Chapter 4: It's not destiny. It's just a coincidence

206 10 2
                                        

Eros’ POV

 

“Oh saan ka pupunta?” tanong sakin ni Anne. Napatingin sila sakin.

“Jogging lang sa labas.” Sagot ko.

“Balik ka agad. Magho-horse back riding tayo nila Alexis.” Saad naman ni Jonas. Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon. Pagkalabas ko sa resthouse, inaayos ko ang music player ko at pinasak ang earphones sa tenga. Doon lamang ako nagsimulang tumakbo.

Nagpahinga ako saglit. Hindi ko na nga yata alam kung saan ang pabalik dahil malayo-layo na rin ang aking natakbo. Di bale, magtatanong-tanong na lang ako kung saan ang daan pabalik.

Nakakita ako ng naglalako ng tubig. Lumapit ako at bumili. Nang makuha ko ang tubig ay nagbayad agad ako at hindi na kinuha ang sukli. Pinagpatuloy ko muli ang pagtakbo.

Pero napansin ko na natanggal pala ang pagkakasintas sa sapatos ko. Yumuko ako para ayusin yun. Maayos ko na sana sya kaya lang may tumulak sakin at muntikan na kong masubsob sa semento.

WTH!! WTF!! Shit!

 

-----

Anthea’s POV

 

Ewan ko ba pero enjoy na enjoy ko ang pagdya-jogging. Pero ang mga kasama ko, sobrang pagod na at mukang nadedehydrate pa.

Lumingon ako sakanila at patalikod na tumakbo.

“Come on, guys! Kaya nyo yan! Takbo lang!” sabi ko.

Pero pinanlakihan nila ko ng mata na para bang nakakita sila ng multo. Nagpapanic ang mga ito at may tinuturo sa daan. Huli na para humarap ako at tignan kung ano ang tinuturo nila dahil naramdaman kong may natulak or sabihin na nating may nabunggo ako ng kung ano.

Nang humarap ako ay tao pala iyon. Akala ko ay hindi siya masusubsob sa semento pero mali ang akala ko. Nasubsob ito sa semento at nang humarap ito, galit na mukha ang nakita ko.

Pero hindi iyon ang kumuha sa atensyon ko, kundi ang napakapamilyar na mukha at kaylanman ay hindi ko makakalimutan.

Oh my G! Anong ginagawa nya rito? Parang bumalik ang lahat ng alaala. Na para bang isang malaking panaginip na bigla na lang bumalik..

Nilapitan ako nila Cess at si Alie naman ay dinaluhan si Eros.

“Are you okay?” tanong ni Alie. Ngunit hindi man lang tumingin si Eros kay Alie para sagutin. Nakatingin lamang ito sakin. Umawang  ang bibig nya pero sinarado nya muli.

Tumayo ito. Tinignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam ang dapat ko maramdaman pero kinakabahan ako. Kinakabahan sa pwedeng mangyari ngayong nagkita na ulit kami.

“Eros, you have wounds.” Sagot muli ni Alie. This time, lumapit na rin sila Cess sakanya at naiwan akong nakatulala. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin.

“Anthea ano ba?! Lumapit ka dito! You are doctor! Go help him!” mariing utos ni Cess. Para akong robot  na lumapit sakanila. May sugat ito sa braso. Minor lang iyon. Madaling gamutin.

Sana parang puso lang din ang sugat na ‘to. Madaling gamutin.

 

“L-lets go to the hospital or any nearest clinic here.” Pautal kong sabi. Umiling si Eros.

“H-huwag na. Maliit lang na sugat ‘to.” Tinignan ko sila Cess. Pinanlakihan ako ng mga mata na para bang sinasabi nila na ‘Gamutin mo sya.’

Sumingit si Belle, “Pumunta na lang kayo sa bahay at doon mo siya gamutin.”

Tinignan ko muli sila. And somehow, alam ko na ang gusto nilang mangyari. Tinignan ko sila ng masama pero ngumisi lang ang mga ito. Magrereklamo pa sana ako pero bigla silang tumakbo na para bang hindi napagod kanina kakatakbo.

Naiwan kami ni Eros. Kaming dalawa lang. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya ng pilit at muling tinuon ang atensyon sa kanyang sugat.

It’s not destiny. It’s just a coincidence. 

Still In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon