Chapter 13: No more chances left to give.

173 6 0
                                    

A/n: Just don't mind my errors. Thanks. :)

------

Chapter 13

Anthea’s POV

 

Because I’m still in love with you..

 

 

Still in love with you...

 

In love with you.

 

 

You.

 

Paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang bawat salitang iyon. Ni hindi ko na nga ma-control ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas at bilis. Napalunok ako. Maggagabi na at ilang oras na rin kaming nandito sa field.

Unting unting lumapit sakin si Eros. Bawat hakbang niya ay bilang ko. Bawat tingin niya sakin ay para bang malulusaw ako. Isang hakbang na lang sana pero tumigil siya. Napakurap ako.

Hinawakan niya ang aking kamay. Tinaas niya iyon at pinakita sakin kung paano niya pinagsiklop ang aming mga palad. Nahigit ko ang aking hininga. Pumikit ako upang tawagin ang mga santo pero mukang tulog yata sila at hindi ako matutulungan.

“Anthea..” tawag nito sakin. Napadilat ako. Only to find out that he already reached me. Isang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t isa. Kung hindi ako lalayo ay panigurado akong mahahalikan niya na ko. Aminin ko man o hindi pero gusto ko ang mga labi niya. Pero natatakot ako. Gaya ng sinabi ko, ayoko ng ganitong pakiramdam. Masasaktan lang ako.

“Please, don’t overthink.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Para ba siyang si Edward Cullen na marunong magbasa ng isipan. Kung alam lang siguro ni Eros na madaming pumapasok sa utak ko pero wala akong lakas para sabihin iyon sakanya.

“I said I’m still in love with you.”

Napapikit ako muli. Ang sarap sarap pakinggan ang mga katagang iyon. Para bang isang panaginip.

“Anthea..” tawag nya sakin at hinigpitan ang pagkakasiklop ng aming mga kamay.

“E-eros.” Sa wakas ay nasambit ko na rin ang pangalan niya kahit pautal pa iyon.

Nilapit niya ang kanyang mukha sakin. Humigpit ang hawak ng kamay ko sakanya.

“Tell me, Anthea that you too are still in love with me.”

Napaawang ang labi ko. Tinitigan ko siya pero pumikit lamang siya. At unti unti ay nagdikit ang aming mga labi. Ramdam ko ang paghigit ng hininga nya. Sa isang simpleng halik lamang ay naramdaman ko ang katotohanan sa mga sinabi niya. Yes, mahal niya pa rin talaga ako. Yes, ako pa rin ang laman ng puso nya. And yes, mahal ko pa rin siya. There’s no turning back.

Pumikit ako at hinalikan siya pabalik. Naramdaman ko ang paghawak ng isang kamay niya sa aking bewang at nilapit iyon sakanya. Hindi ko napansin na nakapatong na ang aking mga braso sa kanyang balikat.

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon