TWO WEEKS LATER
"Cheska, inumin mo muna 'to."
Nagtataka akong tumingin kay Aina, pero inabot ko pa rin naman yung cafe latte na binigay niya. Niyaya niya ako dito after class sa coffee shop malapit sa school namin. Busy si Bryce dahil nalalapit na ang finals week. Pati na rin ang ibang The Kaisers.
So far, wala naman nang nangyaring kakaiba. Yung nagtetext sa akin tungkol kay Aina, hindi na rin siya nagtext sa'kin. Kaya nga minsan hindi ko rin mapigilan isipin na baka mga taong malakas lang ang trip sa buhay ang gumawa noon.
"Uh, yeah. Thank you, Ai." Nakangiti kong sabi sa kanya sabay abot ng cup.
"So, kamusta na kayo ni Bryce?"
I stopped sipping from my cup. Hindi ko talaga alam kung bakit, pero lately, sobrang interesado siya between me and Bryce. Does she like him? Gusto kong sumimangot, sinong magkakagusto sa baliw na yun? Just kidding. Hahaha.
"Okay naman kami. Super busy, both of us." Pilit akong ngumiti.
"How about si Tanner Cedric?"
"I haven't hear from him since last week." Tugon ko.
"Those boys are so busy."
"Yep." Natatawang sabi ko.
Sobrang busy nga naman talaga ng The Kaisers, bukod sa abala sila sa pagpapaayos ng organization room, may kanya-kanya din silang agenda. Ako nga, may tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Bryce.
Wala na rin akong balita tungkol sa Sigma Zeta, the last was during the hearing sa students' discipline.
"Wow, those boys are really busy." Komento ni Aina sabay tumawa.
Nagtataka na talaga ako dahil bukambibig nalang niya palagi ang The Kaisers, o kung hindi naman ang The Kaisers, kahit sino sa miyembro nito. "Uhm... Aina, why are you----"
---
Napakurap ako sa linawag na bumungad sa'kin.
"WHAT THE---" Sabi ko sabay bangon. "Where the hell am I?!"
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
AcciónThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013