Chapter 20: Pain and Suffering

126 2 0
                                    

Chapter 20

Anthea’s POV

 

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa buong mukha ko. Umupo ako at nag-inat. Matama kong tinignan ang ginang na mahimbing na nagpapahinga sa aking harapan. Nilingon ko si Euris na tulog na tulog pa rin dahil sa magdamag na pagbabantay.

Lumapit ako sa ina ni Eros. Okay na sya. Nagising na sya kaning madaling araw pero minabuti naming paagpahingahin pa sya. Bukas na bukas din ay maaari na syang makalabas ng hospital.

Tumayo ako at ramdam ko ang pangangalay ng buong katawan ko. Napahawak ako sa aking likuran. Pagkatapos, lumapit ako sa may bintana. Hinawi ang naglalakihang kurtina. Mataas na nga talaga ang sikat ng araw. Pero hindi ko hinayaang magising nito ang ginang.

Naglakad ako palapit sa may pintuan upang lumabas sana at kumuha ng kape. Ngunit nakarinig ako ng mga nag-uusap sa labas. Binuksan ko ng kaunti ang pinto. It’s Eros and his dad.

 

“I can’t accept her.” Kita ko sa mukha nito na hanggang ngayon ay wala pa rin talaga. Wala pa rin talagang pag-asa na matanggap ako ng ama ni Eros. Masakit sakin ‘yon. Mahal ko si Eros pero para sa ama nya ay kasalanan na mahalin si Eros ng isang kagaya ko na galing sa may kayang pamilya at hindi sa maalwang pamilya.

“Tanggapin nyo man sya o hindi, buo na ang pasya ko. I will marry her before we go to Boston.”

Nagulat ako sa mga sinabi nya. Napangiti ako at hindi ko halos marinig ang sarili kong paghinga dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng lungkot. Ayokong ikasal na may sama ng loob samin ang ama ni Eros. Para sakin, mas mabuti na lamang na hindi muna kami ikasal at ayusin ang mga personal na problema.

“Puwes, mamili ka, kaming pamilya mo o ang babaeng iyan?!”

“How dare you to do this to me, Dad?! I love her!!”

“Then you’re no longer a Lavalle! Dahil para sakin, para ka na ring nawala sa buhay namin kung magpapakasal ka sa babaeng iyan!!”

Nadurog ang puso ko. Napalunok at hindi namalayang bumubuhos na pala ang luha ko. Panandaliang saya lamang pala ang mga narinig ko sa una nilang pag-uusap. Mali na umasa ako sa mga pwedeng mangyari.

Madali akong nakapagdesisyon. Pagkatapos ng araw na ito ay aalis ako at babalik sa Boston. Wala na kong dahilan pa para mag-stay rito. Tama na ang sakit sa puso na dinanas ko sa nagdaang araw. Mahirap ipilit ang mga bagay na hindi naman marahil ay para sa atin. Umaasa ako na may mas magandang plano ang Diyos sa pagbabalik ko sa Boston.

Nagpaalam ako kay Eros at Euris na babalik sa bahay nila para kumuha ng gamit. Pero hindi ako pinayagan ni Eros maliban na lamang kung isasama ko si Euris. Yun na nga ang ginawa ko. Sinama ko si Euris pabalik sa bahay nila.

Lakas-loob kong kinuha ang mga maleta ko at na-impake. Wala na kong pakielam pa kung makita man ako ni Euris. Ang mahalaga ay makalayo ako sa pamilya nila. Pagod na pagod na kong umasa.

“Ate Anthea, what on Earth are you doing?!”

Nilingon ko sya, “I’m leaving..”

Lumapit sya sakin at hinawakan ang aking balikat upang iharap sakanya.

“Masasaktan si Kuya.”

“At mas masasaktan sya kung ipagpapatuloy pa namin ito. I get it okay? I will never be a part of your family even though your mother accepted me already. Ayokong mawala ang lahat sakanya ng dahil sakin.”

“At sa tingin mo ay hahayaan namin nila mommy na mangyari iyon? Of course not, Ate! Just don’t lose hope. Kuya will marry you.”

Napakagat ako ng labi. Gusto kong pigilan tong nagbabantang pagluha ko. Ayokong magmukang kawawa ulit.

“ I’m so sorry. Pero mas gugustuhin ko pang mawala siya sakin huwag lang mawala ang lahat sakanya. Mahal ko siya, Euris. Mahal na mahal na mahal. Pero kung itong pagmamahal na to ang sisira sa relasyon nilang mag-ama, mas mabuti pang umalis na lamang ako at huwag ng bumalik pa. I’m sorry, Euris but this is final.”

Tinuon ko ang atensyon sa pag-iimpake. Nagulat ako ng bigla nya kong tinulungan. Masama man ang loob ni Euris pero mukang hahayaan ako nitong umalis.

“Thank you” sabi ko matapos namin maimpake lahat ng gamit ko.

“Hindi na kita mapipigilan, Ate.” Napabuntong hininga sya, “but don’t forget that you will always be my sister-in-law.” 

Napangiti ako sa sinabi nya. Nagkayakap kami at hinatid ako palabas ng bahay nila. Doon ay may naghihintay na taxi na magdadala sakin sa airport. Ngumiti ito ngunit sa mga mata nya ay may halong lungkot at sakit dahil wala itong nagawa sa biglaang desisyon ko.

Sorry, Eros. I know..biglaan ang pangyayari pero para rin sa atin to. I hope you’ll understand that I did this because I dont want to cause any pain and suffering to you and to your father.

 

Just don’t forget that I love you.. forever..

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon