Chapter Ten

3K 67 3
                                    

I can't believe this is happening with my life! Kanina pa ako nakasimangot habang nag-d-drive ako papunta sa condo building ni Bryce at mas lalong hindi ko rin matanggap kung anong trip ng mga magulang ko at napagdesisyunan nilang patirahin ako sa isang bubong kasama ang lalaking 'to. I mean, lalaki si Bryce at babae ako. Kahit naman never sa imagination ko na papatulan ko ang isang 'to, paano nalang ang sasabihin ng ibang tao diba? -__-

"Good afternoon, ma'am. Kayo po ba si Cheska Perez?" Tanong nung security guard malapit sa entrance ng condo building.

"Ah, opo. Ako nga po." Sagot ko sa guard.

May kinuha siyang something mula sa drawer sa lamesa sa tabi niya at inabot sa akin ang isang card. "Sabi po ni Sir Bryce, ibigay ko raw po ito sa inyo pagdating niyo. Susi po yan sa unit niya." Sabi ni Kuya Guard.

Inabot ko yung guard na yun. Napaangat ang kilay ko. Sosyal, pa-card-card nalang ang condo unit na 'to.

"Thank you, kuya!" Sabi ko sa guard bago ako tuluyang pumasok sa loob ng condo. Tiningnan ko yung hawak ko na card. It says, "2117", 21st floor pa siya? Pakiamin. Ang taas masyado.

Halos mapanganga ako pagpasok ko sa unit ni Bryce. Dalawang condo ang laki nito at may loft pa. Grabe. Mayaman din naman kami, pero hindi kaila-ila na mas mayaman ang mga Fuentebella sa amin. O baka kasi hindi lang kami ganito ka-luho? Sinanay kasi ako ni daddy na maging contented sa mga bagay na meron ako. Pero.. This is different.

Nakita ko yung dalawang suitcases ko sa may gilid ng sofa malapit sa may glass panel, overlooking ang buong city dito, at maaaninag mo ang skyline. It's beautiful.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng mga gamit ko at may nakita akong envelope sa nakapatong sa ibabaw niyon.

To Cheska

Sabi sa harap ng envelope.

"Cheska, feel free to feel at home. I'll be back in a little while. You're room is at the right if you are facing from here. See you later. - Bryce."

Ano ba yun, palagi nalang wala yung isang yun ah. Anyway, ang maganda pa sigurong gawin ko ngayon ay ayusin nalang ang mga gamit ko sa bago kong kwarto. Naiinis pa rin ako sa set-up na 'to. Ayoko talaga.

Nag-aayos akong ng gamit ng biglang may malaglag na kung ano sa sahig. Nakaipit ata yun sa librong hawak ko. Pinulot ko kung ano yun. Graduation picture ito ni Marcus nung college siya. Come to think of it, mag-iisang linggo ko nang hindi nakikita si Marcus sa neighborhood namin. Nasaan kaya yun?

Pagkatapos ko mag-ayos ng gamit ay biglang tumunog ang skype ko.

It's Margaux.

Finally, naisipan din magparamdam nitong babaeng 'to!

"CHESKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Bungad niya sa akin pagkaclick ko ng answer button.

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon