Chapter 10: Kaya kong higitan

149 8 1
                                    

A/N: Don't mind my errors. 


-------
Chapter 10

 

Anthea’s POV

 

Tatlong buwan pa bago ako tuluyan bumalik sa Boston at maging normal na ulit ang lahat. Napabuntong hininga ako. Nakabalik na kami sa resthouse nila Anne. Okay na rin ang townhouse ni Alie. Yun nga lang kelangan itong iparenovate.

Dito kami sa garden umistambay nila Jadd kasama sila Alexis at Alie. Ewan ko ba pero parang may something na sakanila.

“Here.” Kumuha ako ng ilang chips at kinain iyon. Napabuntong hininga na naman ako. May mga tanong na naglalaro sa isip ko. Pero bakit parang natatakot akong malaman ang totoo.

“Don’t overthink, Anthea.” Sabi ni Jadd.

“H-hah?”

“You heard me.” Napatingin na ako sakanya. Seryoso ito at mukang nag-aalala.

“May naglalaro lang sa isipan ko.” mabilis kong sagot. Ngumiti ito ng pilit. Gusto kong magpakatotoo sakanya. I don’t deserve him because I knew that he deserves someone better than me. Humahanap lang ako ng tamang tyempo para sabihin sakanya na hindi ako ang bagay para sakanya.

“Ex-girlfriend ni Eros si Sam. They were together when they were studying in States. Hindi ko lang alam kung bakti sila naghiwalay. Pero mukang si Eros ang may problema dahil sabi ni Sam samin, si Eros ang nakipaghiwalay.”

Natahimik ako. Walang mahagilap na tamang sasabihin.

“May gusto ka pa bang malaman?” napayuko ako. Hindi ko akalain na sa isang buwan na nagkakilala kami ni Jadd ay alam na nito kung paano ko mag-isip.

“W-wala na.” mahina kong usal.

“Kilala kita, Anthea. I’ve been observing you for a couple of weeks. And maybe, that’s the reason why I like you. You are so different. Hindi ikaw ang tipo ng babae na basta-basta magpapaloko sa mga lalake. Yet you are so innocent. Pero alam mo ba kung ano ang masakit..?”

Napalunok ako. Masyado nya na kong kilala sa kaunting panahon na nagkasama kami.

“A-ano?” tanong ko.

“Yun ay kahit kasama kita, siya ang nasa isip mo. Kahit nasa tabi kita, siya pa rin ang tinitignan mo. Na kahit na pinakita ko kung sino si Jadd Alcantara, si Eros Lavalle pa rin ang nakikita mo.”

Naawa ako kay Jadd. Imposible! Sa loob ng isang buwan, nagustuhan nya na agad ko. Or worse, minahal nya na agad ako? Ayokong mag-conclude. Nahihirapan ako mag-isip.

“Wag ka ma-pressure, Anthea. Hindi naman ako nagmamadali. Pero sana bigyan mo lang ako ng pagkakataon na ipakita sayo na kaya ko.”

Naguluhan ako.

“na kaya ang alin?”

“Na kaya kong higitan si Eros sa buhay mo, sa isip mo at lalo na sa puso mo. Just give me a chance, Anthea. And I promise na hindi kita sasaktan gaya ng naramdaman mo kay Eros.”

Napailing ako ng mariin.

“No, Jadd. Hindi ako masasaktan dahil ikaw ang masasaktan. I don’t deserve you. Hindi ako ang bagay sayo. Marami dyang iba, wag ako Jadd. Please.” Pakiusap ko. Iniiwasan ko ang ganitong sitwasyon hanggat maaga pa. Hindi naman ako magtatagal sa Pilipinas.

Kinuha nya ang pareho kong kamay at hinawakan iyon ng mahigpit.

“Why? Tell me, Anthea. Do you love him?”

Dinaga ng matindi ang puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Nagbabakasakaling maramdaman ko ang sagot ng puso ko.

“Or should I ask you if you’re still in love with Eros?”

Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Hindi ko na rin namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Suko na ko. Sasabihin ko kay Jadd ang totoo.

“J-jadd, I’m---

“GUYS! SI ANNE HINIMATAY!!” sigaw ni Cess. Napatayo kami bigla at patakbong tinungo ang sala. Lumapit ako sa nakahigang si Anne.

“What happened?” tanong ko kay Jonas.

“S-sobrang pagod.” Nangangatog na sagot ni Jonas.

“Ihiga nyo sya ng maayos. Wag nyong lagyan ng unan. Alie, kunin mo yung  first aid kit ko.” agad kinuha ni Alie iyon.

Pagkabalik ni Alie, dala nito ang first aid kit ko. Binuksan ko iyon at kumuha ng cotton balls at ammonia. Nilagyan ko ng ammonia ang cotton ball at tinapat sa ilong ni Anne. Gumalaw ang ulo ni Anne at maya maya lang ay dumilat ito. Natawa kami dahil kinuha nito ang cotton ball sakin at inaamoy.

“Anne, baka maadik ka dyan.” Suway ni Jonas.

Ngumiti si Anne. “Sorry kung nag-alala kayo.”

“Don’t stress yourself too much, Anne. Masama iyon.” Sabi ko.

“Yes, Mam!” saludo pa nito.

Nakahinga kami ng maluwag. Lalo na ko dahil muntikan ko ng masabi kay Jadd ang totoong nararamdaman ko. Pinagpahinga muna ni Jonas si Anne dahil siya ang nag-aayos ng pupuntahan namin dahil taga rito sya.

Napatingin ako kay Eros na masayang nakikipagkwentuhan kay Sam. Naramdaman yata niya na may nakatingin sakanya kaya lumingon sya banda sakin. Nagtama ang aming mga mata. Ngumiti ito sakin at muling tinuon ang atensyon kay Sam.

Nainis ako. Hindi ko alam kung bakit pero nakakairita na masaya sya.

.

“Jealous ha.” Boses ni Jadd iyon

Nilingon ko sya. Tinaasan ng kilay at inirapan. Nagmartsa ako pabalik sa garden.

Hindi ako nagseselos.... haaayss

Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon