Chapter 19: She' my everything now.

157 3 0
                                    

A/n: Don't mind my errors. <3

-----

Chapter 19

Eros’ POV

 

Hinatid ko si Anthea sa kanyang kwarto. Hindi na ito umangal pa. Bukas na bukas rin ay babalik na kami ng Baguio. Hindi na nya kelangan tanungin kung bakit. Alam kong alam nya ang sagot. Madali akong nakapagdesisyon. Bumaba ako sa may sala.

“Daddy..” tawag ko sa ama ko. Nakayuko ito. Katabi nito si mommy sa mahabang sofa at nasa isang tabi naman si Euris.

Naikuyom ko ang aking kamay, “H-how could you..” napailing ako. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa ginawa nya. Ilang taon ang lumipas. Ang daming kong tanong kay Anthea and all of a sudden, masasagot dahil sa mga narinig ko sa pag-uusap nila sa loob ng study room.

Tumayo ito, ni hindi man lang makatingin sakin ng diretso. “S-son, I did that only bec...

“Because of what?!” sigaw ko. Ramdam ko ang pangangamba ng aking ina. Ni minsan ay hindi ako nagtaas ng boses sa aking mga magulang. Ito palang ang una.

“Because I want you to be like me. I want you to continue my legacy!” ganting sigaw nito. Nanlalaki rin ang mga mata nito sa galit.

“Yeah. And congratulations, my dear father. Nagtumpay ka. Happy now?” sarkastong sagot ko sa aking ama.

“Is that how you treat me after what I’ve done in this family?!” sumbat nya.

“Yes! Kung kelangan tratuhin kita na parang hindi kita ama ay gagawin ko! Maintindihan mo lang na mali ang ginawa mo!” halos pumiyok ako sa pagpipigil ng aking emosyon. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha. Tumayo si Euris at niyakap ang aking braso.

“Kuya tama na.” pakiusap nito. Umiiyak ito. Niyakap ko sya pabalik.

“Hindi, Euris. Mali na ‘to. Bakit hindi mo sabihin sama ng loob mo sakanya?” sabi ko.

Napatingin ito kay Daddy. Ganoon din ako.

“Euris, pati ba naman ikaw? May sama ka rin ng loob sa daddy?” hindi makapaniwalang sambit ni Daddy. Naramdam ko ang paghigpit ng mga kamay nya sa aking braso. Nanginginig ang mga kamay nito.

“I’m so sorry, Dad. Tama si Kuya. Kelangan maintindihan mo na may mga mali kang ginawa. I thought we have a big happy family but after what I’ve heard to your conversation with her, I realize that you....always keep saying what we must do and what we must not. You must also realize na hindi mo hawak ang buhay namin.”

Nasabunot ni Daddy ang kanyang buhok. Hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Euris. Alam kong nanggigigil ito sa galit at inis.

“Nang dahil sa babaeng iyan?! Masisir ang pamilya natin?! Bakit mas pinapanigan nyo sya kumpara sakin na sarili nyong ama?!” at tuluyan ng nagwala si Daddy. Napatayo si Mommy.

“Tama na yan, Enrique!” suway ni Mommy. Ito ang kauna-unahang nanigaw si Mommy. Kilala namin sya bilang isang kalmado at maunawaing ina. Pero ngayon ay dumating na sa punto na kelangan na nyang magsalita.

“What?! Don’t tell me you’re gonna tolerate their actions?!” sabay duro ni Daddy samin ni Euris. “Kaya lumalaking inutil at walang galang ang anak mo---

Natigil sa pagsasalita si Daddy. Nakatingin ito sa may likuran namin ni Euris. Nang lumingon ako ay si Anthea iyon. Nakatayo sa isang banda at dala ang kanyang mga gamit. Salubong ang aking mga kilay at nagtataka kung bakit sya bumaba mula sa kanyang kwarto.

“I’m so sorry. This is all my fault. Hindi dapat ako nagpunta pa dito.” Magalang ngunit may poot sa tono ng pananalita nito. Napailing ako. Tinanggal ni Euris ang kanyang mga kamay sa aking braso upang malapitan si Anthea. Lalapitan ko na sana pero natigilan ako ng may sabihin si Daddy.

“Get out of here!!” sigaw ni Daddy.

“No!! Hindi sya aalis dito! She’s now part of our family!”  ganting sigaw ko.

“I can’t believe you! Madaming babae dyan! Bakit siya pa?! Nandyan si Samantha and yet mas pipiliin mo sya kesa sakanya?! Are you crazy?!”

“Tama na sabi, Enrique! Wag pati ang mga bata idamay mo! Stop controll---

Hindi na naipagpatuloy pa ni Mommy ang kanyang sasabihin. Mahigpit nitong hawak ang kanyang naninikip na dibdib. Mabilis namin syang dinaluhan. Mabuti na lamang at madali syang nasalo ni Euris bago pa ito bumagsak. Habol nito ang hininga at namumutla pa. Hawak ko ang kamay ni Mommy at nanlalamig ito.

“Kuya, si Mommy!!” sigaw ni Euris. Nagpapanic ito. Kahit ako ay hindi malaman ang gagawin. Nang may biglang pumisil sa aking balikat. Nilingon ko sino iyon. Anthea...

 

“Go call an ambulance! Kami na ni Euris ang bahala rito.” Utos ni Anthea. Sinunod ko si Anthea. Tumayo ako at pinaubaya sakanila si Mommy. Nadatnan ko si Daddy na nakatayo lamang at gulat na gulat sa pangyayari.

Naglakad ako papunta sakanya, “Are you happy now?” yun lang at hindi ko na hinintay pa na sagutin nito ‘yon.

-----

Kanina pa kami dito sa hospital. Naghihintay na lumabas ang doctor. Ni isa samin ay walang balak magsalita tungkol sa nangyari. Sa ganitong pangyayari, minabuti naming itukom muna ang aming mga bibig at walang sisihan na mangyari.

Napatayo kaming lahat ng lumabas ang doctor mula sa emergency room.

“How’s my mother?” ako ang unang nagtanong.

Ngumiti ang doctor, “She’s stable now. You don’t need to worry. She’s a tough woman.” Nakahinga ako ng maluwag. Nasa may tabi ko sila Euris at Anthea. Niyakap nila ko at ganoon din ako. Nilingon ko si Daddy na nakaupo at nakayuko pa rin. Gusto ko syang sisihin sa mga nangyari. Gusto ko syang suntukin pero ama ko sya. Napabuntong hininga ako.

Nailipat na sa ibang kwarto si mommy. Binabantayan ko sya habang natutulog. Sila Anthea at Euris ay tulog sa iisang cough. Si Daddy na nasa kabilang gilid ni mommy at matamang tinititigan.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa paraan ng pagtitig ni daddy kay mommy. Somehow, I want to blame myself because of what happened. But what I only did is to love a woman who I might marry someday. Is it wrong to love her? Sa tingin ko ay walang rason para hindi sya mahalin. She’s my happiness. She’s my future and she will be the mother of my children.

Yes, she’s my everything now. 

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon