Five
Pababa na ako ng hagdan namin ng may maulingan akong parang nag-uusap sa may kitchen, dun din naman ang punta ko dahil kakain muna ako ng breakfast bago ako pumasok sa school. Pagkarating ko sa dining area, napanganga talaga ako ng makita ko si Bryce na nakasandal sa bar top hang humihigop ng kape at kausap si mommy.
Anyare?
"Cheska, baby." Tawag sa akin ni mommy.
"Morning, mommy." Nakangiti kong bati sa kanya sabay punta sa gawi ng refrigerator. Unfortunately, kailangan ko madaanan si Bryce ako makarating sa regfrigerator and I can feel his stare on my back.
I have been trying my best to avoid him dahil sa insidente sa overlooking nung nakaraang Sabado.
"Hija, the fridge's door has been open for a long time." Bumalik ako sa katinuan ng magsalita si mommy. Napapitlag pa nga ako. Then I heard Bryce snort.
What the hell.
Nilagpasan ko ang hinayupak na si Bryce and I didn't even bother on looking at him. Umupo na ako sa tabi ni mommy at kumuha ng pagkain. Habang ang bwisita, eh ayun, nakatayo lang at nakamasid. Ano bang ginagawa niyan dito at ang aga-aga eh nakikikape? Wala bang kape sa kanila?
Napaarko ang kilay ko with that thought.
"Bryce, come, sit with us." Anyaya ni mommy.
Sumunod naman.
=_=
"Cheska, you'll ride with Bryce today to school." Biglang sabi ni mommy.
Dirediretsong pumasok sa loob ng lalamunan ko yung kinain kong pancakes and bacon at bumara yun sa loob. Masamid-samid ako pagkatapos kong uminom ng tubig.
"Po?!" Napalakas na sabi ko.
"I'm gonna use your car today. Sira yung van."
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa bacon, kay mommy at kay Bryce na nakangisi.
"Pero mommy, pwede naman kay Margaux ako---"
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
ActionThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013