Chapter Twenty-One

2.3K 46 1
                                    

Cheska's POV

The next day, I acted as if I heard nothing. Ayoko na kasing magulo lahat, pero aaminin ko, I was really caught off guard. I tried to act cool in front of Bryce para hindi niya mahalatang alam ko yung tungkol dun sa sinabi ni Bryce.

"Hey, sunshine!"

"What?" Hindi ko inaalis ang atensyon ko sa sinesketch kong design ng isang interior ng bahay. Actually, this is a sketch of my dream interior. Kaya focus na focus ako.

"Look, I've got us tickets."

Tiningnan ko yung hawak ni Bryce.

"Tickets for what?" Tanong ko.

"Boracay. Dun nalang tayo mag-Christmas, kasama ang The Kaisers. Ang lungkot naman kung tayo lang dalawa dito." Sabi ni Bryce sa'kin.

"Oh, okay lang."

"We'll leave on the 24th." Pahabol nito.

"That's tomorrow! I have to pass these plates!"

Yes, you read it right. Yung professor ko na mahilig mag-undertime, inextend nga niya yung deadline, pero Christmas Eve naman. Ano kayang problema nun? Ang lakas ng tama. Hindi ko kinakaya.

"Kaya nga namili na ako ng gamit natin, para makapag-ayos na tayo ngayong gabi."

Napanganga ako sa sinabi ni Bryce.

"You really think na papayag ako agad no?" Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.

He smirked.

"Of course, alam kong papayag ka agad."

Kinuha ko ang pambura ko at binato yun sa kanya. Tumawa lang ito ng malakas at nagpaalam na kukuhanin ang ibang pinamili niya sa basement kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Kinuha ko naman yung ticket na nakapatong sa ibabaw ng mesa, pinagmasdan ko yun at napailing. Minsan, sobrang spontaneous din talaga ng isang yun.

-

"WHAT THE--- ARE YOU KIDDING ME?!" Iwinagayway ko sa harap ni Bryce ang dalawang kapiraso ng tela na kulay teal. "SINASABI MONG SUOTIN KO 'TO?!" Hindi makapaniwalang dagdag ko.

Nag-aayos kami ng mga dadalhin sa Boracay at hinalukay ko yung mga pinamili niya ng biglang makita ko yung two-piece bathing suit na binili daw niya para sa'kin. Umasim tuloy ang mukha ko ng makita ko yun.

"Why? It's cute!" Defensive na sabi nito habang naglalaro ang mga pilyong ngiti sa labi kaya pinalo ko ulit siya. "Ouch!" Daing nito.

"Cute? Sana hindi mo nalang binili, pinaghubad mo nalang sana ako!" Huli na para marealize ko yung nabitawan kong salita. Tiningnan ko si Bryce at nagpipigil ito ng tawa.

Leche talaga.

"Naked? Ooh." Tawang-tawa na sabi nito.

"Shut up, jack-a." Masungit na sabi ko sa kanya at tumayo.

"Oy, saan ka pupunta?"

"Sa lugar kung saan malayo sa isang perv na tulad mo!" Sabi ko at sinara ang pintuan sa likod ko.

Dafuq, Bryce. You're so weird.

-

"THIS IS THE LIFE!" Sigaw ni Austin habang tumatakbo papuntang beach front. Yep, nasa Boracay na kami.

Anong nangyari kanina?

It was a whirlwind. Pumunta kami ni Bryce ng sobrang aga sa school para ipasa yung plates ko at diretso airport na. Take note, wala pa rin akong masyadong tulog dahil tinapos ko yung plates ko. At ngayon, gusto ko nalang gumulong sa buhangin ng Boracay sa sobrang antok.

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon