Chapter 2
Anthea's POV
"You're late." Sabi ko kay Alie na bestfriend ko since highschool.
"Traffic po kasi, Madam Anthea Hudencial." Saad nito. Bumuntong hininga ako. Nasa airport kami at ito ang sumundo sakin.
Nasa loob kami ng kotse nito. Nasa likod ang mga bagahe ko at kasalukuyang tinatahak ang daan papunta sa Baguio.
"Bakit naman kasi biglaan ang pag-uwi mo? Wala ka man lang pasabi. Nag-aalala tuloy sila Cess sa'yo."
"Nag-aalala? Bakit?" nakakapagtakang tanong ko.
Ngumiti ito ng nakakaloko, "Baka daw napikot ka na ng mga kano 'ron." Sabay tawa nito. Sabi na nga ba. Hindi pa rin talaga sila nagbabago.
"It's not funny."
Lalo itong natawa, "Ang seryoso mo naman. Bakit ka nga ba napa-uwi rito sa Pilipinas? You said that you're staying in Boston for good."
Napabuntong hininga muli ako, "Sabihin na nating pinatapon ako nila Mama rito."
"WHAT?! Seriously? Hahahaha. Kawawa ka naman."
"And I'm staying for 4 months."
Napataas ng kamay si Alie na kinatakot ko. Sh*t! She's driving for Pete's sake!
Hapon na nang makarating kami sa Baguio, maraming nagbago. Dumami ang mga foreigner sa paligid at mga tao na labas-pasok sa Baguio City. Nakakamiss rin ang amoy ng Baguio. Hindi kagaya sa Maynila na puro usok ang paligid dahil sa dami ng jeep at sasakyan.
Tumuloy kami sa townhouse ni Alie. Pagpasok namin sa loob ay agad akong nasorpresa.
"Welcome Home!" sigaw nila Belle, Cess at Lei. Ngumiti ako at nilapitan sila. Niyakap sila ng mahigpit. Sobrang namiss ko ang mga bruhang ito. Sila ang isa sa mga rason ko kung bakit hindi na rin masama na pinatapon ako nila Mama rito sa Pilipinas.
"Nag-abala pa kayo." Sabi ko.
"Hindi ka ba masaya na for the first time in forever, ngayon ka lang namin nasorpresa ng ganito. Hahaha." Sabi ni Lei.
Tumawa ako, "Ang epic nyo kasi mang-surprise minsan. Hahaha."
Nagkayayaan kaming kumain. Puro kwentuhan at kamustahan. Di pa rin pala sila nagbabago. They remained the same. Ako kaya? Ako pa rin ba si Anthea Hudencial? Nagbago na ba ko?
"Anthea, are you okay?" tanong sakin ni Belle.
Tumango ako, "Of course. Bakit naman hindi?"
Nagkatinginan silang lahat, "Napapansin kasi namin na kanina ka pa tahimik. Is it because of the topic?"
Kumunot ang noo ko, "What topic?"
Ngumiti si Cess, "Loooveeee..." with matching exaggerated face.
Natahimik ako. Ano na nga ba ang pagmamahal sakin? Sa pagkakatanda ko, matagal ng walang depinisyon ang salitang iyon mula ng... nevermind.
"Let's change the topic. Sabi ni Alie pinatapon ka daw ni Tita Annette dito."
"Yup. At binigyan ako ng forced vacation leave ng amo ko."
"WHAT?!" pare-pareho nilang tugon.
Sumandal ako sa upuan. "You heard me."
"Bakit daw?" tanong ni Belle.
"Super workaholic daw ako. Ayaw nila na pagpasok ko sa trabaho ay mukang zombie ang makikita nila."
Tumawa silang lahat, "Muka ka ngang zombie. You stressed yourself too much." Giit ni Alie.
Inirapan ko sila. Lalo lang sila tumawa. Mga baliw talaga.
"So ano plano mo ngayon?" tanong ni Cess.
Kumuha ako ng chips at kinain yun.
"Di ko pa alam."
Lumapit sakin si Belle, yung tipong mahahalikan na nya ko sa sobrang lapit. Umatras ako dahil sa pagiging weirdo nya. That's Belle.
"Bakasyon tayo dito?" sabay ngiti sakin. Napa-isip ako. Ayokong magbakasyon. Hindi sanay ang sistema ko sa mga pahinga at bakasyon. Sinanay ko ang sarili ko sa maraming trabaho.
Lumapit din sila Lei, Alie at Cess. Sang-ayon ang mga ito.
"Pag-iisipan ko pa."
Bagsak ang mga balikat nila.
Bumuntong hininga ako, "Okay fine!"
"YEEEEEEEESS!" sabay-sabay nilang sigaw.
Gabi na. Napag-isipan kong lumabas muna at magpahangin. Lumabas ako. Nakakita ako ng duyan sa malapit sa may garden. May throw pillows iyon. Humiga ako at yakap ng isang kamay ko ang unan. Ang isa naman ay nilagay ko sa likod ng ulo ko.
Tumingala ako sa langit. Kakaunti lang ang mga stars. Natatakpan siguro ng mga ulap. Napabuntong hininga ako. I hate this feeling. This feeling that I kept for so many years.
Pagkatapos kong grumaduate ng college sa Maynila, kinuha ako ng ninang ko na nakatira sa Boston. Doon ko pinagpatuloy ang pangarap ko maging Doctor of Pharmacy or Pharm.D. Dumaan ako sa butas ng karayom sa tindi ng hirap at sakripisyo ko.
Nang magkatrabaho ako ay kinuha ko sila Mama at ang dalawa kong kapatid na sina Kuya Anton at Kuya Alton. Humiwalay na rin ako sa ninang ko. Pero tumutulong pa rin ako sa kanila dahil na rin sa utang na loob ko.
Doon na rin nakapag-asawa ang dalawa kong kapatid na lalaki. At dahil ako na lamang ang wala pang-asawa, ako ngayon ang ginigisa nila Mama na mag-asawa na rin. Napagiiwanan na raw ako sa biyahe.
Ayoko. Di pa ko handa magmahal ulit. Di ko pa kaya. Ayoko pa.
Hindi ko alam kung bakit. Maraming dahilan para magmahal ulit. Pero ni isa sa mga iyon ay hindi ko makita sa mga naka-date ko sa Boston. Siguro ay may hinahanap ako sa mga lalaki na sa iisang tao ko lang nakita...
Na kay Eros pa rin ba ang mga sagot ko sa mga tanong ko? Am I ... still in love.. with him?
BINABASA MO ANG
Still In Love
RomantizmSiyam na taon ang nakalipas mula ng maghiwalay ang landas nina Eros Lavalle at Anthea Hudencial. Iisa ang kanilang pangarap noon ngunit tuluyan iyong nabago dahil tutol ang ama ni Eros sa pagdodoctor. Kaya ngayong nagkita ulit sina Eros at Anthea n...