Chapter 3
Eros' POV
"Kamusta ka na, pare? Buti nakalabas ka pa ng buhay sa kompanya nyo." Kantyaw sakin ni Jonas. Tumawa ako ng malakas. Nandito kami sa restaurant nila Jonas at Anne. Mag-asawa na sila na noon ay parang aso't pusa kung mag-away. Kasama ko rin ang buong tropa ko noong college. Nagkareunion kami dahil nalaman nilang nakabalik na ko sa Maynila.
Ang tagal ko rin namalagi sa LMC sa Cavite. Oo, doon ako tumira sa LMC. May sarili akong kwarto roon sa pinakadulong palapag ng building namin. Mas gusto ko yun. Mas gusto kong sinasagad ang sarili ko sa trabaho para maiwasan ko ang pag-iisip ng kung anu-ano.
Umupo ako sa tabi ni Samantha. She was my girlfriend when we were studying in States. Kagaya ko ay napasubo rin sya sa pressure ng pamilya. Doon siguro kami nagkakasundo. Pero hindi kami nagtagal. Alam nito ang dahilan.
"You know what. Why don't we try to have a vacation? Out-of-town or out-of-the-country." Suhestyon ni Sam. Sumang-ayon sila Jonas, Alexis, Jadd at Anne.
"And you?" tanong ni Anne.
Tumikhim ako, "Pag-iisipan ko muna." Laglag ang mga balikat nilang lahat. Sa bandang huli ay napapayag rin nila ako sa di malamang dahilan. Iniisip ko tuloy na baka ginayuma ako ng mga 'to kaya napapayag ako.
Out-of-town lang daw muna. Pagka-uwi ko sa bahay galing sa restaurant nila Jonas, agad kong sinabi na magbabakasyon ako kasama sila. Gustong sumama ni Euris pero hindi pwede. Siya ang katuwang ni Daddy sa LMC dahil business management ang natapos nga at malaking tulong siya sa kompanya. Mukang wala na rin akong poproblemahin pa dahil nasa mabuting kamay ang LMC habang wala ako.
Sa Baguio naisipan nila Jonas magbakasyon. Palibhasa ay taga-Baguio ang asawa nitong si Anne. Marami rin naman daw kasing stress reliever at activities na pwedeng gawin sa Baguio.
Biniro pa nga nila ko na baka sa Baguio ko mahanap ang kukumpleto sa buhay ko. Sounds corny pero may punto rin. Si Samantha ang huling naging nobya ko pero si Anthea ang una ko.
"Good morning, Mam! Good morning, Sir!" bati ng katulong nila Anne. Kela Anne kami makikituloy habang nagbabakasyon kaming magkakaibigan. Dating bahay nila Anne ito pero ngayon ay ginawa na lamang bahay-bakasyunan dahil lumipat na sila sa Maynila.
Pagpasok namin, pagod ang una kong naramdaman. Hindi biro ang biyahe dahil na rin sa paliko-likong daan makarating lang sa Baguio.
"Matutulog ka na agad?" tanong ni Alexis.
Tumango ako. "Bukas na lang siguro ko maglilibot."
Tumawa lamang ito at nagpaalam samin na lalabas muna at mambababae raw. Hindi pa rin sya nagbabago.
Sakto namang may apat na kwarto sa second floor. Pinili ko ang kwarto sa may dulong bahagi, sa may kanan. Tanaw kasi roon ang kabuuan ng Baguio. Hindi pa ko mangangailangan ng ventilation dahil pumapasok sa kwarto ko ang sariwang hangin.
May malaking cabinet, study table, dalawang lampshade, comfortable bed at tatlong unan. I don't know but I'm starting to like this kind of house. It is vintage.
Humiga ako at sinimulan kong magpahinga. Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.
-----
Anthea's POV
Naisipan naming pumunta sa isang resort at doon simulan ang tunay na bakasyon. Hindi sanay ang sistema ko sa ganitong sitwasyon. No paperworks and no pressure from my clients.
Nagsimulang mag-slide sila Alie. Parang bata ang loka. Hindi pa rin nagbabago. Talaga namang isinantabi ang maturity nila. I'm so happy that they are enjoying their life to the fullest. Unlike me, masasabihan nyo pa kong 'boring' or 'killjoy'.
"Hey, Anthea! Wag kang tumunganga dyan! Let's enjoy our liveeeeeeess!" sigaw ni Cess habang sinasabuyan ng tubig sila Lei. I rolled my eyes.
Taragis din tong mga kaibigan kong 'to. Hindi man lang makaramdam ng gutom.
"Hoy! I'm going inside just to check some foods. Is it okay?" sigaw ko.
"YEAAAAAAAAAAH!" sigaw nila.
Natawa na lamang ako. Hala, sige. Mag-enjoy lang kayo. Basta ako hahanap ako ng paraan para magka-sideline dito sa Baguio. Hindi pwedeng magbakasyon ako. Ayoko. Di pwede.
Lumabas ako ng resort. Napansin kong may cafeteria malapit dito. Pumasok ako roon. Lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin sakin. Tinaasan ko sila ng kilay. May mali ba suot ko?
Hindi ko na lamang sila pinansin. Nakakita ako ng donuts, slices of different cakes at iba't ibang klase ng tinapay. Bumili ako para sa sarili ko lang. Magdadamot ako ngayon dahil ang sarap nilang lantakan.
Habang nakapila ako, napansin ko ang isang lalaki sa harapan ko na parang hindi naman umoorder. Para siyang umaakyat ng ligaw sa kahera.
"Miss, sige naman na oh! Sabi nila, malalambing daw ang mga babae dito sa Baguio."
Nanlaki ang mga mata ko. Liningon ko ang mga tao sa likuran ko. Hindi nila naririnig ang sinasabi ng loko.
"Miss, please.. I'm so desperate. May I have your number please?"
Tumawa ng pagak ang kahera, "Sorry, Sir. Pero hindi kami nagtatrabaho dito para lang lumandi."
So happy for this girl. She just dumped this man.
Tatawa-tawang umalis ang lalaki. Nang makasalubong ko ito, nanlaki ang mga mata niya. Ewan ko ba kung mukang g*go itong lalaki to pero sure ako medyo g*go nga sya. Maglakad ba naman palabas habang naka-uwang ang labi at nanlalaki ang mga mata sakin.
Nagsalubong ang kilay ko at inirapan sya. Pero di ako nakatiis, liningon ko ulit ang lalaki pero tuluyan na itong nakalabas. Pamilyar sakin yung lalaki pero di ko sya maalala. Di ko sya marecognize ng utak ko.
Bumalik ako sa resort dala-dala ang dalawang supot ng pagkain. Kinuwento ko rin ang nangyari sa cafeteria kanina. Tawa ng tawa silang lahat.
Siraulo kasi itong si Cess. Dinemo nya talaga yung itsura nung lalaki based on my description to him when that man was about to leave.
Tawa kami ng tawa. Pero nacucurious ako kung bakit ganun na lamang ang reaksyon nya ng makita ako.
-----
Eros' POV
Ginising ako ni Samantha para kumain ng hapunan. Bumaba ako at lahat sila ay seryosong nakatingin sakin na para bang may ginawa akong masama. Lumapit kami sa mesa at tahimik na kumain. Hindi ako sanay.
"What's the problem?" tanong ko habang kumukuha ng ulam.
Tinignan ko sila. Nagtitinginan lang din sila sa isa't isa. Bumuntong hininga ako.
"What?"
Tumikhim si Alexis. Napalingon ako sakanya.
"I saw her."
Kumunot ang noo ko, "Who's her?"
"Your very first girlfriend."
Your very first girlfriend...
Dinaga ng matindi ang puso ko. Nanginig ang katawan ko sa hindi maintindihang kaba. Yumuko ako at hindi malaman ang isasagot sakanila.
"Are you okay?" untag sakin ni Sam.
Tumango ako at pilit na ngumiti sakanila. Trying to hide my feelings is really hard especially when it comes in pretending that she isn't here.
Handa na ba akong makita sya? Maliit lang ang mundo. Possibleng magkita kami.
BINABASA MO ANG
Still In Love
RomanceSiyam na taon ang nakalipas mula ng maghiwalay ang landas nina Eros Lavalle at Anthea Hudencial. Iisa ang kanilang pangarap noon ngunit tuluyan iyong nabago dahil tutol ang ama ni Eros sa pagdodoctor. Kaya ngayong nagkita ulit sina Eros at Anthea n...