Chapter 24: Will you..

130 3 0
                                    

Chapter 24

Anthea’s POV

 

“Anong ginagawa mo dito?!” halos hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Sa uri ng pamumuhay na nakagisnan ni Eros, panigurado ako na hindi siya sanay sa mga gawaing pang-normal na tao.

“Naglalaba. Hahaha. Matagal-tagal na rin mula nung nakapaglaba ako ng ganito.” Pabiro nitong sagot. Hindi ako nagpakita ng katuwaan sa aking mukha ngunit labis labis ang kagalakan ng aking puso. Ang isang Eros Lavalle, maglalaba?

Lumapit ako rito. Nakaupo ito sa isang maliit na upuan at nakangiting naglalaba. Animo nag-eenjoy ito at hindi man lang nahihirapan sa posisyon nitong nakauklo at yuko. Tinignan ko sila Mama.

“Ma, bakit nyo po sakanya pinalalaba lahat ng damit? He is supposed to be our visitor, not a maid.” Hindi agad ito nakaimik. Ngunit nilipat nito ang tingin sa aking mga kapatid na lalaki. Sila ngayon ang hinarap ko dahil mukang sila ang nagpasimula ng lahat ng ito.

“Kuya. Is this your idea?” tanong ko kay Kuya Alton. Ngumiti lamang ito at nilipat ang tingin kay Kuya Anton.

“Basta! Hindi siya tatayo dyaan hanggat hidni nya tapos ang paglalaba.” Ma-awtoridad na sagot ni Kuya Anton. Naalarma agad ako. Sa dami ng lalabhan ni Eros, aabutin ito ng siyam-siyam. Nilingon ko si Eros at tagiktik na ang mga pawis nito sa buong katawan maski sa kanyang mukha.

Gusto ko sanang umalma at itigil na ang kalokohan na ito ngunit hinawakan ako ni Eros sa kamay. “I am okay. In fact, I’m enjoying this stuffs.”

“Oh! Okay naman pala sakanya e. Pagkatapos mo dyan, may paplantsahin ka pa.” utos naman ni Kuya Alton. Nilingon ko ang dalawa kong kuya at masama silang tinitigan. Pero ngingisi-ngisi ang mga ito. pagkatapos nun, umalis na sila Mama at Kuya. Naiwan kaming dalawa ni Eros sa likod ng bahay.

Kumuha ako ng maliit pang upuan at tumabi kay Eros. Nilapit ko ang isang batya, pinuno ng tubig at doon nagbanlaw.

“Wag mo na kong tulungan. Kaya ko to.” sabi ni Eros. Nakatuon ang atensyon nito sa paglalaba at nakangiti pa rin.

“Bakit? Bakit ka nagpunta dito? How did you know this place?” sunod-sunod kong tanong.

“Thanks to Euris and to her reliable source. And the reason why I came here, dahil gusto kita makasama.” Deretsahang sagot nito. Napakagat ako sa aking labi. Itanggi ko man pero kinilig ako sa mga sinabi nito.

“Don’t worry. My father knew about this. And honestly, gusto nya kong tulungan para lang makabawi sa lahat ng kasalanan nya sayo.”

“T-totoo ba yan?” hindi makapaniwalang tanong ko. Parang isang milagro na yata na maituturing na tutulong ang kanyang ama. Hindi kapani-paniwala.

Tumango ito at nilingon ako, “Kaya nandito ako para pakasalan ka. Pero mukang kailangan ko munang unahing makuha ang matamis na oo ng mga kapatid mo at ng mama mo para sa wakas ay mapakasalan na kita.” Nahilo ako sa mga pinagsasasabi nito. Umaapaw sa kasiyahan ang aking puso.

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon