Chapter 8: Two plates at the same time

181 8 0
                                    

A/N: Don’t mind my wrong grammar and typos. Feel free to leave a comment, suggestions, feedbacks and so on after you read. You may vote also para naman mainspire ako. Hihihi. Yun lang.

 

Chapter 8

Anthea’s POV

 

Nagising ako sa mga tawanan ng mga tao sa baba. Nakapajama pa ko at itim na tshirt ng bumaba. Nagtaka ako kung bakit ang saya saya nila Alie at Cess. Napadako ang tingin ko kay Eros. Tumawa ito at nang magsalubong ang aming mga mata, ngumiti ito. I smiled back.

Lumalandi ka na, Anthea. Tumigil ka!

“Oh gising ka na pala. Tara kain na tayo.” Sabi ni Alexis. Tumabi ito kay Alie. Nagtatawanan pa rin sila. Tinignan ako ni Alie at ngumiti.

 

“What happened?” seryoso kong tanong. Nagkibit balikat ang mga ito.

Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape. Nadatnan ko doon si Anne na nagluluto. Lumapit ako at naamoy ko ang niluluto nitong bacon.

“Pupunta tayo sa resort nila Alexis.” Sabi nito.

“May resort sila Alexis?” mangha ko.

Tumango ito at ngumiti sakin, “Bawal ang hindi naka-bikini ‘don ha.” Sabi pa nito bago tuluyang dumiretso sa kusina.

Napaawang ang bibig ko. Kaya pala tawa ng tawa sila Alie at Cess. They knew that I don’t like to wear bikinis.

------

“Ang sikip niyan!” reklamo ko kela Alie. Tawa ng tawa sila. Kaya naman pala nakalimutan nila ang problema kahapon dahil sa lecheng bikini na ‘to. Sila pa mismo ang bumili at binigay sakin.

Pumasok sila Sam at Anne sa unit namin. Anne looks dazzling in her black two-piece swimsuit. While Sam looks like a sexy model in her white one-piece tube swimsuit.

Napabuntong hininga ako. Tinignan ng mabuti ang susuotin ko bikini. Puro lace sa likod at kita pa ang puson. My Gooood! Hindi ako mukang disenteng doctor sa bikini na ‘to.

 

“W-wala ba kayong sports bra?” nahihiyang tanong ko. Nakita ko ang pagpipigil ng tawa nila Anne. Pero si Sam ay nangi-ngiti lang. Lumapit si Sam sa bikini na nakapatong sa kama at inabot sakin.

“You should wear it. Bagay sayo ito dahil maputi ka. You must be proud of yourself having that kind of skin.” Sabi ni Sam.

Napalunok ako ng kunin ko mula sakanya ang bikini. Pumasok ako sa banyo at sinuot iyon. Bago ako lumabas ay pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa malaking salamin. I’m wearing a tube top with high waisted bottom. Nakakapanibago! Hindi ako ito. Hindi ako ito!!

Paglabas namin ng unit, halos bumalik ako sa unit namin sa sobrang kahihiyan. Hindi ko akalain na sa isang puri lang ni Sam ay mapapasuot nya na ako ng bikini. What the hell!!!

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon