Epilogue

221 4 0
                                    

Epilogue


After one year..

 

Eros' POV

 

Nandito kami sa loob ng department store. Kasama syempre ang butihin kong asawa na si Anthea. Papunta kami sa mga stall ng mga damit at kung anu ano para sa bata. Yes, my wife is preggy pero hindi pa ganoon kahalata ang paglaki ng tyan nya. Sexy naman kasi ang asawa ko. Buti na lang at walang nagtatangkang mang-inaso sa buhay naming dalawa.


"Di, how about that?" turo nito sa isang blue na crib. Nilapitan ko iyon at mukang okay naman. Pero mas okay yung katabing crib nito.


"Ito na lang, mi. Unisex oh. Pwedeng pambabae, pwedeng panlalaki." Sshuestyon ko. Natahimik ito at nagtaas ng kilay. Natakot na ko. Sa tuwing gagawin nya yun, alam kong naiinis at naiirita na sya. Kinalma ko ang aking sarili at inintindi ang kalagayan nya.


Kung hindi ka lang talaga buntis, mi... nakuuuu! Pag kaming mga lalaki ang nagbuntis.... ( asaaaa!!! )

 

"Okay. We'll get this crib." Sabi ko. Bigla itong ngumiti.


Ang dami pa naming nabili na gamit ng pambata. Pagkatapos namin bumili ay dumiretso kami sa bahay namin sa isang exclusive subdivision. Naunang pumasok ng bahay si Anthea. At ako naman ay kinuha pa ang mga pinamili namin. Pagpasok ko ng bahay ay nagulat ako sa aking nakita.


Isang malaking banner na may nakasulat na Congratulations Future Parent!! Kahit si Anthea ay nagulat rin. Ang may hawak ng malaking banner ay sila Jadd. Nandoon din ang pamilya ni Anthea at pamilya ko. Pati rin ang mga bestfriend ni Anthea ay kasama. Lumapit samin si Euris na may hawak na cake at may dedication na kagaya ng nakasulat sa banner.


"Make a wish!" sabi pa nito. Natawa ako. Animo birthday lang pero nagwish pa rin kami ni Anthea and I knew that we had the same wish.


Lumapit kami sa mga ito. Lahat sila ay binati kami. Nagpasalamat naman kami sakanila dahil sa effort na binigay nila para lang batiin kami. Sabay sabay kami kumain at pagkatapos a nagparty-party. Syempre, bawal ang alak at good thing na wala ni isa samin ang naninigarilyo. 


Nasa may basketball court kami sa gilid lang ng bahay namin. Naglagay ako nun para naman may napaglilibangan ako kahit na minsan ay nasa bahay lang ako dahil na rin sa buhay may asawa. Alam kong madalang na lang ang mga lalaking gumagawa nun. Ang pagsilbihan ang kanilang mga misis. Magluto, maglaba, mamalantsa pero ang paglilinis ng bahay, si Anthea ang gumagawa nun. Kahit na minsan ay ayoko, pati ang paglilinis ng banyo ay ginagawa ko na rin.


"Hoy! Focus!!" sigaw ni Kuya Alton. Naagaw kasi sa akin ni Jadd ang bola. Nagkatawanan ng ma-i-shoot yun ni Jadd. Three points pa.


Lumapit sila sakin, "Mukang may pinoproblema ka ha." Wari ni Kuya Anton.


"Pinoproblema nya kung paano magpalit ng lampin ng bata. Hahaha." Pang-aasar ni Jonas sakin. Nagkatawanan ulit at wala na silang ginawa kundi asarin ako.

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon