon ang pag-amin ko kay Anthea ay pina-aga ko na para lang maangkin sya. Ayoko man gawin to kay Jadd but he have left me no choice.

Ngayon na bumalik si Jadd sa kanyang trabaho ay masosolo ka muli si Anthea.

Gumuhit ang ngiti ko ng mapansing nagigising na si Anthea sa munting pag-ulan ko ng mga halik sa kanyang noo.

“Hmmm..” tinulak nya pa ko para lang makatulog muli pero hindi ako nagpatinag. Inuga-uga ko ang kama at sapo nya ang kanyang ulo.

“Go away!”

Go away pala ha.

 

Binuhat ko sya na para bang isang sakong bigas ang timbang nya. Napatili sya at pinagpapapalo ang aking likod.

“Aray ko!” sigaw ko.

“Put me down, Eros!” utos nya pero hindi ako nakinig. Lumabas ako ng kanyang kwarto. Naagaw namin ang atensyon nila Jonas. Tatawa-tawa sila habang pababa kami ni Anthea.

Binaba ko lang sya sa upuan at tinulak ang upuan sa may lamesa. Umupo ako sa tabi nito at pinagsandok sya ng kanin.

“Pwede ka ng mag-asawa, Anthea. Hahaha” biro ni Alie sakanya. Pinandilitan lang ni Anthea si Alie at nilingon ako.

“YOU! Don’t do that again! Hindi ako magaan!” bulyaw nya. Tumawa lang ako at nilapit ang aking muka sa kanyang leeg. She shivered.

“Alis muna tayo. Baka madamay tayo sa pagdagsa ng mga langgam rito.” Rinig kong sabi ni Jonas. Narinig ko ang maingat na tunog ng upuan. Senyales na umalis na nga sila.

“E-eros, nasa harap tayo ng pagkain.” Sabi nya. Hindi ko tumigil. Hinalikan ko sya sa leeg at naramdaman ko na naman ang pagnginig ng kanyang buong katawan.

Tumawa ako at nilayo ang aking sarili sakanya. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkuha ng mga pagkain at nilagay iyon sa plato nya.

“Ahmmm.. kamusta na nga pala family mo?” napatingin ako bigla sakanya at saglit na tinigil ang pagsalin ng tubig sa kanyang baso.

“They are fine.” Maikli kong sagot.

“And what about Euris?”

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon