Chapter 18
Anthea's POV
Nasa may veranda pa rin kami ni Euris ng tawagin ako ni Eros. Tumayo ako at lumapit sya. Nilingon lang siya ni Euris at piangtuonan na lamang ng pansin ang mga cookies.
"Dad wants to talk to you." Ganitong ganito rin ang nangyari noong panahon na gusto rin ako kausapin ng ama.
"Good luck, Ate Anthea." Narinig ko pang sabi ni Euris. Napangiwi ako.
Ano?! Juice colored! Hihimatayin yata ako. Pero sumunod pa rin ako. Tinuro ni Eros ang study room nila. Naglakad ako at hindi na nagpasama pa kay Eros. Kaya ko 'to. Kahit na halo-halong kaba at takot ang nararamdaman ko.
Nasa may tapat na ko ng pintuan ng study room pero ni hindi ko pa rin pinipihit ang door knob. Bumuntong hininga muna ako. Nag-isip ng mga pwedeng sabihin ni Mr. Enrique Lavalle. Ito ang pangalawang beses na mag-uusap kami ng dalawa lang. Oo, pangalawang beses na naming pag-uusap ito at ang una ay noong aalis pa lamang si Eros papunta sa States.
Pumasok ako sa study room. Ma-ingat kong sinira ang pinto. Parang isang malaking library ang study room nilang ito. May mahabang mesa at sa tingin ko ay hindi lang ito basta-basta study room.
"Nandito ka na pala, hija." Narinig kong sabi nito. Tinanaw ko kung nasan sya. Prenteng prente ito sa pagkakaupo nya sa pinakagitna ng mesa. Di tulad ng una naming pag-uusap, wala ito ni kahit na anong laptop at cellphone sa mesa. Siya lamang.
"Sit here." Turo nya sa isang upuan sa gilid nya. Lumapit ako. Nagmadali akong maglakad. Tumayo ito at inusog ang upuan na uupuan ko. Pagkalapit ko ay umupo ako.
"Thank you, Sir." Sabi ko. Hindi sya katulad ng dati na pinaupo nya lamang ako sa dulo at kulang na lang ay sigawan ko sya para lang magkarinigan kami.
Muli itong umupo sa upuan nya at pinagsiklop ang kanyang mga kamay. Malalim itong nag-iisip.
"Anthea, bakit nagpakita ka sa kanya? Alam mo ang usapan natin noon." Pasimula nya. Naikuyom ko ang aking mga kamay sa sobrang inis.
Yeah. Hindi ko makakalimutan iyon. Na halos manliit ako sa mga panlalait nya sakin at sa pamilya ko. Ni hindi ko nagawang lumaban dahil college student palang ako noon at wala pang maipagmamalaki sa isang kagaya nya na milyonaryo at may ari ng malaking kompanya.
"Hindi ako nagpakita sakanya. Kusa kaming pinagkita."
Pumalatak ito, "You mean destiny ? Mukang hindi ikaw ang tipo ng babae na maniniwala sa ganyang kakornihan." Napalunok ako. Halos takasan ako ng kaluluwa sa tono ng pananalita nya. Sabi na, yang pag-ngiti-ngiti nya kanina ay hindi ibig sabihin ay natutuwa sya.
"I don't believe in destiny. Pero kung ang pagbabasehan ay ang nangyari samin ni Eros sa Baguio, sasabihin kong naniniwala ako sa destiny."
"It's crazy. I really just don't believe in destiny. It's a choice. Unless, you chose to give up your career just to make sure that you and Eros would have a second chance." Patutya nya. Nagtiim bagang ako.
"You heard me a while ago, Mr. Enrique. I didn't even plan this. My mother wanted me to get married as soon as possible."
"And you choose Eros to be your future husband?! Hell no!!" sigaw nya. Hindi na ako nagulat sa naging reaksyong nyang 'yon. "Hindi ako papayag na magpakasal sya sayo. Si Samantha ang nababagay sakanya at hindi ikaw! I want you to get out of his life...forever!"
Kita ko ang pagbaba at pagtaas ng kanyang dibdib. Tumayo agad ako at dinaluhan sya. Napaupo sya sa kanyang swivel chair. Hinawakan ko ang kanyang dibdib. Nagulat ako ng hawakan nya rin iyon.
BINABASA MO ANG
Still In Love
RomanceSiyam na taon ang nakalipas mula ng maghiwalay ang landas nina Eros Lavalle at Anthea Hudencial. Iisa ang kanilang pangarap noon ngunit tuluyan iyong nabago dahil tutol ang ama ni Eros sa pagdodoctor. Kaya ngayong nagkita ulit sina Eros at Anthea n...