Chapter 12: Stay away from him

167 5 2
                                    

Chapter 12

Anthea’s POV

 

Tuwang tuwa ang mga bata sa hinandang pagkain nila Alie. Halatang nabuhayan ulit sila ng lakas. Naubos pa ang mga pagkain at muntikan pang magkulang.

“Ngayon ko lang nakitang ganyan kalakas kumain ang mga bata.” Saad ni Julia.

Tumingin ako sakanya at halata ang saya sa mga mata nito. Naghuhugas kami ng mga pinggan ng may grupo ng kabataan ang lumapit samin.

“Kami na po dyan, Ate Julia.” Sabi ng isa.

Umiling si Julia at ngumiti, “Wag na. Sumali kayo sa mga palaro roon sa field. Madami kayong matututunan sa kanila.” Mahinahong utos ni Julia.

Ngumiti ang mga ito at sabay sabay na umalis.

“Akala ko po puro bata lang ang naririto.”

Ngumiti ito ng mapait at dahan dahang umiling, “Ang iba sa mga kabataan na nandirito ay binubugbog ng magulang o di naman kaya ay nasangkot na sa pinagbabawal na droga.”

Natahimik ako saglit at bumuntong hininga.

“Sumama ka na sakanila. Iwan nyo na muna sakin ang gawaing ito. Gusto ko pag-alis nyo ay maraming matutunan ang mga bata sa inyo. Oportunidad ito para sa kanila na matutuo mula sa inyo.”

Napangiti muli ako at namangha kay Julia. Mukang susunod ito sa mga yakap nila Sister Jade at Mother Therese. Naglakad ako palabas ng kusina. May mga iba pang madre ang pumasok sa kusina. Binati ko sila at ganoon din naman sila sakin.

Nang marating ko ang field. Nagtatakbuhan na ang mga bata. Lumapit ako kela Jonas.

“Ano na ganap dito?”

“Relay game. May tatlong grupo. Sila Jadd, Alexis at Eros ang mga leader. Tig-iisang bata sila. Oo nga pala, si Althea na kay Eros.”

Agad kong nilingon ang grupo nila Eros. Karga nito si Althea. Lihim akong napangiti. Bagay sila Eros at Althea. Parang sila yung mga bida sa Dream Dad.

Patakbong lumapit sakin sila Alie.

“Hindi ka ba sasali?” tanong ni Cess.

“Ayoko. Mahina ako sa takbuhan.” Palusot ko.

“Asuuus! Eh mas nangunguna ka sa pagdya-jogging tapos mahina ka sa takbuhan? Sinungaling. Hahaha.” Saad ni Alie.

Natawa ako. “Eh kumpleto naman na yata kayo eh.” Sabi ko.

Umiling si Alie. “Kulang ng isa. Ako na nasa grupo ni Alexis. Si Cess kay Jadd. Ang grupo ni Eros ang kulang.”

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon