Epilogue

3K 53 6
                                    

FIVE YEARS LATER


Sabi ko sa sarili ko nung bata pa lang ako, ang pakakasalan ko ay katulad ng isang Marcus Fuentebella. Mabait, responsable, maginoo, at hindi nakikipag-away. Buo na ang pasya ko noon. I will make him fall for me. Pero isang araw, umepal sa buhay ko ang kapatid niyang si Bryce Lohan Fuentebella na total opposite ni Marcus. Bukod sa mukha itong badboy, leader pa ito ng isang fraternity, mahilig makipagbasag ulo, at bully. Never in my wildest dreams na naisip ko na maiinlove ako sa isang kagaya niya. Siguro nga, mapaglaro ang tadhana, dahil isang araw, I've found myself riding the rollercoaster of love with him.


Hindi biro ang pinagdaanan namin ni Bryce. Ilang beses din kaya akong nakidnap noong kolehiyo kami! Tapos halos tatlong taon din kaming nagkahiwalay. Muntik pa ako ikasal sa bestfriend nya. Napakatwisted ng buhay ko.


But I am still thankful, dahil behind those series of unfortunate events, contented ako sa buhay ko ngayon kasama ang asawa ko at ang anak ko.


Two years after namin magkabalikan ni Bryce ay napagdesisyunan namin na we should really take this to the next level. Hahaha! Kaya ayun, after a year of preparation, sa simbahan ang bagsak namin pareho. If you'd ask kung kamusta kami, we were the same old Cheska and Bryce. Bangayan here and there. Nagbago lang yun ng ipanganak ko ang panganay namin na si Xavier Lorenzo.


At ngayon, we are celebrating his first birthday.


"HAPPY BIRTHDAY, XEVI!!!!" Bati ni Bryce sa anak niya at hinagkan ito sa pisngi. "Kamukhang kamukha talaga kita! For sure, lady killer ka pag laki mo just like me."


Binatukan ko si Bryce. "Pwede ba, wag mo nga turuan ng kalokohan yang anak mo."


Napakamot sa ulo niya si Bryce. "Sorry na, mommy." He said then stole a peck from me.


"Ang sweet nyo naman po." Komento ni Eros.


"Sus, mag-asawa ka na kasi!" Kantiyaw ni Ryuu.


"Oo nga! Kayo nalang ni Tanner Cedric ang walang asawa! Malapit na kayo iwan ng huling byahe!"


"Shut up!" Reklamo ni Eros. "Life begins at forty! Ang lalaki kahit singkwenta na, nagkakaanak pa!" Balik nito sa pang-aasar ng mga kaibigan.


28 years old na halos kaming lahat. Si Eros at Tanner Cedric na nga lang talaga ang walang asawa sa buong barkada. Naunang ikinasal si Stephen, sumunod ay si Gale, pangatlo si Ryuu and so on and on. Pagkatapos ikasal ni Warren ay si Bryce na ang sumunod.


Si Tanner Cedric, sa LA na talaga siya nagbase. Umuuwi-uwi nalang siya dito. MADALAS. Parang dalawang beses isang buwan ata umuwi yun dito, ang rason niya, namimiss na daw niya si Xevi.


Spoiled na spoiled si Xevi kay Tanner Cedric at sa daddy niya, minsan nga, sinasabihan ko na silang tama na ang pagbili ng laruan sa bata kasi hindi naman nalalaro lahat.


"Speaking of Tanner Cedric, hindi ba uuwi yun?" Nagtatakang tanong ni Kent habang pinapakain ang anak na si Sofia.


"Hindi nga ma-contact. Baka may chick na naman." Sabi Cricket.


"Pag babae talaga ang usapan!" Komento ni Cholo.


"At sino naman may sabi sa inyo na hindi ako makakapunta?"


Sabay-sabay kaming napalingon lahat sa pinanggalingan ng boses. At nakita namin si Tanner Cedric na may bitbit na regalo, mukhang kagagaling lang din nya ng airport.


"HAPPY BIRTHDAY, XEVI!" Kinuha niya sa akin ang anak ko at hinagkan sa pisngi. "Ang gwapo mo talaga, mana ka sakin!"


"Nagbuhat na naman ng sariling bangko." I said sabay tawa.


"Aba, Mrs. Fuentebella, nagkaanak ka lang naging judger ka na." Tumatawang sabi nito.


"Tanner, akala ko di ka makakapunta?" Singit ni Xandro.


"Wala eh. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig, bro." Ngumisi ito.


"Bakit, type mo pa rin ba si Cheska?" Singit ni Dustin.


"Naku, patay tayo jan!" Sabay sabay na sabi ni Cholo at Eros.


"Ano ba kayo, guys. Wala akong balak maging homewrecker!"


Sabay-sabay kaming nagkatawanan lahat.


Nakuha lang ang atensyon naming lahat ng magsalita ang emcee, hudyat na magsisimula na ang birthday party ni Xevi.


-


Falling in love will be the greatest thing that could ever happen to a person. Syempre, hindi natin pwede i-expect na dapat, perfect o smooth sailing yun kasi there will always be a series of unfortunate events. Pero worth it naman lahat ng pagsubok basta kasama mo ang taong mahal mo.


Mahirap magmahal, kasi hindi mo pwede i-demand lahat sa isang tao. Mahirap umasa, kasi hindi lahat ng ginagawa mo ay maaring masuklian ng taong yun, but nevertheless, dapat tayong matuto to make the most out of what we have right now because we will never know until when we're going to have it.


Madaming akong natutunan sa pagbuo ng sarili kong lovestory. Bittersweet man, kontento naman ako, wala na akong mahihiling pa.


Sa pagtatapos ng kabanatang ito sa buhay namin ni Bryce, I can assure na di naman dito natatapos ang kwento namin. Malayo pa ang tatahakin namin, may mga bagong pagsubok kaming haharapin, that's for sure, pero naniniwala ako na malalagpasan namin ito dahil hawak-kamay naming sasalubungin ang mga pagsubok na ito.


Kaya maraming salamat sa inyo, at sana ay may napulot kayong aral sa kwento ng bahaging ng buhay namin kahit maikli lang.


Until we all meet again!


Love,

Francheska Summer Perez-Fuentebella


-


THE END!!!!!!

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon