Chapter 21: One Day

132 3 0
                                    

Chapter 21

Eros POV

 

Isang buwan na ang nakakalipas, ni anino ni Anthea hindi ko nakita. Isang buwang walang silbi ang buhay ko dahil sa biglaan nyang pag-alis. All I know is that, she left me without any explanation. She left me without saying goodbye.

Ito na naman ako. Inaalala lahat ng mga magagandang pangyayari samin ni Anthea. Tumayo ako mula sa aking higaan at lumabas sa kwarto. May lumapit na isang katulong samin.

“Sir Eros, may mga bisita po kayo.”

Tumango lamang ako. Umalis ang katulong. Sinilip ko sa baba ang sinasabing bisita.

The gang.

 

Bumaba ako pero hindi para maipagkwentuhan sakanila. My life is really a mess. So, wala akong panahong makipagharutan at biruan. All I want right now is her. I want her. I miss her.

“E-eros, you look..—”

“Terrible.” Singit ni Jonas sa sasabihin dapat ni Anne.

“Handsome.” Singit ni Samantha.

“Bad.” Singit naman ni Alexis.

“Stop it, guys. Hindi tayo nagpunta dito para bwisitin ang araw ni Eros.” Matinong saad ni Jadd.

Marahan ko silang tinitigan. Alam kong nag-aalala sila sakin. Lumapit si Anne sakin at niyakap ako.

“We’re just here, Eros. You don’t need to say anything nor share what happened back then. We’re here to comfort you. Kaya kung nagbabalak kang taboyin kami, sorry to say but we’re not going to leave you.”

Niyakap ko sya pabalik. Mahigpit na yakap at hindi ko napigilan pa ang aking sarili. Kusa na kong nagpadala sa emosyon ko na ilang araw ko na rin pinipigilan. Iniyak ko lahat ng sakit. Nilabas ko ang aking hinanakit. Lahat na pwedeng masabi sa sakit na nararamdaman ko, nilabas ko na sa pagmamagitan ng pag-iyak ko.

Naramdaman ko ang iba pang mga braso na yumakap sakin. Alam kong sila Jonas iyon. Hindi ako ganito. Hindi ako iyakin dahil lalaki ako. Pero totoo nga yata yung sinasabi ng iba, na kapag ang lalaki ang umiyak dahil sa babae, totoong nagmamahal.

------

“Ibig sabihin, hanggang ngayon hindi mo pa rin alam kung saan sya nagpunta?” tanong ni Jadd.

Tumango ako, “Pinuntahan ko sila Cess pero kahit sila hindi nila alam kung saan nagpunta si Anthea. Sa akin lang rin nila nalaman na umalis na pala sya.”

“Hindi kaya bumalik sya sa Boston?” si Anne iyon.

Nagtinginan ang lahat sakin. Nag-aantay ng aking sasabihin.

“I don’t know.”

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon