Chapter Seven
"That's it, bella! Werk it!"
Kanina pa ako paikot ikot dito sa studio at nasa harapan ko ang labing tatlong lalako na kanina pa nakamasid sa akin na para bang sinusuri ang ginagawa ko. Nagsalubong ang kilay ko ng magtama ang tingin namin ni Bryce. Ngumiti siya ng malapad.
"Turn around, sweetie!" Utos ng baklang photographer.
"No! Not like that--"
"Ah!!!!" Sigaw ko.
Mukhang nagulantang ang lahat ng tao sa studio.
"Can we stop already? Anim na oras na tayong nagphophotoshoot! Give me a break!" Sabi ko sabay alis sa platform at dire-diretsong lumabas ng studio.
Leche naman kasi eh. Kanina pa kami nandun. Feeling ko nga pinagtitrip-an nalang ako ng mga tao sa loob. Sa loob nang anim na oras, wala pa rin silang mahanap na magandang shot?
Impossible!
Kung nagtataka kayo kung para saan ang mga litrato, para yun sa charity even at yung ako daw yung muse.
Nakakafrustrate kaya! Brokenhearted ka na nga, pagod ka na, worn out ka pa! At ang dami kong plates na kailangan gawin mamaya pag-uwi ko. Bigla nalang kasi akong hinila ng The Kaisers dito sa studio kaninang dismissal ng walang pasabi.
Cheeezus. I hate that I get to be mixed up with them, lalo na at nanggulo sila sa buhay ko. Parang dinaanan ng hurricane! Nakakaloka at ang sakit sa bangs.
"Nagulat sa'yo si Richie. Bigla ka nalang daw nag-walkout." Lumingon ako at nakita si Bryce na naglalakad palapit sa akin.
"They're packing up. Madami nang magandang shots. Thank you, Cheska." Nakangiti sabi niya.
I just nodded. Masyado na akong pagod at wala na akong lakas na magsalita o makipagtalo man sa makulit na Bryce na 'to.
"Can I invite you to dinner?" Tanong sa akin ni Bryce. "I wouldn't take no for an answer."
Automatikong umangat ang kilay ko at napabuga ako ng hangin sa sinabi niya.
"Sana hindi mo nalang ako tinanong. Hindi ka naman pala tumatanggap ng hindi bilang sagot." Mataray na balik ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
ActionThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013