"AINA?!" Gulat na sabi ko ng makita ko siya na nakatayo sa may malapit sa kama.
"The one and only." Sagot niya sa'kin sabay ngumisi ng nakakaloko.
Hindi ako makapaniwala.
"What, Cheska, hard to believe right?" Nakataas ang kilay na sabi nito habang lumalapit sa akin. "You're most trusted friend betrayed you."
"Why..."
Napapitlag ako ng biglang tumawa ng malakas si Aina. "BECAUSE I HATE YOU!"
Napangiwi ako ng bigla niyang hilahin ang buhok ko. "Stop it! Ano bang kasalanan ko sa'yo?" Piniglan ko ang mga kamay niya.
"Madami, Cheska!" Galit na ang tono ng boses ni Aina. "Matagal ko nang gusto si Bryce, pero kahit kailan, ni hindi niya ako pinagtuunan ng pansin! Bakit? Tayong tatlo naman nila Margaux ang madalas na magkakasama diba, pero pinansin ba niya ako? HINDI!"
"Aina..."
"What? Are you going to reason out?! Ikaw ang pinili niya, Cheska!"
"Aina, are you being serious? Look, kung eto ang dahilan kung bakit mo ako pinakidnap, please, baka naooverwhelm ka lang."
"Nope, she's not overwhelmed at all, Cheska."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at tumambad sa akin si Darren.
"Surprised, honey?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa baba ko. "Ano kayang reaksyon ni Bryce kapag nakita niyang ginawa ko sa'yo 'to?"
Napakunot ang noo sa sinabi niya pero huli na rin para makapagreact ako dahil bigla niya akong hinalikan sa mga labi.
I pushed him hard enough para matumba siya sa sahig.
"WHAT THE FXCK?!" Marahas kong pinunasan ang labi ko. "YOU'RE AN ASSHOLE!"
Tumawa ito ng malakas.
"Jenessa, did you capture it?"
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
ActionThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013