Chapter Two

4.7K 106 15
                                    

Two

"Let's go, Cheska!" Kanina pa kami nakatayo sa labas ng hall ni Margaux, at kanina pa rin kami naghihilahan. Friday ngayon, at ngayon din ang araw ng auction for a cause ng The Kaisers. Bakit ako nandito? Napilitan lang naman akong pumunta dahil ang bestfriend ko ay parang tape recorder, parang konsensiyang may paa dahil paulit-ulit niyang sinasabi na para naman daw sa mga bata sa orphanage ang gagawin namin, wag ko nalang daw isipin yung mga ka-frat ng Kuya Bryce niya. Kaya etong naging resulta.

"Hurry, sisterette! Kung ayaw mong maubusan ng magandang seat at baka maunahan ka pa sa mga gwapong lalaki!" Pagkasabi niyon ay tuluyan na niya akong hinila papasok ng hall. Napabuntong-hininga nalang ako.

Pagpasok namin, true enough, sobrang dami ngang tao. Actually, wala akong idea kung ano ang ipapaauction nila, dahil ang nakalagay sa invitation ay surprise daw. Hindi rin ganun kalaki ang dala kong pera, kung hindi man makakasama sa auction, ipapaabot ko nalang kay Margaux mamaya at ipapasabi kong idagdag nalang sa itutulong sa orphanage.

Napansin ko lang rin, karamihan sa mga bisita or attendees ay mga babae. Oh, well. What do you expect? The Kaisers equate to GIRLS.

"Margaux!" Napalingon ako sa nagsalita. Aba, at sino naman ang lalaking 'to? Parang first time ko ata siyang nakita.

"Stephen!" Margaux greeted back.

"Tara na, we have reserved seats for you." Nakangiting sabi nung Stephen. Medyo normal siya kumpara sa The Kaisers. Hmm.. I wonder if he's also a part of the frat?

Nang makaupo na kami sa pwesto na tinuro ni Stephen, I was amazed dahil para siyang VIP section, round table with several finger foods served tapos may mini cupcakes din.

Nilalaro-laro ko yung mga ornaments na nakalagay sa centerpiece ng table. Parami-rami na rin ang mga tao. Naisip ko lang, bakit nga ba ako nandito? Gusto ko kasing tumulong. Tama, gusto kong tumulong. Nothing more, nothing less. Pero this doesn't mean na agad-agad na magbabago ang pananaw ko about fraternities.

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang umilaw ang stage at nandoon ang isang sexy na babae. Siguro siya yung emcee?

"Good evening, ladies!" Masiglang bati nito. Noon ko lang din narealize na ang bisita sa event na 'to ay puro babae. So that explains it. Kung bakit kanina pa ako walang nakikitang mga lalaki, ano kayang ipapaauction? I am slowly getting weird feelings about this.

I took a deep breath para mawala ang anxiety attack. I need to be more relaxed.

"Are you guys excited?!" The emcee bursted out in a very bubbly manner. Napuno naman ng energy ang room, kasama na si Margaux, ako naman ay pangiti-ngiti lang. "Alright! We've got some crazy crowd energy here! Shall I know who among The Kaisers you like, ladies?" Tanong ng emcee.

Iba-iba ang naging sagot ng crowd.

"Cholo!"

"Mas gwapo kaya si Tanner Cedric!"

"Noooooooooooooooo!!! Si Etienne!!"

"Mga bulag ba kayo, si Bryce kaya!"

And with that, para namang nagkasundo rin sila dahil sabay sabay silang sumagot ng, "Oo nga!". Lihim nalang akong napailing. Girls will be girls.

"Whoa! Ang hirap talagang mamili kapag ang gwapo nilang lahat, right, ladies?" Nag-wink pa yung emcee. "Before we start, I will first explain the mechanics and rules of the program, how the auction will go and where the proceeds will go."

Sinimulang i-explain nung emcee kung ano ang mangyayari sa auction event na 'to. Halos malaglag ang panga ko sa naging revelation kung paano ang magiging takbo. Each member of The Kaisers will offer something, for example, that guy named Cricket will offer a lunch date, tapos kung sino man ang babaeng interested for that activity, she shall place a bid kung magkano, and like all typical auctions, the higher the bid, the better at ikaw ang mananalo. So, ayun pala yun? Jusko. Mukhang wala akong kawala dito. -_-

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon