Chapter 1: Reminiscing the past

978 19 4
                                    

A/n: As of now, pang-apat ko na po 'to. Just ignore my typos and wrong syntax. :) Comment and vote na rin po after you read! Salamat!

Chapter 1

Eros' POV

"Finally! Welcome home!" bati sakin ng bunso kong kapatid na si Euris. Nilapitan ko siya at hinagkan ng mahigpit. I miss my 'lil sis so much. I miss this big house. Masyado akong naging busy dahil na rin sa sunod-sunod na project ko sa Lavalle Mechanical Company na mismong pamilya namin ang nagpapatakbo.

"How are you? Lumalaki ka ah." Tukso ko rito. My sister is only 5'4 in height. Hindi katulad ko na 6'1. Kinurot nito ang tagilirin ko at ngumuso.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Kuya Eros. Mahilig ka pa rin mang-asar." Natawa naman ako. I miss this kind of conversation with her. It made me relieve my stress.

"Tara na nga sa loob at marami tayong pag-uusapan. Like your social life and most especially, your love life." Ngumiti pa ito ng nakakaloko. Napahawak ako sa noo ko. Give me a break, please!

Dumiretso kami sa kusina. Nadatnan kong nag-uusap ang mga magulang ko. Nang mapansin ang aming presensya ay ngumiti ang aking ina.

My mom surely missed me!

Tumayo ang aking ina at niyakap ako.

"Look at you! A very handsome guy and hmmm..you really look great!"

"Mom! Don't spoil him!" sabat ni Euris. Nagtawanan kami. Nang magtama ang mga mata namin ni Daddy, napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Napag-isipan mo na ba ng mabuti?" yun lang. Walang 'How are you son?' Walang 'You look good at your suit'.

Umupo kaming lahat at bago ako sumagot ay tumikhim muna ako.

"I-i don't know yet."

He sighs.

"Enrique, hindi ito ang oras para pag-usapan ang bagay na yan." Saway ni mommy.

He sighs again and then smiles, "Mas gwapo ka na sakin ngayon." Kinagulat ko iyon. Akala ko ay pagpipilitan pa rin nito ang gusto nito pero hindi.

Marami kaming pinag-usapan. Napapangiti na lamang ako sa tuwing naiisip ko na hindi pa rin pala sila nagbago kahit na maraming nangyari.

Flashback

Halos kulang na lang palayasin ako ni Daddy dahil sa nangyari. Dahil sa ginawa ko.

"Magshi-shift ka?! Alam mo bang ikaw na lamang ang pag-asa ko! Sino na ang magma-manage ng LMC?! Si Euris?!"

Napalunok ako. I hate this feeling. Yung feeling na nadidisappoint ang mga magulang dahil sa desisyon ng anak.

After ng panenermon sakin ni Daddy, umakyat agad ako sa kwarto ko. Nadatnan ko doon si Mommy. Nakaupo ito sa kama ko at hawak-hawak ang family picture namin. Tumabi ako sakanya at matamang tinitigan ang picture.

"Naiintindihan ko kung bakit gusto mo magshift sa course na gusto mo. Matagal ko ng alam na hindi mechanical engineering ang gusto mo. Dahil ang gusto mo ay maging doctor. You want to help people who are starving."

"Pero ayaw ni Daddy.."

"Think about it.Pag-isipan mo ng mabuti ang magiging desisyon mo."

Iniwan na ko ni Mommy. Dala nito ang picture frame. I picked up my phone, dialing her number.

"Hello?"

"Anthea.."

"What did your father say?" alam na agad nito. Alam na alam nya kung kelan ako may problema o wala. Of course, she's my girlfriend and bestfriend.

"He doesn't want me to be a doctor."

Hindi ito nagsalita. Anthea is taking a medical course which is Pharmacy. Sooner or later, magiging doctor na rin sya dahil yun din ang pangarap nya.

"Anong balak mo?"

"Hindi ko alam."

"Walang masama kung susundin mo ang Daddy mo. He just wants what the best for you."

Iyon ang huli naming pag-uusap sa phone. Dahil after 'non, lumipat ako ng ibang school. Pinush ko ang sarili ko sa course na ayaw ko, na hindi ko gusto. Naging masaya sila Daddy. Kitang kita ko iyon dahil si Daddy mismo ang mentor ko para di ako mahirap sa course ko.

Pinapunta ko si Anthea sa bahay at pinakilala siya kela Daddy. Gustong gusto ni Mommy si Anthea dahil napakabait at higit sa lahat ay maalaga ito. Ganoon din si Euris. Si Daddy naman ay nakangiti lamang sa tuwing nakikita nyang magkasama kami ni Anthea.

Hanggang sa may nangyari na di maganda. Gusto ni Daddy na pagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa States kasama si Euris. Gusto ko magwala noon. Hindi ko alam kung bakit niya naisipan yun.

I called Euris. Pero hindi ito sumasagot. Hindi rin ito nagrereply sa mga text ko. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa narealize kong umiiwas ito. I tried to convince her na sumama sakin sa States pero ayaw niya.

"You better go. Siguro hindi ito yung oras para sa'tin. Baka hindi ito ung tamang panahon para sa'ting dalawa."

Yan ang pinakamasakit na naranasan ko sa buong buhay ko. Isang linggo bago ako umalis papuntang States ay nagpunta ako sa isang bar. Hindi ko alam kung bakit ko naisipan pumunta doon. Lasing na lasing na ko. Kasama ko pa si Euris 'non. May lumapit na isang babae sakin at hinalikan ako. I kissed her back.

"Ate Anthea!" sigaw ni Euris. Nagulat ako. Umiiyak si Anthea. Hindi ko alam kung bakit. Tsaka ko narealize ang ginawa ko. Tumakbo ito paalis ng bar. Pero hindi ko na siya nahabol pa. Pinagsisisihan ko ang lahat ng nangyari.

Kahit si Mommy ay nagalit sakin ng isumbong ako ni Euris. Namanhid ang buong katawan ko sa lahat ng sinabi ni Mommy.

"Hindi dahil pinakawalan ka nya, ibig sabihin ay hindi ka nya mahal. Mali ka, Eros. Maling mali.." napatingin ako kay Mommy. She was mad.

"She let go of you because she loves you so much. Alam nya kung para saan ba't pupunta ka sa States."

After 'non, umalis na ko ng Pilipinas. Hindi na sumama si Euris dahil ayaw ni mommy na pati ang nag-iisang babaeng anak nila ay mawalay pa sakanila.

End of flashback.

"Malalim yata iniisip mo." It's my mom.

Nilingon ko siya. Ngumiti rito at muling tinuon ang atensyon ko sa swimming pool.

Tumabi ito sakin. May hawak itong dalawang baso ng wine. Ang isa ay inabot sa'kin. Ininom ko iyon. Masarap iyon.

"Iniisip mo pa rin ba siya?" Alam ko kung sino ang tinutukoy nito.

"Ilang taon na nga ulit, Mommy? Mula 'nong umalis ako rito at iwan ko kayo?"

"9 years."

Hindi na ito nagsalita pa. At kahit ako, walang mahagilap na salita para sabihin kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Basta ang alam ko, kahit na successful na ko sa field na gusto ni Daddy, hindi ako masaya. Dahil kalahati ng pagkatao ko ay nasa babaeng minahal ko.

Anthea Hudencial.... nasan ka na nga ba?

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon