Chapter 7: Malas

179 10 0
                                    

Chapter 7

Anthea’s POV

 

Buong buhay ko, ngayon na lang siguro ako ulit na-excite dahil sa Burnham Park dito sa Baguio. Halos patakbo akong lumapit sa Burnham lake at pinagmasdan ang mga tao sa pagmamangka. Nilingon ko sila Cess. As usual, kasama pa rin naman sila Eros.

“Boating tayo!” suhestyon ko. Lumapit sakin sila Cess, Alie, Anne at Sam. Kahit sila ay na-amused sa ganda ng Burnham lake.

Nagrenta kami ng dalawang boat. Sama-sama kaming mga babae sa isang bangka at sila Jadd naman sa kabila. Noong una ay hirap pa kami dahil hindi man lang gumagalaw ang bangka namin pero kalaunan ay dinaan namin sa diskarte. Tawa kami ng tawa nila Sam. Nagtititili pa kami dahil ang layo na nila Jadd samantalang kami ay usad-pagong lang.

Pagkatapos namin sa Burnham lake ay nag-biking kami.Tig-iisa kami ng bike. Malas lang dahil hindi ako marunong magbalanse ng bike. Napapadyak ako ng hindi man lang ako hinintay nila Cess at Alie. Buti na lang nasa tabi ko si Jadd na tinuruan muna ko kung pano magbike.

“Wag mong iisipin na matutumba ka. Laging mong tandaan na sa bawat pagtumba mo, may sasalo sayo.” Makahulugang sabi nito. Natawa ako sa sinabi ni Jadd.

Sasagot pa sana ako pero bigla namang sumingit si Eros.

“Bilisan nyo nga!” sigaw nito. Napanguso ako. Ano na naman ba problema nya?

Sinubukan kong magbike. Noong una ay nagagawa kong magbalanse pero dahil may humps, gumewang-gewang ako at natumba ako. Nagkasugat pa ang tuhod ko. Naka-short lang kasi ako at t-shirt na puti. Nakita kong bumaba ng bike si Eros at Jadd. Patakbo silang lumapit sakin.

Grabe! Ang haba ng hair ko!

 

Na unang lumapit si Jadd. Mabilis ako nitong binuhat na para bang bagong kasal.

“B-baba mo na ko, Jadd.” Sabi ko.

Pero nagtengang kawali ito. Naglakad siya papunta sa ilalim ng puno at doon ako binaba. Lumapit na rin sakin sila Eros kasama sila Cess. Kita ko ang pag-aalala ng mga kaibigan ko pero iba ang kay Eros. Salubong ang mga kilay nito.

“Sa susunod kasi mag-iingat ka.” Sabi pa nito.

Hindi na lamang ako sumagot pero tinignan siya ng masama ni Jadd.

“Nasaktan na nga yung tao, ginanyan mo pa. Where’s your manners, dude?” sabi ni Jadd.

“Tumigil kayong dalawa. Hindi nakakatulong. Ang mabuti pa ay pumunta kayo doon sa may first aid station at kumuha kayo ng panglinis ng sugat ng sa ganun ay hindi magka-impeksyon itong sugat ni Anthea.” Utos ni Anne.

Agad naman sumunod si Jadd pero hindi si Eros. Umupo ako ng maayos para makita ang sugat ko. Nagdudugo ito at patay ako kay Mama kapag nakita nyang napingasan ang maganda kong tuhod.

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon