Chapter 17: Forever

137 5 0
                                    

A/n: Belated Merry Christmas to everyone and Advance Happy New Year! :)

-----

Chapter 17

Anthea’s POV

 

Isang magandang may edad ng babae ang lumapit sakin at nginitian ako, “Finally! Nagkita muli tayo, hija.”

It’s Ero’s mom. Mrs. Rosario Lavalle. But I think she prefer calling her Rose than Rosario.

May halong pagaalinlangan akong ngumiti sakanya, “Magandang umaga---

Putol ang aking sasabihin nang tumabi si Mr. Enrique Lavalle, ang padre de pamilya, sa kanyang butihing asawa. Nakangiti lamang ito sakin gaya noong una kaming nagkakilala. Such a mysterious person. Napayuko ako. Subalit naramdaman ko ang mainit na kamay ni Eros sa aking mga kamay.

“Dad...mom..” tawag ni Eros sa kanyang mga magulang. Ito na ang hinihintay ko, ang sabihin ni Eros na kami na ulit. Tumingala ako kay Eros. Kakaiba ang ngiti nito. Batid kong may ideya ang kanyang mga magulang tungkol samin ngunit kelangan lang nila ay assurance na kami na nga ulit talaga.

“Kami na po ulit.” Halos mamiyok pa si Eros ng sabihin nito sa kanyang mga magulang ang relasyon namin. Hindi sila nagulat. Doon ako mas nangamba. Niyakap ako ng ina ni Eros.

“Call me Tita Rose once again.” Hinalikan pa ako nito sa pisngi at pinisil iyon. “My son is really lucky to have you.” Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya. Sana nga po.

 

Ang daddy ni Eros naman ay nakangiti pa rin. Hindi ko alam kung may mga bagay bang naglalaro sa isipan nya o ano. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang dapat.

“Let’s go to the kitchen. Masamang pinaghihintay ang pagkain.” Sabi ni Tita Rose.

“Don’t be too nervous.” Bulong ni Eros sa tenga ko at hinalikan iyon. Kinilabutan ako sa ginawa nya. Sinamaan ko sya ng tingin. Clingy si Eros kahit noon pa pero wag naman sana sa harapan ng mga magulang nya. Nakakahiya!

Pagdating namin sa dining room, saglit ako tumayo. Hindi ko alam kung saan ako uupo. Para bang hindi ko rin alam kung saan ako lulugar.

“Here, babe.” Umupo ako sa kinuha nyang upuan. Katapat ko si Euris na katabi si Tita Rose. Di pa rin ako hinayaan ni Eros na gisahin ng mga magulang nya dahil katabi ko pa rin sya.

“So, Ate Anthea, tell us about your work. And how’s living in Boston?” magiliw na tanong ni Euris.

Tumikhim ako bago sumagot, “Ahmmm.. I’m a Doctor of Pharmacy and I’m happy with my work. I did help many people in terms of their health. Now, I’m working in hospital somewhere in Boston.”

“Are you staying in Boston for good?” tanong naman ni Tita Rose.

Nagkibit balikat ako, “I don’t know yet.”

“But your family is living there for good?” singit ng ama ni Eros. Dumiretso ako ng upo at tumikhim.

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon