Cheska's POV
Pabagsak kong hinagis sa mesa ang invitation na biglang nag-appear sa drafting table ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan sina mama.
"Oh, it's so rare of you to call, hija!" Bungad ni mama sa kabilang linya.
I heaved a deep sigh bago ako sumagot. "Ma, anong 'tong invitation na 'to? What do you mean na gusto niyong iannounce formally ang engagement namin ni Tanner Cedric?"
"Oh, hija. Dumating na pala." Parang bale-wala na sagot nito.
"Yes, mom. Apparently. At bakit hindi niyo man lang kami kinonsulta ni Tanner Cedric tungkol dito?" Umupo ako sa swivel chair ko at hinimas ang gilid ng ulo ko. Ang gulo-gulo na ng nangyayari.
At ang mas malala pa, Bryce is back.
Maayos na sana eh. Pero bakit ba kasi siya bumalik nang wala man lang pasabi? Ano siya, bigla-bigla nalang dadating dito, parang, "Surpise! Eto ako. Namiss nyo ba ako?" Isang malaking kalokohan.
"Hush, baby girl. Sooner or later din naman ay malalaman ng buong high society at buong bansa ang tungkol sa engagement ninyo."
UGHHHHHHHHHHHH! As much as I love my parents, minsan, they get in my nerves! Tulad ngayon! Ang maisipan talaga nila, I swear to god. It's so frustrating.
"And besides, it's the perfect time to announce it. Dahil ililipat na rin naman kay Tanner Cedric ang pagiging Chairman ng company nila. So, are we good?"
"Mom—-"
"Oh, nandito na yung yacht. See you in a week's time, baby! Love you!"
"MOM!" But all I heard ay busy tone na sa kabilang linya.
Pasalampak akong sumandal sa upuan at huminga ng malalim. Kinuha ko ulit ang invitation at tinitigan iyon.
Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Margaux. If Bryce is back, bakit hindi siya nagpakita sa'kin?
SERIOUSLY! I'm so pissed off about everything!
"Good evening, sunshine."
Napakurap ako ng biglang nagmaterialize si Tanner Cedric sa harap ko. Kumunot ang noo ko. He just called me, 'sunshine', didn't he?
"Alam mo ba ang tungkol dito?" Nilapag ko sa mesa ang invitation.
Umiling ito. "Exactly why I went here."
"Anong balak mo?"
He shrugged. "Ikaw?" He asked me habang naglalakad siya papunta sa mini fridge ko at kumuha ng juice doon.
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
ActionThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013