Chapter 5
Anthea’s POV
Pagkapasok namin sa townhouse ay dumiretso agad ako sa kwarto para kunin ang medicine tools ko. Pagkalabas ko ay naabutan kong nakatitig lamang si Eros sa mga picture frame sa divider. Kumuha siya ng isang picture frame. Lumingon siya sakin.
“You went to Boston?” tanong nito. Nagtaka ako. Lumapit ako sakanya at kinuha ang picture frame na hawak nito. It was my picture given to Alie when I was studying Doctor of Pharmacy in Boston. Nilapag ko ulit yun sa divider at umupo sa sofa.
“Come here. Let me see your wound.” Sumunod ito at umupo sa tapat ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang braso na nasugatan. Napaangat ako ng tingin sakanya. Nakatingin din ito sakin. Muli kong binalik ang tingin sa sugat nito.
“Are you living in Boston?” tanong nito. Kumuha ako ng cotton ball at betadine para linisin ang sugat nito.
“Yes.” Maikling kong sagot.
“So why are you here?”
Tumikhim ako. Sasabihin ko ba sakanya ang totoo? Who cares? We were old friend. No.. we were together.. were together...
Sasagot na sana ko pero nagsalita agad ito.
“It’s okay if you don’t want to answer me.” Sa bandang huli ay gusto kong magpasalamat dahil okay lang naman pala sakanya na hindi malaman na pinatapon ako nila Mama para humanap ng mapapangasawa o kahit boyfriend man lang. Pero parang may muting kirot akong naramdaman dahil pakiwari ko’y wala siyang pakielam sakin.
Bakit ka pa aasa na may paki siya sayo? Matagal ng panahon iyon... binaon niya nasa limot lahat ng pinagsamahan niyo... – sigaw ng isipan ko.
Nang matapos kong gamutin ang sugat nito ay bumalik ako sa kwarto para iwan doon ang medicine tools. Pagbalik ko ay nakatayo na ito at hawak ang cellphone. Nang makita ako ay tinago na nito ang cellphone.
“My friends are in the Wright Park.”
Tumikhim ako, “Nandoon din marahil sila Alie.”
Tumatango ito. Hindi ko maintindihan ‘tong nararamdaman ko. Ang awkward. Nakatingin lang ito sakin at ganoon din ako. Kalaunan ay nag-iwas na rin ako ng tingin.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad kasama ito. Hindi kami nag-uusap. Nakatingin kaming pareho sa daanan. Nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa. Si mama iyon.
Mama: Remember why we threw you in Philippines. I want you to find the meaning of love. I knew you will never find that love here in Boston because you were busy in your work. I only want you to be happy and to smile again. I love you, Nak. Always remember that and I hope you’re doing fine with your friends.
Napatingala ako kay Eros. Kinilabutan ako sa naisip ko. Hindi kaya si Eros ang tinutukoy ni Mama? No way! Hindi pwede. Bawal. Ayoko.
BINABASA MO ANG
Still In Love
RomanceSiyam na taon ang nakalipas mula ng maghiwalay ang landas nina Eros Lavalle at Anthea Hudencial. Iisa ang kanilang pangarap noon ngunit tuluyan iyong nabago dahil tutol ang ama ni Eros sa pagdodoctor. Kaya ngayong nagkita ulit sina Eros at Anthea n...